Chapter 4

12 1 0
                                    

Nakaupo ako sa labas ng emergency room kung saan ipinasok si nanay ng mga nurse. Sabi kasi ng doctor ni nanay, masama daw ang pagkakabagok ng ulo nito sa sahig kaya kailangan nilang mag run ng tests to see if may damage ba or ano.

"Lord, please. Ilayo niyo po sa kapahamakan ang nanay ko. Hindi ko kakayanin kung pati siya, mawala sa amin." Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko dahil hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko.

Napatayo ako ng lumabas ang doctor. She was serious as she went near me. Kumakabog ang dibdib ko sa antisipasyon.

"Alam mo ba na nagdidischarge ng dugo ang nipple ng nanay mo?" Nanlaki ang mata ko sa narinig. What? No! Walang sinasabi ang nanay sa akin.

"Hindi po, doctora. Sa tuwing tinatanong ko po kasi si nanay kung may pagbabago ba or may nararamdaman ba siyang kakaiba sa katawan niya, palaging sagot niya ay wala."

"Isa sa mga sintomas na lumalala na ang cancer ng nanay mo ay ang pagdidischarge ng dugo sa utong nito. Since hindi pa namin alam kung anong stage na ang nanay mo, kailangan naming mag run ng tests to determine what stage na ang cancer niya. Doon pa lang natin malalaman kung ano ang best treatment na maibibigay namin sa kanya." Mahabang paliwanag ni doc.

"Sige po, doc. Gawin niyo po lahat ng tests para sa ikabubuti ng nanay ko." Yumuko ako at nagpahid ng luha. Wag lang sanang umabot sa punto na hindi na pwedeng pagalingin ang nanay.

"Tatapatin kita, iha. May pagkamahal ang lahat ng tests na kailangang i- undergo ng nanay mo. That means you have to prepare for the worst. Seek for your relatives help if meron ka kasi hindi niyo kakayanin ang gastos kung kayo lang." Malungkot na ngiti ng doctora sa akin. Alam at pansin niya siguro na wala kaming pera, na hindi kami mayaman. Tumango nalang ako.

As if naman na may tutulong sa amin. Nasa Italya na si Tiyo Luccas kasama lahat ng titulo sa ari- arian ng tatay. Ang mga kamag- anak naman ni nanay, hindi ko na alam kung nasaan. Hindi naman kasi talaga taga Bohol ang nanay. Taga Ilocos Norte siya at naisipan lang nila tatay na dito sa Bohol manirahan dahil payapa at malayo sa lahat ng kamag- anak na tutol sa pakikipagrelasyon ni nanay kay tatay.

Napaupo nalang ulit ako sa upuan at napatingin sa relo ko. Mag aalas otso na. Wala pa akong hapunan pero hindi man lang ako nakaramdam ng gutom.

Napatingala ako. Saan ako kukuha ng pambayad sa ospital? 2,900 nalang ang meron ako at babayaran ko pa si Maam Isabel. Ano kaya kung babali ulit ako kay Maam? Tama. Kakapalan ko nalang ang mukha ko. Bukas na bukas din, mangungutang ako kay Maam.

Napatayo ako at lumabas muna ng ospital. Magpapahangin na muna ako. Sobrang nakakapanghina ang maghintay sa loob.

Malamig pagkalabas ko ng ospital. Niyapos ko nalang ang sarili ko dahil hindi naman ako nakadala ng jacket. Naka tshirt at jersey shorts lang ako.

"Ayos ka lang, Miss?" Napalingon ako sa likod ng may marinig akong boses babae. Napangiti ako ng makita ko ang isang nurse.

"Ayos lang. Nagpapahangin lang ako. Nakakapanghina kasi sa loob lalo na kapag may kapamilya kang nakaconfine doon." Napatingin ako sa langit. Sobrang dami ng bituin pero wala man lang niisa ang nakapagpawala ng kaba at lungkot na nararamdaman ko.

"Ganoon talaga. Ako nga, tatlong taon na akong nurse pero hindi pa rin ako nasasanay na makakita ng mga anak at kapatid na naghihintay sa labas ng pinto ng kapamilya nila. Tatagan mo lang ang sarili mo. Hindi man kita kilala, alam kong makakaya mo lahat ng ito." Napangiti ako sa sinabi ng babae. Tinapunan ko ng tingin ang nameplate niya at nakita ko ang apilyedo niya.

"Ako nga pala si Mayumi Trinidad. Ikaw? Anong pangalan mo?" Napansin niya ata ang pagsulyap ko sa nameplate niya kanina kaya siya nagpakilala. Nagpakilala na rin ako.

Dancing into the Light (Boholana 1st Installment)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon