CHAPTER NINE

215 10 0
                                    

"MAYROON KANG hindi sinasabi sa akin," untag ni Daisy sa kanya. Napahinto tuloy siya sa kanyang paghuhuni-huni dahil sa sinabi nito. Kasalukuyan itong nasa apartment niya at nagbi-bake sila ng brownies at cookies. Kanina bago nila naisipang mag-bake, pinayagan niya si Daisy na lagyan ng bangs ang buhok niya. Hindi naman niya pinagsisihan ang paggupit nito dahil nagustuhan niya ang bagong itsura niya.

Napatingin siya sa kambal niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Humuhuni-huni ka."

Napakunot-noo siya. Napatigil sa pag-beat ng itlog si Daisy at namaywang ito. "Ganyan ka nung na-realize mong crush mo si Adam noong first year high school tayo. At nung second year, halos araw-araw mong kinakanta ang Jeepney ng Sponge Cola matapos kantahin iyon ni Lex sa Foundation Day." Tukoy nito sa crush niya noong second year high school na vocalist sa isang banda. "And now you're doing it again, Cee."

Namula ang pisngi niya at umiwas siya ng tingin bago pa nito makita ang reaksyon niya. "Masama bang humuni? Walang ibig sabihin niyon."

"Hindi mo ako maloloko." Wika nito, sabay na ipinagpatuloy ang ginagawa. "At kung hindi mo napapansin, kanina pa ako patingin-tingin sa'yo. May munting ngiti sa mga labi mo at kanina pa 'yan. Hindi naman ako nag-jo-joke pero panay ang ngiti mo. Kulang na lang ay mag-giggle ka sa kadahilanang ikaw lamang ang nakakaalam. Hindi ako tanga, Cee. Alam kong may nagpapa-inspire sa'yo ngayon."

Naiiling na lamang siya rito, mas pinili ang manahimik na lang. Akala rin niya ay hindi na mangugulit pa si Daisy ngunit nagkamali siya. Maya-maya pa ay naramdaman niyang siniko siya nito. Obviously, hindi siya lulubayan ng kapatid niya.

"So, sino ba ha? Hmm, let me guess. Si Dhen, diba?"

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Dahil sa naging reaksyon niya, ngumisi si Daisy na para bang iyon na ang sagot sa tanong nito.

"Sinasabi ko na nga ba." Dagdag pa nito.

"Teka. Hindi ko naman sinabing—"

"Hindi mo na kailangang sabihin pa. Kilala kita, Cee. Isa pa, nakikita ko sa mga mata ni Dhen na may gusto siya sa'yo. Baka nga more than a friend ang nararamdaman niya para sa'yo."

"Tumahimik ka nga." Namumula ang pisnging hindi pagsang-ayon niya sa sinabi ng kambal. "Hindi ang tulad ko ang tipo ni Dhen sa isang babae. Ilang beses ko na siyang nakita na may kasamang babae. And I swear, ibang-iba ako sa tipo niya. Wala siyang gusto sa 'kin. Maniwala ka."

"Eh, paano mo maipapaliwanag ang determinasyon niyang maging ka-date mo sa engagement party ko?"

Nagkibit-balikat siya na para bang wala lang iyon. "Dee, mas kilala ko si Dhen—"

"Paano kung hindi mo talaga siya ganun kakilala?" Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. Iniwan ni Daisy ang ginagawa at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya. Kahit na madumi ang kamay nito dahil sa flour, hinayaan niya ito. "Para sa 'kin, may gusto sa'yo si Dhen. From the way he looks at you, I can tell it. Kung ayaw mong maniwala sa 'kin, bahala ka."

Bumuntong-hininga si Stacy. "Ayokong umasa, Dee. Okay, aaminin ko na, I really, really like Dhen. I'm attracted to him." Kumabog ang dibdib niya nang maalala ang halik ng binata.

Ngumisi si Daisy. Nasiyahan ang kambal niya dahil sa narinig mula sa kanya. "Gaano mo talaga siya ka-gusto? Like, I'm-heading-towards-falling kind of like?"

"Oo, at natatakot ako."

Niyakap siya nito. Sasabihan sana niya itong lumayo sa kanya dahil may flour sa pisngi nito ngunit nagpumigil siya. Isa pa, nangangailangan siya ng comforting hug sa mga oras na 'yon. "I'm gonna be honest, i-a-advice ko sa'yo na sabihin kay Dhen—"

Beautiful Imperfection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon