Chapter 3

14 1 0
                                    

Maaga ulit akong nagising at nagluto ng agahan bago naligo at nagbihis ng puting tshirt ulit at jeans. Nagtatali na ako sa liston ng rubber shoes ko. I made sure na maayos ang pagkakatali nito para hindi ako madapa sa paglalakad mamaya.

Bumaba na akong bahay at nag- iwan ng note sa lamesa na papasok na ako at baka gagabihin ako mamaya dahil itatry kong maghanap pa ng extrang trabaho. Kahit di na masyadong malaki ang kita basta lang meron.

Nagsimula na akong maglakad. Habang naglalakad papunta sa mga Romero, inisip ko na ang mga rason na pwede kong sabihin para payagan akong bumali ng kahit 5000 lang. Ako na bahala sa kulang. Siguro naman mababayaran ko na ang tuition ng kapatid ko.

Halos trenta minutos din ang nilakad ko bago makarating sa bahay ng mga Romero. Ganoon pa rin, sa likod ulit ako dumiretso at doon ulit naghihintay si Aling Saysay.

"Apron mo neng at hairnet. Dating gawi ulit?" Ngumiti nalang ako at tumango. Pa ulit- ulit lang kasi ang mga lulutuon namin dahil request din iyon ng dalawang anak ni Maam Isabel.

"Manang Lupe, tingin mo papayag si Maam Isabel na bumali ako ng kahit 5,000? Kailangan kasi talaga eh. Wala na akong ibang malapitan din kasi." Namomroblemang tanong ko kay Manang habang kumakain ng agahan sa kusina.

"Wag ako ang tanungin mo iha kung papayag si Mam. Dumiretso ka sa kanya mamaya pagkatapos nilang mag- agahan. Mas mabuti ng ikaw ang magsabi at ng makapagbigay ka ng rason kung bakit ka babali." Nakangiting saad ni Manang. Oo nga naman. Bat si manang ang tinatanong ko nito?

"Sige po, Manang. Salamat po." Binilisan ko nalang ang pagkain at hinugasan ang kinainan ko.

Nang makita ko si Maam Isabel na papasok ng kusina, hindi na ako nagdalawang isip na lumapit. Nang makita ako ni Maam, napangiti siya at tinanguan ako.

Ngumiti muna ako kay Maam bago ako bumati ng magandang umaga.

"Maam, kakapalan ko na po ang mukha ko. Pwede ko po ba kayong makausap sandali? May sasabihin lang po sana ako." Alanganing sabi ko kay Maam bago ngumit ng pilit. Sana pumayag si maam. Cross fingers.

"Ano ba iyon, Avy?" Nakangiting saad ni Maam bago huminto sa tapat ko.

"P- pwede po bang maka bali ng 5,000? Kailangan na kailangan ko po kasi talaga ng pera eh. Hindi po makakapag take ng exam ang mga kapatid ko kung hindi ko nabayaran ang nakasaad sa promisory note last school year." Nakayuko ako ng sabihin ko iyon kaya hindi ko kita ang ekspresyon ni Maam.

"Iyan lang ba? Oo naman. Hindi naman ako magdadamot Avy kung meron ako. Alam mo iyan." Nakangiti si Maam ng tinignan ko na siya kaya napangiti na rin ako. Yes! Problem solved.

"Thank you po, Maam Isabel! Promise, babayaran ko po kayo kapag nakaipon na po ako." Sa sobrang saya ko, napalakas ata ang boses ko kaya sumilip ang dalawang anak ni Maam na si Hyacinth at si Remus.

"Walang anuman. Kukuha lang ako sa taas ng pera. Hintayin mo ako dito, okay? I'll be quick." I just nodded and smiled at her. Sobrang bait talaga ni Maam. Maganda na mabait pa at matulungin sa kapwa.

"Payag si Mam?" Tanong ni Jela. Isang kasambahay na kaedad ko lang ata or mas matanda sa akin ng konti.

"Oo. Hintayin ko lang daw siya dito. Grabe Jela! Sobrang bait talaga ni Maam Isabel, ano?"

"Oo nga eh. Swerte talaga ako at ginawa niya akong working student." Swerte talaga. Inalok din naman ako ni Maam Isabel na maging working student kaso hindi kasya ang sweldo sa pag- iipon ko pang opera eh.

"Here. Next time, ask if you have a problem financially, don't hesitate to ask for my help, okay? I can always lend you some." Nakangiting inabot ni Maam ang 5,000 na hiniram ko.

Dancing into the Light (Boholana 1st Installment)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon