RAMDAM NI STACY ang paglipad ng kanyang puso. Tila parang nag-slow motion ang lahat nang lumakad siya palapit kay Dhen. Nang makita niyang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, hindi niya maiwasang kagatin ang ibabang labi niya. Titig na titig ito sa kanya at nararamdaman niya ang mga titig nito sa kanyang balat. Hindi rin niya tuloy maiwasang tingnan muli ang sarili niya. Suot niya ang damit na binigay ni Daisy sa kanya. Nagustuhan kaya nito ang nakikita?
"You're beautiful," bulong nito nang tuluyan na siyang nakalapit rito. She turned her head slightly, her cheeks burning, and moved the loose hair out of her eyes. Mula sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niyang lumawak ang pagkakangiti nito. Siguro ay napansin nito ang pamumula ng pisngi niya. Ngunit ikinabigla niya nang bigla na lang siya nitong hapitin sa baywang. Dahil sa bigla ay hindi na siya nakaangal pa. Naramdaman na lang niya ang bibig nito malapit sa tenga niya. "Feeling ko naka-jackpot ako dahil ako ang ka-date mo ngayong gabi," bulong nito. Her heart fluttered at his words. Ramdam niya na sumasayaw ang puso niya.
Calm down, heart!
Sinalubong niya ang tingin nito at muntik na niyang malunok ang dila niya. Napakalapit lang kasi ng mga mukha nila. Kung iyuyuko konti ni Dhen ang mukha nito, siguradong maglalapat ang kanilang mga labi. At nang mapatingin ito sa mga labi niya ay nahugot ang hininga niya. Wala sa oras na kinagat niya ang ibabang labi. Nakita niyang lumunok ito habang nakatitig parin sa mga labi niya.
"Sa tingin ko mas mabuti pang umalis na tayo," sabi nito bago paman siya makapag-isip ng sasabihin. Ilang segundo rin ang lumipas bago nito inangat ang paningin mula sa mga labi niya. He looked like he wanted to kiss her and the thought gave her butterflies. Hindi lang iyon, nakaramdam din siya ng kaba. Oo, alam niyang mahilig itong mag-flirt sa mga babae. Pero hindi ibig sabihin niyon na matuturuan niya ang puso na hindi magustuhan ang binata. Napakabait kasi nito sa kanya. Oo, minsan ay tinutukso siya nito pero kailanman ay hindi siya nito sinaktan.
"Stace?" Untag nito. Binuksan na pala nito ang pinto ng kotse para sa kanya at naghihintay na lang na pumasok siya. Ngumiti siya rito at pumasok na sa loob. Nagpasalamat siya rito bago paman nito maisara ang pinto. Mahigit apatnapu't limang minuto ang layu ng bahay nila kung saan idadaraos ang engagement party. Hindi naman mayaman ang mga magulang niya pero may kaya naman ang pamilya niya. Isang flower shop owner ang ina niya at ang ama naman niya ay isang retired army colonel.
Nang maisip niya ang pamilya niya ay kinabahan siya. They weren't exactly kind with words and tended to show no understanding or sympathy towards her. Nag-aalala siya na baka mauuwi sa hindi magandang pangyayari ang gabing ito. Lihim siyang napatingin kay Dhen habang nagmamaneho ito. Nakapaskil sa mga labi nito ang isang maliit na ngiti na para bang excited itong makilala ang pamilya niya.
Oh, God. Naipikit niya ang mga mata. Ipinagdarasal niya na sana ay magiging smooth ang gabing ito para sa kanya.
Ilang minuto ang nakalipas ay narating na nila ang bahay matapos niyang sabihin kay Dhen ang tamang direksiyon. Madali lang din namang hanapin ang bahay nila at hindi nakakalito ang daanan. Pagpasok nila sa bahay ay kinuha ni Dhen ang kamay niya upang ilagay sa braso nito. Para siyang nakuryente sa biglaan nitong paghawak sa kamay niya at napakurap na lamang siya.
Marahan itong tumawa. "Relax," bulong nito. "Malamig ang kamay mo. Okay ka lang?"
Tumango siya. "Okay lang ako. Medyo kinakabahan lang."
"Bakit ka naman kakabahan? It's your family."
"Stacy!" Narinig niya ang tinig ng pinsan niya bago paman siya makasagot sa tanong ni Dhen. Tumingin siya kay Violet, isa sa mga pinsan niya na mahilig ring makialam sa buhay niya. Kasama nito ang dalawa pa niyang pinsan na sina Ayeisha at Divine. "Ohh, who's this hottie? A friend?" Tiningnan nito si Dhen mula ulo hanggang paa at bigla na lang nainis si Stacy sa ginawa ng pinsan. Kung makatingin kasi ito ay parang karne si Dhen na gusto nitong bilhin.
BINABASA MO ANG
Beautiful Imperfection [COMPLETED]
RomanceStacy knew better than to be friends with Dhen Justin because he's a bit of a playboy. Pero hindi parin niya napigilan ang sarili niya. Palabiro kasi ito at masaya siya kapag kasama niya ito. Isa pa, naniniwala siyang hindi siya ang tipo ng babae na...