CHAPTER 2

12 1 0
                                    

Crush

Jetaime's POV

"Wala na po ba kayong ipapahatid sa office ni Dean?",tanong ko sa librarian namin dito sa school.Marami kasi akong dalang  files para sa school and regulations at profiles ng mga transfers,may isa ngang profile na nakakuha ng atensyon ko,"Zarina Dela Fuentes...",bulong ko sa pangalan na 'yon.Well,I guess makikita't makikita ko siya.It's just that, there is something on her last name,that makes me think kung saan ko 'yon narinig....

"Pasabi na rin kay Dean,pupunta ako sakanya,after lunch,I just want to discuss something with her.",sabi niya pa,bago ako tuluyang lumisan sa library.

Halos hindi ako makapag-lakad ng maayos sa corridor,napaka-taas at napaka-bigat nitong dala ko.I wish,sana may tumulong sakin....









*Boogsh!*





(●__●)





Napaupo ako sa sahig dahil sa malakas na impact ng bumunggo sakin.Halos nagkalat ang mga files ma dala ko.

'Yari ako neto',ayon na lamang ang nasabi ko saaking sarili,mahirap ayusin ito kasi nakaayos na siya.Panira lang talaga ng araw 'tong nakabunggo sakin...

Tumayo ako mula sa pagbagsak at hinarap ang bumunggo sakin,"Hindi ka ba marunong tuming--",napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino iyon,"Jared...",bulong ko sa pangalan ng hinahangaan kong lalaki,for short,crush ko siya.

"I'm really sorry,nagmamadali kasi talaga ako.Pinatawag kasi ako tapos.....Talagang nagmamadali ako...",sinuri niya ako pagkatapos napunta yung tingin niya sa mga nagkalat na files sa sahig,"Oh,sakto kay Dean din ako pupunta,",sabi niya pa.

"Pano mo nalaman na kay Dean ako pupunta,hindi ko naman sinabi...",nagtataka kong tanong."Ang Dean lang naman lagi ang nagpapadala ng maraming files or folders eh, Kaya I know,kung san ka pupunta.",paliwanag niya.

Halos maging kamatis na ako dito sa sobrang pamumula,tapos siya? Pa easy-easy lang,sabagay, hindi niya nga alam na may paghanga ako sakanya.Hinawi ko muna yung buhok ko bago magsalita,"Ganun ba? Ahm,sige,una kana,ingat ka ah,baka madapa ka, hehehe", spell 'AWKWARD',ano bang sumapi sakin at ayun ang sinabi ko? 'Stupid all the time award' goes to me...

But halos kiligin ako,when he let out a small chuckle.Lord,I feel blessed today,sana ganto nalang lagi,"Ah sige,pupulutin ko pa yung mga nagkalat na papel eh,uhm.....take care",sabi ko at tumalikod na ako para pulutin yung mga papel sa sahig.

Kala ko umalis na siya,pero nagulat ako ng may nakita akong pares ng kamay na tinutulungan akong pumulot."Kailangan ka ni Dean,right? You should go,I can do this...",pagtataboy ko sakanya,kasi anytime,sasabog na ako sa kilig,promise...Kahit ikaw sa posisyon ko,baka maihi kana eh.

"No,this is my fault, makakapaghintay ang Dean sakin,",sabi niya na nakapagpangiti sakin,"After all,merong mas late kesa sakin,and I know that you know,kung sino yun",dagdag niya pa.Well,tama siya sa part na yun,merong mas tamad at late kesa sakanya.

Five minutes din namin inayos at pinagsama-sama ang mga files.Tumayo siya at pinagpag ang medyo nalukot niyang pantalon.Ako,nanatili pa rin sa puwesto ko,sinisigurado na hindi nagkulang ang mga dalahin ko.Halos mapa-upo ako ulit ng sinubukan kong tumayo.

"Hahahaha,parang ayaw mo ng tumayo diyan,",pagkatapos niyang sabihin 'yon,inabot niya sakin ang kamay niya para maalalayan ako.

Tinignan ko muna yung kamay niya,nag dadalawang isip kung aabutin ko ba yun o hindi."Wag kang mag-alala,naghuhugas naman ako lagi ng kamay,kaya...Safe humawak sa kamay ko.",biro niya.I admit,corney siya,pero natawa pa din ako,iba talaga kapag galing kay crush yung joke,kahit na corney,tinatawanan mo pa din.

Ngumiti na lang ako at inabot yung kamay niya...

"Ahm....",hoy Jetaime! Aayain mo lang siyang sumabay sayo,mag hunos-dili ka diyan,"Gusto mo ba--",again he cut me off.

"Tara,sabay na tayo,tulungan na din kita,",agad niyang kinuha yung mga files at naglakad na.Ako? Ayun,tulala at sasabog na sa pamumula dahil kanina pa,kilig na kilig ang lola niyo.

"Sasabay ka ba o hindi?",tanong niya na nakapag-pabalik sakin sa wisyo.

"Ah,o-oo",sabi ko at sinabayan na siya sa paglalakad papunta kay Dean.

*****

Nasa harapan na kami ngayon ng Dean's office,halos tahimik lang sa hallway kung nasaan ang office ng Dean,ayaw niya kasi ng maingay.

"Pabukas naman nung pinto,salamat",sabi niya na ginawa ko naman.Pagpasok namin sa loob ng office,ramdam mo agad yung lamig,sapagkat naka air-conditioned ang office niya.May napansin din akong kakaiba sa atmosphere sa loob,parang ang bigat.

Dumapo ang tingin ko sa tatlong tao na nakaupo sa harapan ni Dean.Dalawang babae at isang lalaki na kilala ko kung sino."Ano na naman bang ginawa nitong lalaking 'to?",halos nadidismayang bulong nitong kasama ko.






'Ano na naman bang ginawa mo....Darwin?'

























A/N;
~heyow! This chapter is dedicated to my friend,I hope she like this chap.,and so far, I'm happy kasi,nakakatapos ako ng isang chapter sa isang araw.Ang schedule talaga ng update is,every night,pero,baka sa susunod na mga araw,matagalan na,kasi medyo busy akez sa bahay namin.So yeah,

~hope you like this chapter 💜

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon