Simula

33 1 0
                                    

Boholana Girl #1

Dancing into the Light
Dance is the hidden language of the soul.
-Martha Graham

I love to dance. Everytime I hear a music play, I always tend to sway with it.


Elementary hanggang highschool, palagi akong sumasali sa mga pa contest. At sa mga nasalihan kong sayaw, kung hindi panalo- talo naman.


Nasubukan ko na ang pagsayaw ng Latin American pati Standard. It calms me everytime kaya tuwing may problema ako ay nagpapatugtog lang ako sa bahay at sumasayaw na kami ng Ate Lucinda at ng Nanay ko.


Natigil lang naman lahat ng mawala si Tatay. Kasabay ng pagkawala ni Tatay ay ang pagkatigil ko sa pag- aaral.


"Hoy, Abyang! Ano na? Pasok naba kita sa bar ko? Malaki kita doon! Lalong lalo na sa beauty mo! Pak na pak ka girl!" Mamang Baby-the owner of Baby's Bar said.


Umiling ako at ngumisi kay Mamang Baby.


"Ayoko, Mang! Okay pa naman ako sa pagiging tress at era ko eh. Kumikita pa naman po ako. Maybe next time." Sabi ko bago kinumpas ang kamay para magpaalam na.


"Nako! Sayang ganda mo sa pagiging janitress, waitress, labandera, kusinera, Abyang! Kaka desinuwebe mo pa lang, hindi ba? Aba'y legal ka na iha! Konting kembot at sayaw lang kikita kana! Kahit wag ka na pa take out, okay lang! Sayaw ka lang sa stage ng isa o dalawang kanta, may datung ka na!"


Napangiwi ako sa sinabi ni Mamang Baby. Ano ako? Pagkain? Pa take out lang? Ganern? Wag na uy!


"Hehe, okay na ako sa trabaho ko. Kasya naman po lahat ng sweldo ko sa gastusin sa bahay at sa school ng kambal." Sabi ko nalang bago naglakad ng mabilis para makarating sa mansyon ng mga Romero.


Alas 8 hanggang alas 9 ako nagtatrabaho sa mga Romero. Isang kusinera. Halos araw- araw may handaan doon eh. Wala naman silang bisita. Iyong dalawang magkakapatid lang tsaka iyong si maam at sir pero kung maka handa ng pang agahan at tanghalian sobrang dami. Mayayaman nga naman. Ayos na rin yon, sa isang oras ko doon ay kikita na ako ng 150. Pwede na pang baon ng mga kambal at pang gastos.


Alas 9 hanggang alas 12 naman ako doon sa may Palawan Pawnshop- isang lady guard. Babae ako pero marunong ako lumaban at makipag- bakbakan. Laking kalye ata 'to. Dami ko ngang bro's eh. Lahat basagulero kaya natuto na rin. Batuta lang naman gamit ko sa pagiging lady guard ko eh. Syempre bawal baril dahil 19 palang ako at wala akong license to carry. Apat na oras ko sa pawnshop at magkaka 250 na ako. Edi 400 na iyon sa kalahating araw lang.


Ala 1 hanggang alas 4 naman akong waitress sa Mcdo. Sobrang nakakatakam ng pagkain. Alam niyo iyong tipong nag iimagine nalang kayo na kayo iyong kumakain tapos iniimagine niyo na rin na busog na kayo. Ganern! 45 ang oras at dahil ala 1 hanggang alas 4 ako, may 180 ako.


Iyon lang palagi ang ganap ko from monday to friday. Pag sabado naman, labandera ako ng mga Romero. Alas 8 hanggang alas 4 ang trabaho ko doon. Sobrang dami ng labahan pero hindi naman gaanong nakakapagod, slight lang since mga puti lang ang kinukusot ko. Lahat ng de kolor ay nilalagay lang sa washing machine at diretso sampay na pagkatapos.

Dancing into the Light (Boholana 1st Installment)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon