Chapter 2

2 0 0
                                    


Maaga akong nagising. Alas sais pa lang, nakaligo na ako. Nagsuot ako ng isang puting vneck tshirt at isang leggings. Umupo muna ako sa kama ko at tinali ng maayos ang liston ko bago tumayo na at bumaba.

"Good Morning, Nay!" Nakangiting bati ko kay nanay sabay halik sa pisngi niya.

"Oh, kain ka na anak at gigisingin ko lang ang mga kapatid mo." Saad ni nanay sabay giya sa akin paupo sa upuan.

Kumuha ako ng itlog at kumain na ng mabilisan dahil mag- aalas syete na. Kailangan kong bilisan ang kilos ko dahil maglalakad pa ako papunta sa mansyon ng mga Romero.

Nagpaalam na ako kay nanay at nagsimula ng maglakad. Halos trenta minutos din ang layo ng lalakarin ko kaya tama lang ang oras ng pag larga ko.

Alas syete na ng nagsimula akong maglakad. Tamang- tama, mag- aalas otso na ang dating ko sa mga Romero.

Hindi pa naman mainit kaya nakakaya ko pang maglakad. Isa pa, hindi naman ako takot mainitan dahil kahit anong gawin ko, namumula lang ang panit ko. Hindi ako nangingitim. Pagkatapos ng dalawa o tatlong araw, bumabalik ulit sa pagka mestiza ang kulay ko.

Nakarating na ako sa mga Romero. Pinapasok ako ng guard at dumiretso ako sa gilid para doon na pumasok papuntang kitchen. Nakita ko si Manang Lupe na nag- aabang na naman sa akin.

"Magandang umaga sayo, neng. Oh, apron at hairnet mo." Nakangiting bati ni Aling Saysay kaya ngumiti rin ako at bumati.

"Simula na tayong magluto. Ako na gagawa ng friedrice, neng. Ikaw na magprito ng itlog at hotdog. Tapos tulungan tayo sa pag gawa ng juice at fruitshake." Tumango ako at nagsimula ng magpainit ng kaha.

Una kong niluto ang itlog bago ang hotdog para hindi masayang ang mantika. Napaigik ako ng matalsikan ng mantika ang mukha ko. Shit. Ang hapdi!

"Ayos ka lang, neng?" Maagap na tanong ni Aling Saysay. Tumango ako at ngumiti bago pinagpatuloy ang pagpiprito ng last batch ng hotdog.

Nang matapos na ako sa pagprito, sinenyasan ko si Jela na iready na ang lamesa at ihanda pati ang mga plato, kutsara at tinidor.

"Ihain mo na sa labas iyang mga ulam, Avy. Pagkatapos, balik ka dito at gawin natin ang fruitshake." Tumango ako at nilabas na ang mga pritong ulam.

"Pakitawag nalang po si Maam Isabel pati ang mga bata, Jela ha? Salamat." Nakangiting sabi ko sa working student ni maam. Tumango naman siya at ngumiti kaya bumalik na ako sa kusina.

"Mangga at avocado po pala ang isheshake natin ngayon, Aling Saysay?"

"Oo, neng. Request ng dalawang bata eh. Siya nga pala, pinapatanong ni Mam kung hindi na raw ba babalik ang nanay mo sa paghahardinera? Mukhang maghahanap ata sila ng bago kung hindi na dahil marami na kasing tumutubong dahon sa bakuran eh at sa hardin. Kailangan ng linisin."

Matagal ng tumigil si Nanay sa paghahardinera. Simula ng magkasakit siya, hindi ko na siya pinagtrabaho pa. Simula rin noon, ako na ang kumakayod para magkaroon ng pera. Tinigil ko ang pag- aaral ko.

"Hindi na po makakabalik si nanay sa paghahardinera, Aling Saysay. Pinagbawalan po kasi siya ng doctor niya. Pakisabi nalang po kay Maam Isabel." Tumango siya at nagsimula na kaming mag shake.

Pagkatapos namin, nilagay na namin ito sa mga baso at nilabas na ni aling saysay.

Hinubad ko na ang apron at lumapit kay manang para sa sweldo ko. Pagkatanggap ko ng sweldo, dumiretso na ako ng lakad papuntang palawan pawnshop malapit sa HNU. Hindi naman kalayuan ang lalakarin eh kaya ayos lang din.

Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong mag- aalas nueve na pala kaya mas binilisan ko ang lakad ko.

"Good Morning, Avy!" Nakangiting bati ng guard na papalitan ko ngayon.

Dancing into the Light (Boholana 1st Installment)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon