CHAPTER 5

6 1 0
                                    

First day

Zarina's POV

"Wala na ba tayong naiwan?",sigaw ni Mj habang nililibot ang buong bahay kung may nalimutan ba kaming i-lock or isara.

Ako na nasa pintuan na,tinignan muli ang aking sarili.'Wala naman na ata akong naiwan...',sabi ko sa aking sarili.

Nang matapos na siya sa ginagawa niyang pagtingin sa buong bahay,lumabas na ako ng gate,siya ni-lock pa yung pintuan nung bahay.Malaki ang bakuran ni Mj,may path na papunta sa pintuan.Sa kaliwa ng path,may garden with Bermuda grass,sa kanan naman may malaking swimming pool.Oh di ba? Saan ka pa,kay Mariejune Santos kana...joke

Lumabas na din siya ng gate at ni-lock din ito,"Hindi natin gagamitin yung kotse mo? Or yung motor ko na lang,baka bet mo lang.You know naman na I hate walking o sumakay sa jeep...",angal ko.Hindi naman sa hindi pa ako nakakasakay sa jeep,ayoko lang kasi masikip,pero kaya ko naman sumakay talaga...

Tinignan niya lang ako ng walang ekspresyon ang mukha,"Lakas mo naman,sasakay tayo ng jeep papuntang campus.Atsaka,nakakatamad mag-drive at kapag nag-motor naman,delikado....Hindi mo pa kabisado dito,kaya magje-jeep talaga tayo...",pagra-rason niya.

Bumuntong-hininga na lang ako at hinayaan na lang siya.Naglakad lang kami ng kaunti para makapunta sa sakayan.Pag punta namin,konti palang ang tao,napaka-aga pa naman kasi.

Sumakay na kami ng jeep,ng makaupo,hindi ako mapakali,pano ba naman kasi,napaka-iksi ng palda namin,kaya ang ginagawa ko,binababa ko siya o di kaya,hinahatak ko para maharangan at umabot man lang ng tuhod ko.Itong kasama ko,pa-chill lang,sanay naman na kasi siyang mag-suot ng maikling damit...

Umandar na yung jeep,kada paghinto namin,ang siyang tingin ko sa labas.Nakangiti ako habang nakadungaw sa labas.Napadaan kami sa malawak na palengke,'Namiss ko tuloy bigla si mama...',malungkot akong napangiti habang pinagmamasdan ang mga taong abala sa pagbili,napansin ko ang mag-ina na bumibili ng isda,tinigil ko na lang ang pagtingin sa palengke,at baka maluha pa ako ng wala sa oras.

"Kuya diyan na lang po sa kanto....Salamat",sabi ni Mj ng marating na namin ang Campus.Pag-baba namin,hindi pa din ako mapakali sa suot ko,masikip na blouse, maikling palda.Mother-father talaga!!!

Naglakad na kami papuntang gate ng Campus.Halos masasabi mo talaga na mayayaman talaga ang mga nag-aaral dito.Saan ka man lumingon,hinding-hindi mawawala ang mga kotse na nagsisilbing service nitong mga schoolmates namin.Syempre,hindi rin mawawala ang mga nag-gagandahang gamit nitong mga babae samin.

'Sana all,naka-gucci ang bag.Kami nitong kasama ko,naka-jansport lang.Nakipag-sigawan pa ako sa tindera nitong bag,para lang babaan niya lang yung presyo nito...tsk tsk tsk',nagtuloy-tuloy na lang ako at ng itong kasama ko sa paglalakad.

Tumigil na naman kami sa may Covered court para hanapin sa bag namin yung schedule na binigay samin ni Dean,kahapon."Mag-kaklase pala tayo June,ang section natin is...",hinanap ko pa kung saan ba nakalagay sa schedule na 'to yung section namin,"Ayun! Section A.Ang unique ah....pero wait,may meaning...",nilapit ko pa yung schedule para makita ko yung mali-liit na letra sa baba ng section namin.

'Aphrodite?',well...Aphrodite is a greek goddess of love and beauty.

'Hmmm... It seems they use greek god and goddesses...Para unique siguro or it symbolize our section...Ay! Ewan,bakit ko ba iniisip yan! Pake ko dyan...',sabi ko na lamang sa aking sarili.

"Well,I guess we need to find that room...",sabi ni Mj ng magsimula na kaming maglakad para hanapin amg room namin.

Tinignan ko naman siya kaagad ma may naiinis na mukha,"Wag na WAG! mo na akong uutusan na magtanong-tanong.Last time,sinungitan lang ako,and I don't like that",sabi ko sakanya.

She raised both of her hands as a sign of surrendering,"Fine...Fine,I won't... Promise,sa susunod ako na lang ang magtatanong",pangungumbinsi niya sakin.

'Tch as if naman...Mataas pride mo eh',halos wala sa sarili na napapailing na lang ako sa sinabi niya...

(Fast forward kasi antagal nilang hanapin ang room nila)

"Sa tingin mo,yan na yun?",hinihingal na tanong ko kay Mj ng nasa may harapan na kami ng isang classroom na nakasara ang pinto.

"OO AYAN NA YUN! SURENESS OVERLOAD NA AKO DINE!!!",galit na wika naman niya...









'this is it panzit canton'

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon