Chapter 1

15 1 0
                                    

Kay ganda talagang magwali ni Father June! Kaya halos lahat ng mga nagsisimba, nakikinig at nakapokus lang sa harap. Pati bata nakikinig.

"Tayong lahat ay makasalanan. Iyong iba, hindi gaanong malaki ang kasalanang nagawa. Iyong iba naman, napapatawan ng ilang buwan sa kulungan. Iyong iba, umaabot ng taon. Ngunit sa huli, kahit na ano pang kasalanan ang nagawa ng isang tao ay handa ang Panginoon na magpatawad! Basta't alam mo ang pagkakamali mo at pinagsisihan mo ito. Lumapit lang tayo sa Kanya at iwewelcome niya tayo ng walang pag- aalinlangan."

Ngayong narinig ko ang sinabi ni Father, napaisip ako kung napapatawad din ba ng Panginoon ang mga taong binebenta ang sarili nila para sa pera? Kasi diba, ipinahiram lang sa atin ang lahat ng meron tayo? Kaya napapaisip ako kung nagpapatawad din ba Siya sa mga bayaran?

"Oh, Avy! Ano? Tambay muna tayo dito sa parke. Bili tayong kwek- kwek at isaw!"

Tapos na ang misa kung kaya't lumapit na sa amin ang mga bro's ko. Aba'y hindi man kami mayaman, nakakabili naman kami ng streetfoods. Masaya to.

"Sige ba! Nay? Ayos lang? Dito muna tayo oh. Mag aalas diyez pa lang naman po. Maaga pa." Gustuhin ko man, syempre dapat desisyon pa rin ni Nanay.

Nang umoo si nanay, nag- unahan kami ng mga kaibigan at kapatid ko sa bench. Dahil madami kami, dalawang bench na magkalapit ang inukupa namin.

"Oh, bibili kami ni Fynn ng kwek- kwek. Sino papabili?" Nagbigay ako ng singkwenta kay Jonas. Labinlimang kwek- kwek para sa amin ni Nanay, Farynn at Fynn.

"Alam mo, Tita. Kung wala lang kaming batas sa pagkakaibigan namin, matagal ko na niligawan itong si Avy! Pag nagkataon, payag ka tita?" Nakangising aso na sabi ni Gael. Gago talaga to.

"Aba'y ayos lang sa akin! Mabait ka naman at gwapo. Maaasahan din kaya lang off limits to sa inyong magbabarkada eh. Walang talunan kayo diba?" Nakangiting sabi ni nanay. Nako talaga.

"Oo nga, Tita. Paano, takot lang ni Jonas mabuwag ang grupo dahil lang sa pag- iibigan ng magkaibigan. Baka kako pag hindi nagwork at naghiwalay eh maapektuhan ang barkada." Sabat naman ni Sean.

"Tsaka, hindi din naman kayo pasok sa standards ni Avy mga bro's! Sobrang ganda netong si Avy tapos kayo ampapangit. Ako lang bagay sa kanya. Diba, Avybabes?" Tumatawang saad ni Clint bago ako kinindatan. Tsk. Isa pa to. Napakahangin. Napatawa nalang kami sa kabulastugan ng mga kaibigan ko.

Nag- kukwentuhan lang kami habang naghihintay kay Jonas at Fynn. Pagbalik ni Jonas at ng kapatid ko, nagsimula na kaming kumain ng kwek- kwek hanggang sa pagsapit ng alas onse ay magsisimula na sana kaming maglakad pauwi.

"Sabay nalang kayo sa amin, Tita. Nagdala po ng sasakyan si Gael. Hatid namin kayo para mas mapadali ang uwi niyo at magsasaing pa po kayo." Seryosong saad ni Jonas.

May kaya ang pamilya ni Gael. Migael Pejarez ang totoong pangalan niya. May ari sila ng 5 van na pampasada kaya nakakaraos naman sila. 3rd year architecture ang kursong kinuha ni Gael dahil magaling siya sa arts. Noong birthday ko nga, niregaluhan ako ng picture frame na malaki tas may mukha ko na siya mismo ang gumuhit.

"Nako, hindi kami hihindi jan. Kapagod din kasi maglakad lalo na at sobrang init ni haring araw." Natatawang saad ko. Pumasok na kami sa sasakyan ni Gael. Ng makaupo na ako, biglang nagsalit si Clint na siyang nasa likod ko.

"Oh, avy. May mga libro at notes si Ate L na hindi na niya ginagamit. Ihahatid ko sa inyo bukas bago ako pumasok ng paaralan." Nakangiting saad ni Clint.

May kaya din ang pamilya ni Clint. Pumapangalawa sa kay Gael. May bakeshop sila. Isa sa tagbilaran, isa sa talibon at isa sa clarin. Kaya siya kumuha ng kursong HRM sa HNU. May kapatid siyang babae. Si ate L. Isang 4th year nursing student at sa HNU din nag- aaral.

Dancing into the Light (Boholana 1st Installment)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon