Chapter 2

39 2 1
                                    

ayan na sisteret.. ang chapter na toh dedicated sau, kulit mo lang eh... pag-iisipan ko ang proposal mo ha... give me time to think!!! ahahaaha.... 

========================

CHAPTER 2

Quinn’s POV

Nandito na ang barkada sa Palawan at tumuloy kami sa hotel nila Alex dito. Mga 12pm na kami nakarating diresto kami sa assigned rooms namin. Apat na kwarto ang binigay nila sa aming lahat pang-VIP. For two ang mga rooms namin kaya naman ang partners eh ito: Alex/Ynah, Ice/Zoe, Quinn/Uno & Nick/Drew. Magkatapatan lang ang rooms namin kaya madali lang puntahan ang lahat.

Mga 2pm nagkayayaan na kaming lahat ng maglate lunch at pagkatapos ay nagikot-ikot na rin. Ng nagkasawaan na sa pamamasyal eh ang pagsi-swimming naman ang napagtripan namin kaya bumalik kami sa hotel para magpalit ng damit.

Nauna kaming mga lalaki na makalabas ng hotel at pumwesto na kami sa shore.

“Mga babae talaga saksakan ng tagal magbihis eh. Nakailang text na ako kay Ynah hindi sumasagot.” Uno

“Dude, nature na nila yun  kala mo laging aattend ng party sa tagal mag-ayos. Hahaha” sabi naman ni Nick

“Hindi na kayo nasanay dun sa mga yun kaya nga bitbit nila buong closet nila kapag naga-outing tayo eh!” nakangising sabi ni Drew

“Ano ba kayo mga dude eh ganun na talaga sila noon pa man eh hindi na natin mababago yun!” tawang sabi ko naman dun sa tatlo.

Nagkakatawanan pa kaming apat ng may marinig kaming mga sipol ng ibang kalalakihan sa paligid namin at inis na bulungan naman ng mga babae sa tabi.

“Pare, panalo yung mga chika babes oh! Ang kikinis” Boy 1

“Oo nga, coca-cola ang mga katawan! Witwew!!! Lalo na yung naka pula!” Sipol naman ni Boy 2

Sa kabilang side naman namin “Ano ba  yan girl, natalo na tayo nung mga babaeng yun. Kainis” Girl 1

“Tama ka dyan. Sabi ko naman kasi sayo wag ito ang bilhin nating swimsuit eh dapat yung mas daring” asar na sabi ni Girl 2

Sabay-sabay naman kaming apat na napatingin dun sa tinitingnan ng mga tao. Laking gulat na lang namin na makita ang Power Four na naglalakad papunta sa pwesto naming Charming Hunks. Mga dude ibang klase laglag panga kaming apat eh, ngayon lang namin sila nakitang nakaswimsuit. Napako ang Tingin ko kay Alex, siya pala yung nakapulang sinasabi nung isang lalaki at hindi maitatanggi na maganda ang katawan niya na mas nadadala ng maganda niyang mukha. Si Ynah naman ay nakadilaw na two piece at si Uno ay halos magkandaduling na sa pagtingin sa kanya. Ito namang si Nick ay halos pasukan na ng langaw ang bibig pagkakita kay Ice na nakawhite swimsuit. Habng habang si Drew naman ay parang namaligno ng makita si Zoe na naka blue swimsuit. Head turner talaga ang apat na ito! >:-/

Agad naman napatayo kaming apat at sinalubong ang mga girfriends namin sabay rinig ng iba’t ibang kumento.

“Sayang dude mga taken na pala” Boy 3

“Oo nga kala ko may chance na tayo” Boy 4

Inis kong tiningnan yung mga lalaki at sabay tapon ng back-off-glare. Napaiwas naman ng tingin yung mga abnoy nay un. Buti naman alam nila kung san sila lulugar.

Siya namang paglapit samin nila Alex. Inakbayan ko siya para alam ng mga tao dito na sakin na siya. “Anong problema mo hon? Masyado ba kaming natagalan?” tanong naman ni Alex sa akin.

“Bakit kasi ganyan ang suot niyo eh, ang dami tuloy nakatingin sa inyo.” Inis kong sagot sa kanya

Binalingan naman ng tingin ni Drew si Zoe bago ito hapitin sa baywang “At ikaw na babae ka, kelan ka pa natutong magsuot ng ganyan ha?”

Tiningngan naman ni Zoe ang suot niya bago sumagot sa boyfriend nito “Bakit pangit ba hindi ba bagay sa akin Drew? :(” malungkot na tanong ni Zoe

“At ikaw naman Ynah, ano pumasok sa utak mo at ganyan ang porma niyo ha?” Natitimping sabi ni Uno

Tumatawang sagot namang tumingin sa kanya si Ynah “Natural nasa beach tayo ano gusto mo magpajama kami dito?!?” sarcastic na tono ni Ynah

“Pasaway talaga kayo noh, tingnan niyo pinagtitinginan kayo ng mga lalaki dito oh!” Pigil sa sigaw ni Nick palapit sa girlfriend niya

“Eh ano naman kung tumingin sila, hanggang dun lang sila atleast kayo nakakayakap at akbay pa sa mga kasing ganda at sexy naming di ba girls??? Kayo nga pinagpapantasyahan na ng ibang babae oh.” mapang-asar na tugon naman ni Ice sabay cling sa braso ni Nick

Napailing nalang kaming mga boys sa katwiran ni Ice. Kanya-kanya naman kaming hila sa mga girlfriends namin, mahirap na baka may makalusot pa.

Nabigla naman ako ng magsalita si Alex “Hon, galit ka ba?” nag-aalalang tanong niya sa akin.

Niyakap ko siya at sabay sabing “Hindi ako galit hon, naiinis lang ako kasi pinagtitinginan ang maganda at sexy kong girlfriend.”

“Eto talaga napakaseloso mo, alam mo naman ikaw lang eh kahit ilan pa silang tumingin sa akin, ako naman sayo lang nakatingin. Happy 3rd Anniversary hon.. I love you…” lambing na sabi niya sa akin sabay yakap. Hindi ko talaga maiwasang mapalundag ang puso ko kapag ganyan ang sinasabi niya, ramdam ko yung sincerity niya sa mga salitang binibitawan niya kaya nga mahal na mahal ko ito eh.

Mas niyakap ko pa siya ng mahigpit “Sabi mo yan hon ha, wag na wag mo akong iiwan ha hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin ikamamatay ko yun. Happy anniversary too. I love you so much…”

Pinalo naman ako ni Alex sa braso ko “Ano ba yang sinasabi mo, hindi ako mawawala sayo noh hindi kita iiwan promise ko yan.” Sabay kapit niya sa leeg ko at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti naman ako sa sinabi at ginawa niya. Alam ko sa sarili ko na siya na talaga ang babaeng gusto kong makasama habang buhay sabay ng iniisip kong ito ang panonood naming magbabarkada sa sunset.

We decided to goback to the hotel to prepare for dinner. And I prepared a special dinner for me and Alex, alam ng barkada ito kasi kasama ko silang magplano. Yung mga girls nga kinikilig eh at pinariringgan pa mga boyfriends nila na sana daw eh maging sweet katulad ko. Hahaha, ito kasing mga barkada ko eh parang wala lang pero wag ka, takot yan sa mga girlfriends nila ganun nila yun kamahal.

Pinareserve ko ang buong restaurant sa hotel, actually kinakabahan ako kasi ngayon ko lang gagawin ito. From our previous anniversaries laging busy kami kaya simple dinner lang ang nagagawa namin. Chineck ko na kung ok na lahat from food, table setting, flowers and and band, ng sa tingin ko ok naman na ang lahat i think it’s time to make my princess feel my love!

== End of Chapter 2 ==

**************************** 

**************************** 

(Whew! Natapos ko na ang chapter 2. ok ba guys??? XD)

Longing For My Lost Love (LFMLL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon