Chapter 5

6 0 0
                                    

CHAPTER 5

Quinn’s POV

Madaling lumipas ang mga araw, dalawang linggo na lang pasukan na naman. Isa na akong Business Management student sa pasukan. Ganun din naman si Alex and Ynah. Electrical Communications Engineering naman and kinuha ni Uno kasama si Nick samantalang si Drew ay Chemical Engineering. Si Zoe ay isa naman Theater Arts student at si Ice ay Fashion Designing ang kinuha.

Iba iba kami ng courses kaya magkakaiba ang schedule, napag-usapan na namin ito at napagkasunduan na every weekend ay magkakaroon kami ng bonding session. Alam naming lahat na hindi na biro ang college life, magiging busy kaming lahat sa mga courses namin.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Alex, dumalaw ako kasi hindi kami nagkita for 2 days. Isinama kasi siya ng kuya niya sa rest house nila sa Baguio bonding session na rin nilang magkapatid.

“Oh Quinn, long time no see ah. Ano ng balita ha?” tanong sa akin ni kuya Ash. Siya ang nakatatandang kapatid ni Alex, Riley Ashton “Ash” De Silva, 21 years old at nagtatrabaho as the VP ng De Silva Corporation. Sa batang edad niya eh kasama na siya sa pagpapatakbo ng businesses nila.

Tumayo ako at nakipag man-to-man handshake kay kuya “Ooo nga kuya eh, busy ka na kasi sa work kaya hindi ka na makasama sa amin.” Isa rin sa barkada si kuya kaya lang nung nagwork na siya sobrang abala na siya at minsan na lang namin maka-bonding.

Natatawa namang sumagot si Kuya Ash “Gustuhin ko mang mag-unwind eh hindi pupwede, ang daming ginagawa sa opisina. Wala na nga rin akong oras para kay Xandz.”

“Hmp! kaya nga ako na ang dumadalaw sayo eh kasi sobrang busy ka at nakalimutan mo na yatang may girlfriend ka pa.” Nakasimangot na pagpasok ni ate Xandz. Xandra Dione “Xandz” Trinidad, siya ang long time girlfriend 21 years old din at fiancee ni Kuya Ash. Silang dalawa anf inspiration namin ni Alex kasi simula grade 6 eh sila na talaga, maagang lumandi yang dalawang yan eh. Ahahaha.

“Oh babe! I’m about to fetch you. Paalis pa nga lang ako to surprise you eh mukhang ako ang nasurprise mo ah.” lapit ni Kuya Ash kay Ate Xandz sabay halik sa pisngi.

Ako na ang sumingit “Naku Ate Xandz, pagbigyan mo na at halatang busy naman talaga sa work yan.”

Tiningnan ako ni Ate Xandz bago sumagot “Kung hindi ko lang mahal ito matagal ko ng iniwan yan eh. Ang daming babaeng gustong kumalantari, nakakasawa na kaya.” ngiting sabi ni ate.

“Yaan mo Ate Xandz kapag may umaligid dyan ako na bahala, irereport ko agad sayo. hahaha...” hindi ko namalayan na nakababa na pala si Alex at sabay beso kay Ate Xandz.

“Kayong dalawa pinagkakaisahan niyo na naman ako ha! Ikaw Alex dyan ka na sa boyfriend mo lalabas lang kami ng Ate Xandz mo at idedate ko siya ng makabawi naman ako.” Kuya Ash

“Asus! Babawi daw, naku kung ako sayo Ate Xandz uuwi na lang ako. Sa sobrang kuripot ni kuya baka kung san ka lang dalhin niyan para mag-date.” pang-aasar ni Alex

Lumapit ako sa kanya sabay akbay “Ikaw talaga hon, hindi ka na natigil kakaasar sa kuya mo.”

“Hahaha... In fairness naman Alex hindi pa naman nagkukuripot ang kuya mo sa akin. Yaan mo kapag sa cheap na lugar ako dinala nito ikaw ang unang makakaalam...” tawa ni Ate Xandz.

Niyakap naman na ni Kuya Ash si Ate Xandz “Paano dyan na kayo, at ikaw Quinn umayos ka ha behave ka lang dyan. Bye princess.” sabi sa amin ni Kuya Ash.

“Bye guys!” pagpapaalam naman ni Ate Xandz.

“Bye ate and kuya enjoy!” sabay na tugon namin ni Alex.

Pagkalabas nila Kuya Ash eh bumalik kami sa sala nila, “Ikaw hon, masyado mo ata akong namiss ang aga ng dalaw natin ah.” nakangiting sabi ng girlfriend ko.

Hinila ko siya para mapaupo sa tabi ko “Bakit ayaw mo ba? Two days kaya tayo hindi nagkita noh. I feel empty alam mo ba yun?” parang paawa effect na sagot ko sa kanya.

“Naku! Ikaw na Steven Quinn Madrigal! Ikaw na pinaka-cheesy na boyfriend dito sa world.” at pinisil ni Alex ang ilong ko.

Hinawi ko naman yung kamay niya, ang sakit kaya nun! “Nagsasabi lang naman ako ng totoo noh, sobrang namiss lang kita hon.” sabay yakap ko sa kanya.

Niyakap naman niya ako pabalik, yung yakap na ramdam kong miss din niya ako. “Ako rin naman namiss kita, sobra.”

After namin magkulitan dun sa sala nila at kinwento niya ang mga ginawa nila ng kuya niya nung nagbonding sila, lumabas kami at nagpunta sa may gazebo nila. When we reach there I saw a book, I think this is the one she’s currently reading. “Hon, matatapos mo na pala itong book na toh? Maganda ba?”

She turned her head on me naglalagay kasi siya ng juice sa baso the time I asked her “Yup. Actually ngayon ko lang nga natry na basahin yung mga books ni Mitch Albom. I find his stories very interesting kaya nga bumili ako ng mga books niya and that is the second one.” she smiled at me.

“Ok. I think I’ll try to read it too tutal medyo mahaba-haba pa naman ang time for vacation.” I said.

“You’ll love it definitely hon.” she said while she handed me the juice.

I smiled to her “Thanks hon.”

After that conversation, she lay down on the couch placed in their gazebo, her head on my lap. Malaki naman kasi itong gazebo nila kaya parang mini sala na rin. I was just listening to my ipod and she’s reading the book. Ganun lang kami tahimik but we still feel comfortable. It’s already luch time when we decided to go inside and have our lunch. She asked the maids to prepare my favorite foods. Kahit kalian talaga ako ang inuuna niya, sabagay kapag siya naman ang nasa bahay I do the same thing.

Dun lang kami sa bahay nila nagstay maghapon, nood ng tv and movies laro ng video games at nagkayayaan din kaming magjamming.

It’s already past 8 in the evening when Kuya Ash arrives “Oh, Quinn you’re still here?”

“I waited for you Kuya before I leave alam mo namang walang kasama itong si Alex eh.” I answered him.

“Asus, masyado ka lang naaliw kaya inabot ka na ng gabi dito. Ahahaha…” Alex teasingly said.

Nandito na si kuya sa sala nakaupo na sa harap namin “Kumain na ba kayo ng dinner ha?” tanong pa niya sa amin.

Si Alex na ang sumagot “Yes kuya we’re done.”

Tumayo na ako para magpaalam “Hon, I think I should go, nandito naman na si kuya and you’re not alone.”

“Ok hon, ingat sa pagdadrive ha. Send my regards to tito and tita.” Alex said

“No problem hon. Goodnight! I love you!” Sabi ko ang kissed her sa forehead lang andyan si Kuya Ash eh. Hehehe…

“Bye! I love you too!” Alex answered me with her sweetest smile.

“Kuya alis na ako. Kita kits ulit next time.” sabi ko kay Kuya Ash.

Tumayo si Kuya Ash ang we give each other a manly-hug “Sige bro, kamusta mo na rin ako sa barkada, kamo bawi ako next time.”

“Asahan namin yan Kuya ha. Sige I’ll go ahead.”

“Bye ulit hon.” Alex hugged me before I left.

“Ikaw you sleep early ha. Bye!” I finally said before leaving their house.

I had a great time today panigurado masarap tulog ko nito mamaya. Ang saya lang, na kahit sa mga simpleng bagay nagkakasundo kaming dalawa. Simple things that make us both happy. Another day shared with the love of my life.

== End of Chapter 5 ==

Longing For My Lost Love (LFMLL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon