"DIYOS KO, puputok na yata 'tong utak ko." Daing ni Stacy habang nakapikit ang mga matang pumasok sa loob ng kusina. Naparami ang inom niya kagabi.
"Okay lang 'yan, Stace, mabubuhay ka pa rin naman." Tinig ni Dhen ang narinig niya at dahil sa gulat, napatili at napaigtad tuloy siya. Lalong sumakit ang kanyang ulo. Tumawa ito. "Sorry, hindi ko sinadyang gulatin ka."
Sumimangot siya rito. Ito ang dahilan kung bakit siya napasubok uminom kagabi. Ipinagsabi kasi nito sa mga kaibigan nito na hindi siya marunong makisaya, that she was a stick-in-the-mud. Pinalabas nito na boring siya sa mga parties. Of course, itinanggi niya iyon dahil marunong naman siyang makisaya at lalong hindi na bago sa kanya ang mag-inom ng alak. Kaya ayon, hinamon siya ng binata.
Ngumisi ito. "Come on, you're mad at me? Akala ko nag-enjoy ka kagabi."
Sumimangot siyang muli rito bago pinisil-pisil ang kanyang noo at hindi na sumagot. Muli niyang narinig ang marahan nitong pagtawa.
"You did prove yourself last night, though." Anitong may nakakalokong ngiti sa mga labi. "Naaliw kaming lahat sa'yo. Hindi ko alam na marunong ka palang mag-shuffle dance! Naaliw kaming lahat sa'yo!"
Napangiwi siya. "Hindi ko matandaan na sumayaw ako."
"Yeah, lasing ka na nung mga oras na 'yon." Sabi nitong nagkibit-balikat.
"Oh, God. I made a fool out of myself last night." Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang mga kamay niya. Ano na lang ang sasabihin ni Matthew? Na ang assistant nito ay isang lasenggera?
Nag-angat siya ng mukha at muling tiningnan si Dhen. "Sabihin mo sa akin, ano pa bang ibang kabalbalan ang ginawa ko kagabi? Nakita ba iyon lahat ni Matthew? Ano bang sinabi niya? Am I fired?"
Tumaas ang isang kilay nito. "Ano bang pinagsasabi mo riyan? Of course, hindi ka tinanggal ni Matthew sa trabaho dahil nalasing ka. He knew you were just having a good time."
"Pero nalasing ako!"
"Yup, pero hindi lang naman ikaw eh."
Napadaing siya. Dumagdag pa ang sakit ng ulo niya. "Yeah, I was having a good time. Kaya nga lang ay napasobra. Nakakainis naman. Ikaw kasi, palagi mo akong binibigyan ng alak."
Muling tumawa si Dhen. Pagkatapos ay may kinuha ito sa cabinet. "Heto, inumin mo." Binigyan siya nito ng isang pain reliever. Nagpapasalamat na ininom niya iyon.
"So, 'yon lang ba ang ginawa ko? Sumayaw lang ba ako? Hindi ba ako ng strip dance or something?" Kumurap siya sa isiping iyon. "I swear, kapag mayroon pa akong ibang ginawa, magre-resign ako."
"Walang rason para mag-resign ka, Stace. Relax lang." Anitong binibigyan ng masahe ang noo niya. Napapikit naman siya at hinayaan ito. "Pagkatapos mong sumayaw at muntikang madaganan ang buffet table, binuhat na kita at dinala sa kwarto mo. Sina Aling Ester at Mika ang nagbihis sa'yo." Tukoy nito sa mag-ina na siyang caretaker sa malaking bahay ng boss niya.
Isang singhap ang kumawala sa kanyang bibig. "Nadaganan ko ang buffet table?"
"Muntikan mo ng madaganan. Nakikinig ka ba sa 'kin, Stace?"
"Hm, sorry. Na di-distract ako sa masahe mo. Just go on, it feels good." Wika niya. Isang mahinang tawa ang ang narinig niya mula rito ngunit hindi naman tumigil sa ginagawa.
"By the way, kumain ka na at maghanda. Sabay na tayong uuwi."
"Tayo na lang ba ang natira?"
"Nope, may mga ilang guests pa na narito. 'Yung iba kanina pa umalis. Ginamit nila ang yacht ni Matthew pabalik."
BINABASA MO ANG
Beautiful Imperfection [COMPLETED]
RomanceStacy knew better than to be friends with Dhen Justin because he's a bit of a playboy. Pero hindi parin niya napigilan ang sarili niya. Palabiro kasi ito at masaya siya kapag kasama niya ito. Isa pa, naniniwala siyang hindi siya ang tipo ng babae na...