CHAPTER 4
Maaga muling nagising si Vann ng araw na iyon dahil iyon ang araw na sasamahan siya ni Jazel sa maaari niyang mapasukan na trabaho. Naghanda na rin siya ng aalmusalin nila at ng matapos ay nag-ayos na siya ng kanyang sarili. Natapos na siya sa kanyang ginagawa ng magising sila Lola Trining .
"Magandang umaga Vann apo." bati nito sa kanya.
"Magandang umaga din po Lola." balik niyang bati dito.
"Ang aga mo atang nagising?" tanong pa nito.
"opo Lola kasi papasok po ako sa sinasabi ni Jazel." sagot niya.
"naku oo nga pala." wika nito.
"Jazel apo mag-ayos ka na ng sarili upang masamahan mo na si ate Vann mo." wika ni lola Trining kay Jazel.
"opo lola." sagot nito at kumilos na.
Nag-almusal sila ng sabay sabay at nang matapos ay agad din silang nagpaalam kay lola Trining upang umalis na. Naglalakad na sila ng magsalita si Jazel.
"ate Vann malapit sa baranggay ang mapapasukan mo isa iyong karinderya at one fifty ang sahod. Ayos lang po ba iyon sa iyo?" tanong nito.
"ayos lang Jazel basta ay may trabaho." nakangiti niyang sabi.
*************"Nandito na po tayo ate." wika ni Jazel sa kanya.
"sandali lang ate tatawagin ko lang po si aleng betchay." sabi nitong muli sa kanya na tinanguan niya.
Pumasok na si Jazel sa karinderya habang siya ay naghihintay sa labas. Mga ilang sandali lang ay lumabas muli si Jazel.
"ate tara pasok ka gusto ka makita ei." tawag nito sa kanya.
Mabilis siyang sumunod dito at pumasok sila sa isang kusina.
"aleng betchay ito na po ang ate ko na gusto pumasok dito sa karinderya niyo." sabi ni Jazel sa may-ari ng karinderya.
Pinagmasdan niya ang babae mataba ito, manipis ang mataas na kilay na kinulayan ng kulay itim.
Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa habang nakataas pa ang isa nitong mga kilay.
"marunong ka bang magluto?" tanong nito sa kanya.
"Hindi po." sagot niya na kinataas pa lalo ng kilay nito?
"Hindi ka marunong magluto tapos gusto mo pumasok dito?" wika nito sa kanya na niirita!" siguro naman ay marunong kang maghugas o magserve ng pagkain?" muli nitong tanong sa kaniya.
Tumango na lang siya upang tanggapin siya nito. Nahihiya na rin kasi siyang magsalita dahil sa mga sinabi nito sa kanya.
Tumango naman ito sa kaniya.
"o siya magiging tagahugas at tagaserve ka ng pagkain at kung marami pang ginagawa ang ibang kasama mo ay ikaw na rin ang magligpit at linis ng pinagkainan ng mga costumer." paliwanag nito sa mga gagawin niya na tinanguan niya lang.
"anong ngang pangalan mo?" tanong nito sa kanya.
"Vann po." sagot niya dito.
"sige ngayon ka na mag-uumpisa. Ang sahod mo dito ay one fifty libre na ang pagkain mo." sabi pa nito sa kanya.
"marami pong salamat at tinanggap niyo po ako. Pagbubutihin ko po ang trabaho ko."masaya niyang pasasalamat dito.
"ate Vann aalis na po ako." biglang sabi ni Jazel na nasa tabi pa pala niya.
YOU ARE READING
You Shaken My World
General FictionMy First ever story please support and read it. Purong Tagalog lang tayo mga frenny. Lumuluha ako habang unti-unting naglalakad paalis sa lugar na kinalakihan ko. Sa lugar kung saan ang mga masasayang alaala na kinagisnan ko ay biglang naging isang...