Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung pinakilala ni kuya ang girlfriend niya araw araw narin siyang pumupunta sa bahay close na rin kami ni ate tessa,pero kay ezekiel medyo close narin kami,at ngayon ay exam na namin,medyo kinakabahan ako ngayon.
"hoy! kakang anong tinutulala mo riyan mag review ka na nga"saad sa akin ni ezekiel,oo alam na rin nila yung nickname kong yun kaya ayun palagi na nila akong inaasar.
"manahimik ka nga riyan ez bakla ka ba ha napaka lakas ng boses mo kala mo naman may tatlong bundok yung layo natin,bakit ako pa kase ang pinili ni maam dez na tutur mo eh ka bad trip"saad ko sabay tayo.
"ops,saan ka pupunta"pagpigil niya sa akin.
"wala ka na dun,siya nga pala sabi ni kuya punta raw kayo sa bahay mamaya inom daw kayu dahil birthday ni ate tessa"inis na sabi ko.
"bat naman ako maniniwala sayo,sabihin mo gusto mo akong makita"pag bibiro noya sa akin.
"asa ka,bakit ko naman gugustuhin na makita ka"inis na sabi ko saka pumunta na ng room,nagsasalita pa siya pero umalis na ako bahala siya diyan.
Nandito na ako sa room ko bahala na yung uggok na yun,basta ang pinaghahandaan ko ay ang exam at ang intrams,pagkatapos raw kasi ng exam ay intrams na raw,naka pili na rin sila ng makiki miss intrams sa section na min ako ang una nilang napili kaso tumanggi ako kasi makikipag laro ako ng volleyball ako kaya captain nila,kaya ang sinabak nila ay si Kristine,sa boys naman si Vince,oo classmate ko si vince,crush ko nga eh.
"ok class,get one and pass"sabi ng adviser namin sabay abot yung test paper.
Nag test na ako hindi na ako nakipag usap kila alexis at laina.
VINCE
Kinakabahan ako sa paparating na intrams kasi naman ako yung isasabak nila sa pageant,at ang nakaka walang gana pa ay ang partner ko ay si kristine,buti nalang kong si bianca,oo si bianca gusto ko siya pero parang gusto niya rin si ezekiel,lagi kasi silang magkasama,pero ok na sa akin yung cheeran niya kami sa paparating na intrams.
"ok class,get one and pass"sabi nung teacher namin.
Habang nag tetest ako panay sulyap ko kay bianca dahil magkatabi lang kami,oo aaminin ko pakboy ako babaero badboy at mahilig sa alak at sigarilyo walang nagtatagal na babae sa akin dahil nga babaero ako,pero nung nakilala ko si bianca parang natigil lahat ng bisyo ko,hindi ko nga alam sa dami daming nagkakandarapa sa akin kay bianca lang ako nahulog,gusto kong sabihin yung nararamdaman ko sakanya na hindi lang pang kaibigan yung nararamdaman kong pagmamahal sa kanya kundi pang kai-bigan.
Natapos na kami magtest at uwian na friday ngayon kaya pupunta kami sa bahay nina bailey,basta uwian ng friday lagi kaming natambay roon,makikota ko ulit si bianca.
"oh tol anlalim nung iniisip mo ah"sabi sa akin ni ken,sa aming apat si ken ang mas close ni bianca.
"ah wala to tol,kinakabahan lang ako sa pparating na intrams"tugon ko naman sa kanya.
"tss.kalalaking tao kinakabahan"singit naman ni ez,kahit kelan talaga.
"eh kasi ako yung naatasan na makiki mr intrams sa section namin eh"sigaw ko sa kanila.
"ako din pero tinanggihan ko kasi makikipaglaro ako ng basketball"tugon niya,ako rin naman makikipaglaro pero ako daw kasi pinaka gwapo sa section namin kaya napilitan nalang ako.
Kakarating lang namin ngayon sa bahay nina bailey,malaki tung bahay nila,pumunta kami sa pool doon kasi yung tambayan namin nakita ko na naliligo roon si binca na naka shorts at jacket may kasama siyang bata ang cute cute nung bata pareho sila ni bianca.
"hello po tito nasan po si ella"tanong nung bata kay ez,kilala niya si ez teka kilala rin niya si ella,ah baka mag kaklase sila.
"nasa bahay siya"tugon naman ni ez at ngumiti,whoe ngumiti ba talaga siya.
Naupo kami sa may upuan sa kubo na nasa tabi lang ng pool kaya kitang kita sina bianca at yung bata na naliligo.
"bro kapatid niyo ba yang batang babae,ang cute niya parehas sila ni binca"sabi ni ken kai bailey.
"hindi pamangkin namin siya"sagot naman ni bailey habang nakatingin siya sa phone niya.
"anong pangalan niya"tanong ko.
"missy lalaine"sagot niya naman.
Papalubog na si mamang araw pero hindi parin umaahon sina missy at bianca,nagpaalam narin kami kasi medyo gumagabi na.
"bye po see you again"sabi ni missy,ang cute niya talaga.
Nag babye rin kami sa kanya pati na rin kay bianca.
Gabi na nung makarating na ako ng bahay kinuha ko pa kasi si ate kheanna sa work niya eh,umakyat na ako ng kwarto ko pagkarating namin at naligo na,habang nakahiga ako sa kama ko at nakatitig sa kisame napagisipisip kong i add friend si bianca sa facebook,inistalk ko siya profile palang niya ang ganda na at famous pa ito pinindut ko na yung add friend at nag off agad,siyempre ikaw ba naman crush mo tapos i aad friend mo,syempre kahit bad boy ako may hiya parin ako no.
BIANCA
Nakahiga ako ngayon sa kama ko,hindi parin kasi matanggal yung panay sulyap sa akin ni vince eh,kyahhhh ang gwapo niya,sa kalagit naan ng pag iisip ko sa kanya tumunog yung phone ko at kinuha ko agad muntik na ako mapasigaw sa tuwa dahil.
Vince Garcia sent you a friend request.
Kyahhhhh!,inaccept ko agad yun siyempre no hindi na ako magppaakipot kipot pa crush ko na yung nag add friend sa akin ano.
Natulog ako na may ngiti sa labi.
BAILEY
May nag add friend sa aking babae ang pangalan ay Kate Sairiell Agustin,inaccept ko kaagad yun kasi ang ganda niya kasing edad niya lang si binca hindi ko na naisip si tessa.
Nang ma accept ko yun agad ko siyang chinat.
"hi"
kate:hello?
Hindi ko na siya nireplyn dahil nag chat sa akin si tessa.
tessa:hi pala ha
Takte nakalimutan ko,binigay ko pala kay tessa yung account ko,paniguradong away nanamn yan.
"huh"
tessa:anong huh ka diyan akala ko ba tumino kana kaya kita sinagot dahil nangako ka sa akin na hinding hindi ka na mambababae,bakit sino ba yang kate na yan,bago mo?,sige dun kana
"chinat ko lang nang hi bago agad"
TESSA
bailey:chinat ko lang nang hi bago agad
"ganun akala ko ba nagbago ka na kaya kita sinagot dahil yun yung sabi mo sa akin at nangako ka"
bailey:anak ng tupa naman oh tessa chinat ko lang nang hi bago agad yan yung problema sayo eh pag may kausap akong babae selos agad
"ganun eh mas mabuti pang mag break na tayu nakaka umay bailey"
bailey:edi break hindi ka kawalan no.
"oo hindi ako kawalan pero ansakit lang bailey nangako ka sa akin na hindi mo ako papaiyakin at ang sabi mo nagtino kana kaya kita sinagot,pano naman ako anong mararamdaman mo kung ako yung lumalapit sa mga lalaki at kinakausap sila"
Sineen lang ni bailey yung chat ko,i chat ko pa sana siya pero blinock na niya ako.
Ganun pala ang pag ibig ano,bakit kung sinu yung seryuso sa pag ibig siya pa yung sinasaktan,sana pinag isipan ko pa muna kung sasagutin ko siya ng oo.
Nilinlang ako ng salita niyang "promise hinding hindi kita papaiyakin" at ang salitang "nagtino na ako para sayo".
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With A Bad Boy
RomanceAng gusto ko lang naman ay maka pagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho at makahanap ng mapapangasawa at mamuhay ng mapayapa. Pero bakit dumating yung mga bad boys sa buhay ko,anong kasalanan ko.