CHAPTER EIGHT

208 13 0
                                    

NAKATINGIN sa labas ng bintana si Stacy habang umiinom ng kape. Kasalukuyang umuulan sa labas. She loved and hated the weather. Loved, dahil nakaka-relax ang tunog ng ulan at maginaw rin. Hated, dahil sinasalamin ng panahon ang mood niya. Bumuntong-hininga siya at sinandal ang ulo sa pader. Ang totoo, nabawasan ng bigat ang nararamdaman niya matapos niyang ilahad ang saloobin sa harap ng kanyang pamilya. Para bang nabawasan ng mabigat na tinik ang puso niya. Pero hindi niya maiwasang isipin kung ano ngayon ang nararamdaman ng kanyang mga magulang at ni Daisy. May pagkakataon pa kayang magkaayos sila? Oo, matindi ang pagdaramdam niya sa kanila pero may parte pa ng puso niya na naghahangad ng maayos at masayang pamilya. May pinagsamahan rin naman kasi sila ni Daisy. Naalala niya noong mga bata pa sila ay magkasundo sila. Unti-unti nga lang nag-iba ang lahat nang tumuntong na sila ng high school.

Isang mahinang katok ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan at napakurap siya. Inilagay niya ang hawak na baso sa kalapit na side table. Pagkatapos ay umalis siya sa kinatatayuan at tinungo ang pinto. Binuksan niya iyon sa pag-aakalang si Dhen ang nasa labas. Ngunit mali siya dahil hindi si Dhen ang naroon, kundi si Daisy. Nakatayo ito sa harap niya na may luha sa mga mata. Nagkatinginan sila at ni isa sa kanila ay hindi umimik. Namalayan na lang ni Stacy na mahigpit ang pagkakahawak niya sa door knob. She may look like she wanted to shut the door in front of her sister's face, pero hindi iyan ang gusto niyang gawin. Ang totoo ay gusto niyang yakapin ang kapatid niya.

"Cee...I'm so sorry." Simula nito. "Hindi ako naging mabuting kapatid sa'yo. Wala ako sa tabi mo nung mga panahong kailangan mo ako. Naging insensitive ako. Hindi ko alam na nasasaktan ka na pala. Patawarin mo sana ako, Cee." Hindi paman nito natapos ang sasabihin ay napaiyak na ito. Siya rin ay hindi na napigilang umiyak. Mahigpit niya itong niyakap habang umiiyak sa mga bisig nito.


"MASAYA AKO para sa'yo, Stace." Nakangiting sabi ni Dhen sa kanya. Hindi rin nawawala ang masayang ngiti sa labi niya. Ikinuwento kasi niya rito kung paano sila nagkaayos ni Daisy at ng mga magulang niya.

Nung araw na humingi ng kapatawaran si Daisy sa kanya ay pumunta rin ang mga magulang niya sa apartment niya. Ikinagulat niya iyon dahil kailanman ay hindi nakadalaw ang mga magulang niya sa kanya. Sinabihan siya ni Daisy na ito mismo ang nagsabi sa address ng apartment niya sa mga magulang nila dahil nais din nilang puntahan siya upang makahingi ng kapatawaran. Silang lahat ay nag-iyakan sa loob ng kanyang apartment. Nagawa naman niyang patawarin ang mga magulang niya. After all, they weren't perfect. Kahit siya ay nagkakamali rin naman. At isa pa, ayaw niyang magtanim ng galit habang-buhay sa pamilya niya.

"Kailangan nating mag-celebrate," wika ni Dhen dahilan upang matawa siya. "Seryoso ako. Dito ka lang at kukuha muna ako ng maiinom natin." Kumindat ito bago tinungo ang mini bar sa loob ng penthouse nito. Nandun siya sa lugar nito para tuparin ang napagkasunduan nila nung naglaro sila ng bowling. Isang cute at black and white na café maid outfit ang suot niya, hindi naman iyon nalalayo sa French maid outfit kaya hindi na umangal si Dhen. Nagsuot rin siya ng over-the-knee white socks at three-inch high heels. May kasama ring lace headband ang outfit niya. Nagmistula tuloy siyang cosplayer sa itsura niya. Doon lang siya sa penthouse ni Dhen nagbihis. Hindi niya kasi kayang magsuot ng ganun in public. Nang bumalik si Dhen sa salas ay may dala na itong isang bote ng alak at dalawang wine glass. "Diba maid mo ako ngayon? Dapat ay inuutusan mo ako, hindi ka dapat makikipag-inuman sa 'kin." Nakangiting sabi niya rito nang umupo na ito sa tabi niya. Ipinatong pa nito ang mga paa sa coffee table.

"Kaya nga. Inuutusan kitang makipag-inuman sa 'kin." Came his witty reply. Naiiling na lamang siya sa kawalan ng sasabihin. Eh, ano pa nga ba ang magagawa niya? At isa pa, karapat-dapat namang i-celebrate ang pagkakaayos niya sa pamilya niya.

Beautiful Imperfection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon