CHAPTER SIX

214 9 0
                                    

ILANG MGA ARAW ang lumipas ay nakauwi na si Matthew galing sa honeymoon nito. Maaliwalas ang mukha nito at kitang-kita na nag-eenjoy ito sa honeymoon kasama ang asawa nito. At hindi lang iyon, extra cheerful at friendly din ito. May pasalubong din ito sa kanya—isang kahon na puno ng truffles o soft and round chocolates. Dumating din si Dhen pagkaraan ng ilang minuto. Hindi na siya nagtaka pa roon dahil matagal na niyang alam na napaka-close ng dalawa.

"Hey, Stace." Nakangiting bati nito pagkakita sa kanya. Nahagip ng mga mata nito ang kahon ng truffles sa ibabaw ng mesa niya. "Oy, chocolates." At dahil nakabukas ang kahon, nakakuha ito ng isa bago paman niya mapigilan ito.

"Hindi 'yan ang daan patungo sa puso ng babae, Dhen." Tinig ni Matthew ang narinig nila. Sabay silang napalingon at nakita nilang nakangisi ito, nakita pala nito ang ginawa ng pinsan.

"Oh. So, should I spit it out?" Painosente tanong ni Dhen.

"Ew." Umingos siya. "No thanks. Lunukin mo na lang 'yan."

Tumawa lang si Dhen at pagkatapos ay tuluyang pumasok sa maluwag na opisina ng pinsan. Sumunod naman si Stacy para maghanda ng maiinom ng dalawa. Nang magtanong siya kung anong gusto ng mga ito, wine ang kanilang sagot. May mini bar kasi sa loob ng opisina ni Matthew. Minsan kasi kapag nasi-stress ang boss niya, wine lang katapat niyon.

"So, want to hang out with me tonight even just for a bit?" Narinig niyang tanong ni Dhen sa pinsan.

"Sorry, bro but I can't. Naghihintay sa akin si Hazel sa bahay." Anitong may kasama pang ngiti. May kakaibang kislap sa mga mata nito nang banggitin ang pangalan ng asawa. Talagang makikita sa mga mata nito na in love ito.

"Goodness! Kakauwi niyo lang ni Hazel galing sa honeymoon and you already can't wait to cuddle with her?" Mapang-uyam na komento naman ni Dhen.

Tumawa si Matthew sa naging reaksyon ng pinsan. "Dhen, trust me, kapag in love ka ganito rin ang magiging kilos mo. Like a love-stricken puppy. Yung parang hindi mo kayang malayo sa babaeng mahal mo. Gusto mo parating makasama siya. Kahit na wala kayong gagawin, kahit na magkatabi lang kayong nakaupo ay okay lang basta kasama mo siya. You feel happy when you're with her."

Ang kanyang atensiyon ay natuon kay Dhen habang papalapit siya sa mga ito bitbit ang isang tray. May parte sa kanya na naghihintay sa sasabihin nito. Nakita niyang tumaas ang isang sulok ng bibig nito, pagkatapos ay nagsalita ito.

"Trust me, Matt, alam ko kung anong sinasabi mo." Wika nito. "Alam ko kung anong feeling na gusto mong makasama ang babaeng bumihag ng puso mo." Tumingin si Dhen sa kanya at muntikan na niyang mabitawan ang tray. Para siyang tinamaan ng kidlat nang magtama ang paningin nila. He looked perfectly serious and Stacy felt a fluttery sensation in her stomach, like a thousand tiny butterflies all frantically looking for a way out. Nanuyo din ang lalamunan niya dahilan upang mahirapan siyang lumunok. Umiwas siya ng tingin rito at nag-concentrate na lang sa pagse-serve ng wine.

"Thank you, Stace." Sabi ni Matthew matapos niyang ilagay sa mesa ang dalawang wine glass na may laman na, pati na ang isang mamahaling bote ng alak. Nagpasalamat rin si Dhen sa kanya na may kasama pang ngiti. Sumikdo ang puso niya.

"Stace? You can take the rest of the day off." Sabi ni Matthew na nagpatigil sa kanya sa pag-alis. Ngumiti si Matthew sa naging reaksyon niya. "You took responsibilities while I was away."

Nagkibit-balikat siya. "Well, trabaho ko naman kasi 'yon."

"Alam ko, Stace and you've really done a great job so I want to give you a reward. So, go on and take a rest. Or do whatever you want to do. You're free for the rest of the day."

Beautiful Imperfection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon