Prologue

80 7 0
                                    

"Hi, I'm Jenna Davis..uy Macoy!
san ka na ba? kanina pa ako dito sa bus station. ma-le-late na tayo sa flight natin. tawagan mo ko pag nareceive mo to,ungas!"

Napapalatak ang babae habang inererecord ang voice message na iyon at saka isi-nend sa pamilyar na numero..at sa pagpindot nya sa send button ay siya niyang pag asa na sumagot ng tawag ang kanyang sinendan nang mensahe..Aligaga ang kanyang mga paa na tila ba nangangati ang mga ito kasabay ng kanyang pagtayo't upo sa kanyang puwesto at paglinga linga..di tuloy mapigilan ng mga tao sa tabi nya na siya ay titigan. Naalibadbaran sya sa isang ginang ng siya'y titigan nito mula ulo hanggang paa.."Hm?" patanong niyang kibit-balikat at pinandilatan ang ginang (May problema?!!) pangalawa ng kaniyang naiinip na isip, agad namang inilayo nang ginang ang paningin. Muli siyang napaihip nang hininga at napakunot ang noo..may muling sumagi sa kanyang isipan..isang pagaalala.. (Dito na ba magtatapos ang lahat? jologs ka talaga Macoy! Ewan!!) sabay na unti unting nangilid ang luha nya ng di nya namamalayan..ngunit pinipigilan nya itong mahulog..ayaw nyang may drama rama sa station na yun baka titigan sya uli ng ale..subalit di na yaon mangyayari dahil dumating na ang hinihintay na bus ng ale at agad na itong tumayo kasabay pa ng ilang naghihintay na pasahero at dali daling sumakay sa bus..pabagsak na din kasi ang ulan..at sya na nga lang ang naiwan sa mga upuan na iyon..muli nyang tiningnan ang relo at gumuhit ang pagkataranta sa kanyang mukha ngunit bago pa nya maramdaman ang pagkataranta ay tumunog ang kanyang cellphone..(Macoy!! ungas!)

"Hello, Macoy!!ano ba-" siya'y natigilan.. tila hindi si Macoy ang nasa linya.."Aling Carmela?....."mahaba habang katahimikan lamang ang kanyang naitugon dahil tila nag papaliwanag ang nasa kabilang linya, at habang nakikinig sya't ninanamnam ang katotohanang sinasabi ng nasa linya ay unti unting bumuhos ang ulan. Malakas, na tila nakikisabay sa emosyon ng kanyang balitang narinig..natapos na ang paguusap na iyon at di na nya nacancel ang tawag..wala syang nararamdaman ng sandaling yon kundi ang luha na dumaloy sa kanyang mga pisngi..di nya lang napigilan.ngunit sa di kalayuan ay di na rin sya matanaw habang pinapahid nya ang kanyang luha dahil sa lakas ng ulan. (Hindi na nga siguro..ako na lang nga siguro magisa simula ngayon..)

Love GuideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon