CHAPTER 2
Maagang nagising si Vann ng umagang iyon. At nakita niyang tulog pa ang dalawang bata subalit nagtaka siya kung bakit wala si nanay Trining, nasagot lamang ang kanyang tanong nang bumukas ang pinto at pumasok ito na may dalang tinapay.
"Magandang umaga ho nanay Trining." nakangiting bati niya dito.
"oh iha gising ka na pala. Magandang umaga rin." bati rin nito sa kanya.
"kamusta ang iyong tulog?" tanong nito sa kanya.
"Ayos lang naman po. Salamat
po ulit." sagot niya dito."Mabuti naman kung ganun iha." nakangiti nito muling sabi.
"Tara na at mag-almusal na tayo. Baka mamaya rin ay nandiyan na ang may-ari ng bahay na uupahan mo. Sasamahan na kita dun." wika nito sa kanya.
"Sige po nanay Trining." sagot niya dito
Tumayo na siya at niligpit ang pinaghigaan niya. Pagkatapos ay naghilamos at mumog lang siya at umupo sa sahig katapat ni nanay Trining at nag-almusal sila ng sabay.
"pasensya na iha dahil kape't tinapay lang ang almusal." humihinging pasensyang sabi nito bigla habang sila ay kumakain.
"Naku ayos lang po wala kayong dapat ikahingi ng pasensya. Ako nga po ang dapat humingi ng pasensya dahil nakakaistorbo na po ako sa inyo." aniya.
"Wag mong sabihin yan iha hindi ka nakakaistorbo parang apo na rin kita kaya wag ka mag-iisip ng kung anu-ano."
"Salamat po nanay Trining." pagpapasalamat niyang muli.
Patapos na sila mag-almusal ni nanay Trining nang magising ang dalawang apo nito.
"magandang umaga po lola, ate Vann." sabay na bati ng mga ito.
"magandang umaga din." nakangiti niyang bati sa mga ito.
"oh mga apo gising na pala kayo. Halina dito't mag-almusal na kayo at ikaw Danziel ay maaga pang papasok sa eskwela." wika ni nanay Trining.
"opo lola." sabay na sabi ulit ng dalawa.
"ikaw Jazel ano naman ang gagawin mo ngayon?" tanong ni nanay Trining kay Jazel habang inaayos ang almusal ng dalawang apo.
"sasama po ako magtinda ng diyaryo kay Anton lola." sagot nito na tinanguan lang ni Lola Trining.
"lola wag na po kayo magtinda dito na lang po kayo at magpahinga. Kami nalang po ni ate Massie ang magtatrabaho para satin." walang anu-ano'y sabi ni Jazel.
"apo gusto ko makatulong sa inyo saka wala naman akong gagawin dito sa bahay. Hindi naman ako masyadong pagod sa pagtitinda dahil nakaupo lang naman ako dun." ani nito
Habang siya ay nakikinig lang sa mga ito. Di niya naiwasang maalala ang kanyang lola kay nanay Trining na kasama na rin ng kanyang ina ngayon. Sana nandito pa rin sila malungkot na isip niya.
"Vann iha?
"po? gulat niyang tanong kay nanay Trining.
"kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang. May problema ka ba?" tanong nito.
"ah wala naman po." maikli niyang sagot.
Pinagmasdan siyang maigi ni nanay Trining bago nagsalitang muli.
"alam kong may problema ka iha at hindi kita pipiliting sabihin iyon. Pero lagi mong tandaan na nandito lang ako kapag kailangan mo ng makakausap."
"salamat po nanay Trining, naalala ko lang po ang lola ko sa inyo kaya natulala po ako." amin niya dito.
"ganun ba? Nasaan ba ang lola mo bakit hindi mo kasama dito sa Maynila?" tanong nito.
YOU ARE READING
You Shaken My World
Narrativa generaleMy First ever story please support and read it. Purong Tagalog lang tayo mga frenny. Lumuluha ako habang unti-unting naglalakad paalis sa lugar na kinalakihan ko. Sa lugar kung saan ang mga masasayang alaala na kinagisnan ko ay biglang naging isang...