You...again?
Zarina's POV
Naiwan ako dito sa room,nakatulala.Hanggang ngayon hindi pa din bumabalik si MJ,nag init siguro yung ulo niya,well...Ako din naman mainit ang ulo ngayon but,hindi ako nag walk out.
Tahimik ang buong classroom,simula nung lumabas si MJ,lahat sila naupo na sa kanya-kanyang upuan.Yung tatlong bagong dating hayun! Prenteng nakaupo na,yung Dustin ba yun? Naupo na sa kaninang upuan ni MJ.
'Kala niya naman kina-astig niya yan,hmmp',sabi ko nalang saaking sarili.Tumingin ako sa bintana na malapit saakin,tirik na tirik ang araw,bigla kong naisip,saan kaya nagpunta si MJ at napaka init sa labas.Tinignan ko yung relo ko para malaman kung anong oras na.'Ano?! 10:00 am na?!',grabi halos matagal na pala ang nakalipas nung lumabas si MJ.
Lalabas na sana ako ng biglang pumasok si Ma'am...
Tinignan niya kami isa-isa,"So,nakaboto na ba kayo?",tanong niya saming lahat.Sisigaw na sana ako ng 'Not yet',kaso yung mga kaklase ko biglang sabay-sabay na sumigaw ng...
"OPO MA'AM!!!!",as in sabay-sabay talaga,ano yun iisa lang mga utak nila...utak biya? Chaur
"Oh really,Then who?",nakangiting tanong ni Ma'am sa mga kaklase ko."SI DARWIN PO MA'AM!!!",sabay-sabay na naman nilang sagot.
Nilibot ni Ma'am kanyang paningin para hanapin si Darwin,ng dumapo ang tingin niya sa likuran,bumuntong-hininga muna siya bago niya ito tawagin,"Darwin,come here...",mahinahon na tawag sakanya ni Ma'am.
Pero nagtaka ako ng wala pa ring pumupunta sa harapan.Tinawag ulit siya ni Ma'am,no response pa din.Lumingon ako sa puwesto niya at nagulat sa nakita.Nakayuko siya at NATUTULOG! Halos lahat ng nandito sa room nakatingin lang sakanya,halatang kulang siya sa tulog at mukhang pagod siya,kawawa naman...
'Hoy bruha! Anong naaawa ka diyan?! Diba galit ka sa lalaking yan?!',pagsaway ko saaking sarili.Halatang kahit sigawan mo siya,hindi talaga siya magigising, napaka himbing ng tulog niya kung titignan mo.Sana hindi nalang siya pumasok kung ganyan lang ang gagawin niya sa room,sabi ko saaking sarili.
Wala pa ring imik ang buong klase,kahit si Ma'am hindi na siya tinawag pang muli,pero nakatingin lang siya sa natutulog naming kaklase.
I let out a loud sigh,before I stand up...
Lumapit ako sa puwesto nitong batugan,tumayo ako sa gilid niya,not saying a word sinipa ko ng mahina yung upuan niya....
Hindi pa rin magising..... sinipa ko ulit.Ayaw pa rin talaga....
Bumuwelo muna ako ng kaunti bago ko malakas na sinipa ang kanyang upuan.Kasama siyang tumaob ng kanyang upuan.....Tsh,gusto munang masaktan huh?,tanong ko saaking sarili.
Naka subsob siya sa sahig,habang ang iba naman ay hindi nagtangkang magsalita,tanging ang hangin lamang sa may labas ang maririnig mo.Si ma'am na nasa harapan ayaw din mangi-alam,siguro talagang ginagalang siya dito sa school na 'to.......Well not me....
Ilang minuto muna ang nakalipas bago siya bumangon sa pagkaka-subsob niya.Matalim na titig lang ang nakuha ng mga kaklase ko sakanya,ng na saakin na yung tingin niya,halos mababasa mo sa mata niya ang galit at kagustuhang ihagis ako palabas dito sa classroom.Ngunit hindi ako nagpatinag at sinalubong ko lang ang kanyang masamang tingin.Kala niya siguro matatakot ako, well,I'm not one of them...
"Ano galit kana niyan?",mataray kong tanong sakanya. Tila hindi niya mawari kung ano ang magiging reaksyon sa aking ginawa,lumapit siya, saakin sobrang lapit na tila halos isang pulgada lamang ang layo niya sakin. Dahil sa tangkad niya,nakababa lang ang tingin niya sakin...
Tinignan niya lang ako at mahinang sinabi,"Nananakit ako ng babae...Always remember that b*tch", yun lang ang kanyang sinabi at kinuha niya ang kanyang bag at umalis.
WHAT?! DID HE JUST CALL ME A B*TCH?!
Hindi ko na siya sinundan pa dahil baka lumala pa ang away...Halos ang hangin lang na umiihip sa labas ang iyong maririnig. Habang tahimik sa buong klase,ay yun namang biglaang pagbalik ni MJ sa room,may dala pa itong inumin sa kanyang kanang kamay. Tila ng galing lamang ito sa canteen,may dumi pa ito sa labi bakas ng marami itong kinain habang wala pa ito.
I guess,this whole semester will be a pain to me....
A/N;
Heyyy!!! Pepols,sorry for the late update, busy kasi kay online class,I can't promise naman na magkakaroon agad ng update after this chapter.... Hope you like this part!💜
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Jugendliteratur"Love is in the air,hangin nga di mo makita,true love pa kaya?",yan ang laging nakatatak sa isipan ni Zarina Dela Fuentes,wala na syang hinahangad kundi ang tahimik at mapayapa nyang buhay. But, Life isn't that simple,hindi laging masaya sabi nga ni...