Chapter 1

55 2 1
                                    

CHAPTER 1

“Happy Anniversary!!!!!” Sabay-sabay na bati naming magkakabarkada sa bawat isa. 4 years of friendship is not a joke, ito na ang isa sa pinakamakakahalagang bagay sa buhay ko. Mga kaibigan na mula pagkabata ay lagi kong kasama sa saya, kalokohan at pati na rin sa lungkot .

“Para sa friendship natin na subok na ng panahon at para sa ating pagtatapos bilang high school students, cheers!!!” sabi ko at lahat kami ay nagcheers at pinagpatuloy ang kasiyahan.

Ako nga pala si STEVEN QUINN "QUINN" MADRIGAL, 17 years old at kaga-graduate lang sa high school. Ang nag-iisang tagapagmana ng isa sa pinaka-kinikilalang kumpanya sa mundo ang MADRIGAL GROUP OF COMPANIES. Ang kumpanya naming ay nagpapatakbo ng iba’t ibang businesses tulad ng clothing and beauty products, telecommunication companies, we also have tv networks and a lot more.

Sa darating na pasukan ay mag-aaral ako ng business management sa sikat na university sa bansa ang UNIBERSIDAD DE SILVA (UDS), na pagmamay-ari ng pamilya ng girlfriend ko.

“Honey, congratulations! I love you!” girlfriend ko ALEXANDRA DANIELLE “ALEX” DE SILVA then she kissed me and smile. Isa si Alex sa heredera ng mga De Silva, ang Unibersidad De Silva ay isa lang sa mga universities na pinapatakbo ng mga magulang niya sa buong bansa at may branches din outside the country. Nagmamay-ari rin sila ng mga 5 Star hotels sa Asia and Europe.

I kissed her back “I love you more hon!” and pinched her nose.

“Aray naman! Ito nanggigil na naman sa akin eh.” Sabi niya at nagpout. Ang ganda niya talaga!

I hugged her tight and kissed her forehead “Wag kang magpout dyan halikan kita ulit dyan eh!” Inangat niya ang ulo niya at tinawanan lang ako. This girl never fails to make my heart melts whenever she smiles and laugh. We’ve been together since first year high school, galing siya sa states dahil dun naka base ang family nila dati. Transferee siya nung magstart ang high school and bestfriend niya ay kabarkada ko rin, we’ve been a good friends at naging sobrang close naming dalawa to the point na niligawan ko na siya. Hindi naman ako nabigo, vacation after first year high school naging official ang relationship namin and now we are happy to be in a relationship for about 3 years.

“Hahaha… ikaw ha nakakarami ka na! Quota ka na sa akin ha.. ^_^” Alex said.

“Hoy kayo dyan, dito na nga kayo wag kayong magsolo dyan!” yan naman ang bestfriend kong si KENT HUNTER “UNO” MADRIGAL, pinsan ko rin yan kaya mula nung nasa tyan pa kami ng mga nanay namin eh sanggang dikit na kaming dalawa. Isa rin sa tagapagmana ng pamilya namin. They mainly handle the telecommunication and clothing companies ng mga Madrigal.

“Ugok! Oi, kayo nga magtigil sa kaka PBB Teens niyo dyan, para namang hindi tayo magkakasama sa isang university!” sabi naman ni CHEENAH MIKAELLE “YNAH” HERMOSA bestfriend ni Alex mula grade 1, galing din ng states sila Ynah at dun sila naging magbestfriend ni Alex before they returned back here nung grade 5 kami at naging parte siya ng barkada. Isa ang pamilya nila sa major supplier ng farm, dairy and poultry products sa Asia.

Lumapit naman kami ni Alex sa kanila at nagumpisa na ulit ang kulitan ng barkada.

“Nga pala sa isang araw na yung outing natin ha, confirmed na tayong lahat dun.” Ito naman si SOFIA CHARICE “ICE” DELA TORRE isa rin sa bestfriend ng girlfriend ko. Ang pamilya naman niya ay nanguguna sa fashion industry dahil ang mga magulang niya ay parehas na sikat na international models.

Tumayo naman si BRENT NICKOLO “NICK” AQUINO ang boyfriend ni Ice “Tama guys for sure mag-eenjoy tayong lahat dun di ba babe?” baling na tanong niya sa girlfriend niya. Isa naman sila sa manufacturer ng mga latest and high end electronic gadgets na nilalabas na rin around the world.

“Oo naman noh! Sigurado yun, tayo pa!” sagot naman ni Ice.

“Yieee, isa na namang bonding session before our college days” tili naman ni BRIANNA ZOE “ZOE” TORRES ang bumubuo sa grupo nila Alex na Power Four or PF. Galing naman siya sa pamilya ng mga artista na matayog ang katayuan sa industriya ng show business.

Inis namang tinakpan ni JAYDEN ANDREW “DREW” BAUTISTA ang bibig ni Zoe “Tumahimik ka nga ang ingay mo kahit kalian.” Siya naman ang bumubuo sa grupo namin ang Charming Hunks. Siya naman ay katulad ko na tagapagmana rin ng kumpanya nilang nagsusupply ng petroleum products sa Asia.

“Hahaha… ang saya naman! Biruin niyo college na tayo new chapter na naman in ourlives ang sisimulan natin noh.” Alex

“Kahit new chapter ng buhay natin sure akong tayo pa rin ang magkakasama kahit iba iba ang courses natin! Walang iwanan sa barkada!” ako

“Naman! Cheers!!!” lahat 

Yan ang barkada ko, solid at intact. Sa tagal na ng pinagsamahan naming lahat alam kong lahat ng darating sa amin eh makakaya naming lagpasan ng sama-sama. Ganyan namin kamahal ang isa’t isa, mayayaman at mga kilala sa lipunan pero walang arte sa aming katauhan.

== End of Chapter 1 ==

********************************** 

So this is it guys... Chapter 1 posted, and I hope you liked it!!!

Longing For My Lost Love (LFMLL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon