First Day
Zarina's POV
"So yeah,nasa gitna tayo ng school court at hindi alam kung saan pupunta"naka-pamewang pa Si Mariejune, habang lumilinga sa buong court.Well, can't blame her,it looks like ligaw na kami dito,eh first time lang namin nakapunta dito.
"Rina...",tawag nya sakin."Wala akong pera,",sagot ko naman.
"Nagtatanong ng maayos eh,maayos din dapat yung sagot...",pagsuway niya sakin.Kahit kailan, hindi na sya marunong maka-unawa ng biro...
"Just kidding,ano ba yun?",tanong ko sakanya.Binigyan nya lamang ako ng nakakalokong tingin."Ehem,Rinatot,diba makapal naman ang iyong pagmumukha,would you mind,magtanong-tanong ka sa mga estudyante dine",mahaba nyang utos sakin.Nahiya naman ako sakanya mga bhie,parang hindi rin makapal mukha nya...
Inikot ko muna ang aking paningin bago ako nakakita ng tatlong babae na estudyante na papunta samin.
"Uhm,excuse me,Miss..",pagtawag ko sa isa sa tatlong babae,mukha syang masungit,pero magtatanong lang naman ako."Oh,bakit?",masungit niyang sagot sakin.
Mukhang masungit talaga sya mga beshie,magpakabait muna tayo,"Ano kasi,transferee lang kami ng kaibigan ko dito sa school niyo,and you see,hindi namin alam yung papuntang Dean's office,",huminga muna ako ng malalim,bago ipagpatuloy ang aking sasabihin,"Pwede niyo bang ituro samin yung papunta doon?",magalang na tanong ko.
Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa,bago magsalita ng pagkaarte-arte sakin...
"Punta ka sa corridor na yun,there, you see it?",tanong niya habang nakaturo sa malapit na corridor.
"Ah,oo,nakikita ko,so dun yun?",naninigurado kong tanong sakanya,baka kasi mamaya nang go-good time si ate,mahirap na,at baka lalo kaming maligaw nitong baliw kong kasama.
"Kung nakikita mo,go there,and hanapin mo yung map.Masyado akong maganda para sagutin yang panget mong tanong.And...",kinilatis nya ulit ang buong katawan ko,"Wear some decent clothes,yung damit nyo kasi,hindi bagay sa paaralan na toh",nag flip pa siya ng buhok niya, bago tuluyang umalis sa harapan ko.Yung mga alalay niya naman,tumawa sa sinabi niya.
"Letse, nagtanong lang naman ako,bakit may kasamang insulto?", bulong ko sa sarili ko,bago bumalik kay Mariejune...
'Hinga malalim Zarina,isa lamang siya sa mga b*tch na makikilala mo dito sa school',sabi ko sa sarili ko bago sabihin kay Mariejune ang nalaman ko.
"Punta daw tayo dun sa malapit na corridor na yun, then hanapin daw natin yung mapa na naka-display dun...",paliwanag ko sakanya,habang palakad na kami sa corridor na tinuro sakin ni ate b*tch.
"Hindi nga natin kabisado ang pasikot-sikot nitong school na toh,tapos sasabihin niya,tignan natin yung map dun,",pagrarason nya,"Sinabi mo ba na transfer lang tayo dito?!",naiinis niyang tanong sakin.
"O-oo naman,sinabi ko,",habang nakasibangot sakanya.Ewan ko ba sa babae na toh,palaging naiinis,kala mo naman pasan lahat ng problema sa mundo."Kaso masungit eh,para iwas gulo diko na pinatulan,atsaka,hayaan mo na yun, mahahanap din natin yung Dean's office na yun...",pangungumbunsi ko sakanya.
"Siguraduhin mo lang na mahahanap natin yun,baka ma-late tayo sa first subject natin.",nagulat naman ako sa sinabi niya.Tinignan ko siya ng may halong pagtataka."Ano na naman bang problema mo hah?",nababagot niyang tanong sakin.
"Si Mariejune Santos,isang tamad at pariwarang babae,",napasinghap siya sa sinabi ko,pero nagpatuloy pa din ako,"Ay concern sa kanyang pag-aaral.....WOW just WOW lang bhe,ano bang nakain mo at ganyan ka? May sakit ka ba?",sabay hipo ko sa noo niya,nagbabaka-sakaling may sakit nga siya.
Hinawi niya yung kamay ko sa noo niya at tinignan ako ng pagkasama-sama,"Kokonyatan na talaga kita,para 'tong tanga,masama bang magbagong buhay? Sala na ba sa lipunan ang pagbabago ng isang tao? Sabihin mo lang,diko na itutuloy yung pagbabago ko....",hinihingal pa siya nung matapos niya akong sabihan.
"Hindi naman,nagulat lang naman kasi ako,like,na shook ng sobra ang bestie mong dyosa,yah know, nasanay na kasi ako sa pagiging tamad at pabaya mong tao,ahahahahaha",natawa pa ako habang sinabi ko sakanya yung mga gusto kong sabihin.
"Ayun na yung MAP...",baliw talaga toh,gigil na gigil,with matching emphasize pa sa word na 'MAP'.
Dumaan kami sa tahimik na corridor,siguro class time pa,nakasarado kasi yung mga room sa corridor na toh at wala ka talagang maririnig na kahit ano pwera sa mga hakbang na nang-gagaling samin nitong kaibigan ko.Tumigil kami sa harapan ng 'MAP',na sinasabi samin.
"Dean....Dean's....Dea-- Eto oh!",hinampas-hampas ko pa si Mariejune nung makita ko Yung Dean's office,"Nasa Building 5,sabi dito sa mapa.Mukhang hahanapin pa natin yung building five na yun ah...tsk tsk tsk",na di-dissapoint kong sabi. Pagod na talaga kami, kanina pa kami lakad ng lakad,masakit na talaga mga paa namin,gusto ko ng ma-upo actually.
"Dean's office, here we come!",sigaw ni Mariejune,nag taas pa sya ng kamay nya,mukha tuloy siyang baliw...
'Yep,konti nalang'
A/N;
~ It's me again,your pretty author, hakhakhak,I just want to inform you(na nagbabasa),na magkakaroon tayo ng konting changes,like yung sa pangalan ni 'Mariejune', magiging 'MJ' na siya sa next chapters,para madalian ako. Malapit na ang POV ni Mj.Hope you like this chapter~💜
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fiction"Love is in the air,hangin nga di mo makita,true love pa kaya?",yan ang laging nakatatak sa isipan ni Zarina Dela Fuentes,wala na syang hinahangad kundi ang tahimik at mapayapa nyang buhay. But, Life isn't that simple,hindi laging masaya sabi nga ni...