CHAPTER 3

7 1 0
                                    

Meeting Him

2 hours earlier

Zarina's POV

"Grabi yung mga classroom nila dito..... Talagang nakasara pa yung mga pinto at bintana,",komento nitong kasama ko,habang naglalakad na kami papuntang Dean's office,"At mas malinis itong school na 'to,kesa dun sa dati nating school.",dagdag niya pa.

'Malinis nga, panget naman mga ugali ng estudyante dito,tsk tsk tsk',sabi ko na lang sa sarili ko.Aanhin mo naman yung magandang paaralan kung pangit naman ang pamamalakad,di ba?

Napalingon ako sa hagdan na malapit naming madaanan.Napahinto ako ng may marinig akong bulong ng isang babae,"Ano Darwin,nakikiliti ako....Aray! Masakit dyan, hihihi",yan ang narinig ko mula don.

Kinalabit ko muna si Mj bago magsabi,"June,pwede mo ba akong hintayin doon?",tinuro ko ang pinakamalapit na upuan mula samin.Tumango lamang siya at pumunta na doon,ako naman,tinanaw muna siyang makaupo bago pumunta sa sulok kung saan ko narinig ang bulong.

Hininaan ko lang yung paghakbang,para hindi ako marinig...

'Mukhang C.R ito, pero.....Saan ko ba narinig yung bulong na yun. Sa pag kakaalala ko,nagbanggit ng pangalan yung babae.....Darwin daw'. Pumasok ako sa sa pang-babaeng C.R,halos magulat ako sa nasaksihan kong kababalaghan dito.

'I-isang babae a-at isang l-lalaki,mag magka---MAGKAHALIKAN!!!!',mabilis akong tumalikod sa nakita ko.Bastos ako,aaminin ko, but,I don't say na, handa na akong manood ng live show,jusko!

Hindi ako humarap sakanila,halos nagka-goosebumps na ako dito.Nanatiling tahimik ang C.R,narinig ko lang na parang may papalapit na yabag sakin,may humawak sa balikat ko,pero nanatili pa rin ako saaking puwesto.

"Miss?",tawag sakin nung babae,siya yung ka-anuhan nung lalaki,yung ka-ano....BASTA SIYA YUNG KA CHUPA NUNG LALAKI,BUWISET!!!

Dahan-dahan akong humarap sakanya,kala ko galit siya kasi iniistorbo ko yung advance na honeymoon nila,pero hindi....Wala lang ekspresyon yung mukha niya,hindi galit at mas lalong hindi siya mukhang masaya...

"Mag c-cr ka ba?",tanong niya sakin.Hindi ko alam kung tatango ba ako o ano....

"Ahh...O-oo,natatae kasi talaga ako,tapos nadaan kami dito ng kaibigan ko,kaya pumasok na ako,kala ko walang tao, pero....",lumingon muna ako sa likod ng makita ko yung lalaking ka anuhan niya,binalik ko ulit sa kausap ko yung tingin ko,atsaka nagsalita,"Mukhang na istorbo ko kayo,lilipat nalang ako ng ibang palikuran,bye...",sabi ko nalang at aalis na sana sa lugar na yon.

Kaso,mukhang makulit ang lola niyo.Inabot niya yung wrist ko,kaya napalingon ako sakanya,"Aalis na din kami,wag ka na lang umalis...",binigyan niya lamang ako ng tipid na ngiti,atsaka na siya umalis...

Napatingin naman ako dito sa lalaking 'to na nasa harapan ko,nagulat ako nung tumingin siya sakin at ngumisi.

'Mukhang gulo na naman ito Zarina...',sabi ko sa sarili ko.Nakakatakot kasi yung tingin niya mga madlang peps,pero.... Hindi ako papakabog sakanya,sino ba siya?Hindi niya ako matatakot sa paganyan-ganyan niya,hah! Zarina kaya 'to,walang kinakatakutan,ahahahahah!!!!

Natigil ako sa pag-iisip ng bigla siyang nagsalita,"May lahi ka ba ng mga kabute at sumusulpot ka na lang bigla? You ruin my lunch...",malamig niyang sabi sakin.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon