Chapter 5

11 1 0
                                    

Maaga akong nagising para magluto ng agahan ng kambal. Hinanda ko pati ang baon nilang lunch dahil baka sa ospital na ako kakain mamayang tanghali kasama si nanay.

Pinuntahan ko na ang kwarto ni Far at Fynn para gisingin sila. Una kong pinuntahan si Far.

"Far, gising na. May klase ka pa." Sinilip ko si Far at nakita kong tulog na tulog pa ito kaya kinatok ko ang pinto niya para mas magising siya.

"Sige ate. Sunod po ako."

"Tayo na diyan. Gisingin mo na rin si Fynn. Maligo na kayo at kumain. May niluto na ako doon. Magtricycle nalang kayo papuntang school ha. Nag- iwan ako ng baon niyong pera sa lamesa. Wag mo din kalimutan ibayad iyong para sa tuition niyo." Umalis na ako doon at pumunta ng kwarto ko.

Kumuha ako ng tshirt na puti at leggings pati underwear ko. Naghubad na ako at pumuntang banyo. Alas syete na ng matapos akong maligo kaya tamang- tama lang din at umalis na ako papunta sa bahay ng mga Romero. Magtatrabaho ako ngayong umaga.

"Oh, neng. Heto na apron at hairnet mo oh. Magluto na tayo dahil andyan si Madam Issadora. Siya ang magbabantay sa mansyon habang wala sila Mam Isabel at ang mga bata." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Wala si Maam Isabel?

"Paanong wala, Aling Saysay? Saan po nagpunta?" Namomroblemang tanong ko. Paano na to? Saan ako uutang?

"Nako, neng. Hindi nagsabi sina Mam at Ser eh. Basta mga isang buwan daw si Madam Issadora dito eh." Isang buwan! Ang tagal naman nilang mawawala. Napakamot nalang ako sa ilong ko.

Nagsimula na kaming magluto ng pumasok si Madam sa kusina. Nakasuot si Madam ng magarang daster at nakalipstick na kulay pula kahit ang aga pa. Nakataas na ang kilay nito sa amin.

"Ang bagal niyo naman kumilos! Gutom na ako! Mygosh, mga pulubi nga naman. Tsk." Naiiritang sabi ni Madam. Tumingin ito sa amin na may pandidiri bago nagmartsa palabas ng kusina.

Manang- mana talaga si Sir Joaquin dun sa nanay niyang matapobre din. Kala mo naman kagandahan. Che!

"Bilisan mo na, neng at ilalabas na nila Jela ito. Gutom na si Madam. Baka mas magalit pa iyon." Tinapos ko na ang niluluto ko kahit kulang pa ng limang minutong kulo dahil na rin sa pagmamadali. Bahala na.

Nagsimula na kaming kumain sa kusina ng sumigaw si Madam. Nataranta kami at halos liparin na ang hapagkainan.

"Sino ang nagluto nito? Bakit parang hindi manlang niluto ang okra?! Ilayo niyo iyan! Ipakain niyo sa mga kagaya niyong pulubi! Bwiset." Galit na galit si Madam sa okra kaya halos tumawa na ako ng nagwalk-out siya papuntang sala.

Hindi ko napigilan ang mahinang tawa ko kaya napatingin si Jela pati ang ibang katulong sa akin. Tinaas ko naman ang kamay ko bilang pagsuko.

"Sorry. Sabi niyo kasi dalian eh. Kulang pa ng limang minutong kulo iyong okra kaya ganyan. Hehe" Bumalik na kaming kusina at tinapos na ang agahan namin.

Lumapit si Manang Lupe sa akin sabay abot ng pera.

"Avy, eto sweldo mo. Kamusta na si Aurelia?" Nasabi ko kay Manang kanina habang nagluluto na naospital si nanay kaya ako hindi na muna makakapasok bukas.

"Nasa ospital pa rin po. Inadmit po kasi siya para obserbahan at mag undergo ng tests bago siya operahan." Maliit na ngiting sabi ko kay manang.

"Ganoon ba? Sayang at hindi mo naabutan si Mam Isabel. Oh sha. Ipagdadasal ko ang nanay mo para lumakas na siya at gumaling. Mag ingat ka." Nagpasalamat na ako at umalis. Pupunta akong Palawan ngayon.

Pagkarating na pagkarating ko ng pawnshop, pumasok agad ako sa banyo at nagbihis ng damit ko na pang ladyguard. Lumabas na ako at pumwesto na sa lugar ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dancing into the Light (Boholana 1st Installment)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon