STACY NEEDED some air. Hindi naman sa bitter siya at nasusuka siyang makitang napaka-sweet ng bagong kasal, gusto lang talaga niyang mapag-isa kahit na sandali lang. Dahil na rin sa unti-unti ng nagkaka-blisters ang paa niya dahil sa suot na four-inched heels. Isa kasi siya sa mga bridesmaids sa kasal ng boss niya.
Her boss, Matthew Zachary Rivera, married his girlfriend of two-and-a-half years, Hazel Ann Fontanilla. Kahit noon paman, alam niyang sa simbahan rin ang tuloy ng dalawa. Idinaraos ang kasal sa isang private island na pagmamay-ari ng boss niya. Imbitado ang lahat ng pamilya at close friends ng dalawa. Kahit na nga ang ex-girlfriend ni Matthew at pinsan ni Hazel na si Blair ay imbitado rin. Sa pagkakaalam niya, naging maayos na ang relasyon ni Hazel at ni Blair matapos humingi ng kapatawaran ang huli sa ginawa nitong pagsira sa namumuong relasyon ni Hazel at ni Matthew. Nagawa na ring patawarin ng boss niya ang ex-girlfriend kahit na sa ginawa nitong pagtaksil rito noon.
Dahil sa laki ng bahay, hindi tuloy alam ni Stacy kung saan tutungo. Marami kasing pasikot-sikot. Lumingon siya mula sa kinaroroonan niya. Feeling niya tuloy ay nawawala na siya. Bumuntong-hininga siya. Gusto talaga niyang mapag-isa kahit na sandali lang. Mamaya na siguro niya hahanapin ang tamang daan pabalik.
May napansin siyang isang pinto sa sulok. Dahan-dahan niyang binuksan iyon, lihim na nagdarasal na hindi iyon silid-tulugan. Malaki ang pasasalamat niya nang mapagtantong isa iyong balkonahe na may two-seater swing chair pa. Umupo siya roon at hinubad ang sapatos na suot. Masayang napabuntong-hininga siya. Napakaganda ng gabing iyon, milyun-milyong mga bituin ang kumikislap sa langit. Malamig din ang hangin na nagmumula sa karagatan.
"Hello, bridesmaid."
Napalingon siya bigla sa likuran nang may nagsalita mula roon. Hindi niya inaasahang may makakasama siya sa balkonahe. Ang mga bisita kasi ay nasa ibaba ng hardin kung saan idinaraos ang kasal. Ngunit kilala niya ang taong nakatayo sa pinto na nakangiti pa sa kanya—si Dhen Justin Ferrer.
"Sir Dhen," balik-ngiti niya rito. Ngunit sumimangot ito at na-realize niya ang kanyang pagkakamali. Tinawag kasi niya itong 'sir' at ayaw na ayaw nito kapag tinatawag niya itong ganun. Hindi lang talaga niya mapigilan ang sarili. Si Dhen ay pinsan kasi ng boss niya. "I'm sorry. Dhen..." Natatawang paghingi niya ng paumanhin rito.
Bumalik ang ngiti sa mga labi nito at lumapit sa kanya. "Much better." Umupo ito sa tabi niya. Bigla tuloy sumikip ang two-seater swing chair. He was taking much of the space at nagmumukha tuloy siyang duwende sa tabi nito.
"Ba't ka nag-iisa rito?" Tanong nito sabay patong ng mga braso sa headrest ng swing chair. Nangatal ang buo niyang katawan sa hindi malamang kadahilanan. Hindi niya alam kung sa lamig ba iyon ng hangin o dahil nararamdaman niya ang init na nagmumula sa braso nito malapit sa batok niya.
"Gusto ko lang mapag-isa. Babalik din ako sa labas mamaya." Aniya.
Tumingin ito sa kanya at napakislot siya dahil napakalapit ng mukha nito sa mukha niya. "Kung ganun, aalis na lang muna ako—"
"No, you can stay. Hindi naman kita pinapaalis." Putol niya rito at napahinto naman ito sa pagtayo. Oo, gusto niyang mapag-isa ngunit ayaw naman niyang maging bastos at paalisin ito. Isa pa, pinsan ito ng may-ari ng private island na ito. Mas may karapatan itong manatili sa balkonahe.
Ngumiti ito sa kanya at muntik na siyang dumaosdos sa upuan. Tumingala ito at bumuntong-hininga. "It's a beautiful night, isn't it?" Tumingala rin siya at ngumiti. Mula sa sulok ng kanyang mata, nakita niyang tumingin ito sa kanya at sumikdo ang puso niya sa hindi malamang kadahilanan. "Yeah, so beautiful." Bulong nito habang nakatingin parin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Imperfection [COMPLETED]
RomanceStacy knew better than to be friends with Dhen Justin because he's a bit of a playboy. Pero hindi parin niya napigilan ang sarili niya. Palabiro kasi ito at masaya siya kapag kasama niya ito. Isa pa, naniniwala siyang hindi siya ang tipo ng babae na...