" 'till death do us part"
.
.May kung anong bumabagabag kay Ryn na hindi niya matukoy. She can't sleep at all. Hindi pa siya tinatawagan ng binata kung kaya'y mas lalo lang siyang nakaramdam ng kaba.
Nasaan na ba kasi ang lalaking iyon? Aish! Bumangon siya mula sa pagkakahiga at tumungo sa asotea dala ang cellphone.
Pagkarating niya roon bumungad agad sa kanya ang malakas na simoy ng hangin. Biglang tumunog ang telepono niya, agad niya itong sinagot sa kaalamang baka si Haru na iyon.
"Hello kayo ho ba ang nobya ng binatang nag ngangalang Haru Enatsu?" Ani ng kausap sa kabilang linya. Nangunot ang kanyang noo sa narinig. Bakit nasa lalaking iyon ang cellphone ng binata?
She's not a girlfriend but she guess that will do. "Uhm.. yes ako nga ho, bakit po?" Bigla na lamang siyang nakaramdam ng matinding kaba at tensyon.
" Nandito ho siya sa xx hospital" nabitawan niya ang cellphone dahil sa gulat.
No, no, no... Please tell me it's a lie.
"Hello ma'am? Hello--" agad siyang bumaba mula sa kuwarto. Wala siyang pake kung naka nighties lang siya, sinuot niya ang coat na nakita at nag tsinelas.
Tumakbo siya patungong labas para sumakay ng taxi, hindi alintana ang madilim na lugar. Nabasa pa ang paa niya dahil sa likidong naapakan.
Mabuti na lang ay may dumaang taxi kung kaya'y napabilis ang dating niya sa ospital. Mabilis siyang pumunta sa nurse na nakaupo sa harap ng computer.
"Miss any patient named Haru Enatsu?" Awang nakatingin ang nurse sa kanya. Na mas lalong nag pa kaba sa kanya.
"Nasa morgue po siya" tinanguan niya ito bago pumunta sa morgue. Bakit nasa morgue si Haru?! No! Please no.. I can't.
Halo halo ang amoy sa loob na nag pa duwal sa kanya, inuna niyang tinungo ang CR.
Ngunit walang lumalabas sa bibig niya, naduduwal siya ngunit kahit pilit niyang inilalabas ay wala pa rin.
Nag mumug na lamang siya at nanghihinang lumabas ng cr. Doon niya naalala ang pakay niya sa ospital.
Agad niyang tinungo ang kinaroroonan ni Haru, but to her suprise she saw a man lying on the bed covered with white blanket.
Dalawang beses niyang siniyasat ang pangalan ng pasyente. Haru Enatsu naman talaga ang nakalagay doon.
"Kayo ho ba si Ryn Liane Diego?" Nakatayo na sa tabi niya ang police. Tumango siya habang nakatingin pa rin sa lalaking nakahimlay.
"Dead on arival na ho ang biktima, eto po iyong huling hawak niya bago siya sumakabilang buhay" iniabot sa kanya ng police ang kuwintas na may palawit na rosas.
Nanghina ang kanyang mga tuhod,napaupo na lamang siya sa sahig habang humahagulgol. "Why... Why?! We were just fine earlier, we laughed, we ate together, Haru why are you lying there?! Wake up sweetheart.. please wake up"
Dumating ang tiyahin ni Haru, hinihingal ito halatang tumakbo ito ng mabilis para makarating doon.
Unti unting tumulo ang mga luha nito, mabilis niyang tinungo ang higaan ng pamangkin. Mahigpit niyang niyakap ang malamig na katawan ng binata.
"Gagaling ka na eh! Mabubuhay ka pa dapat eh! Why?! Please God tell us why?! " Mas lalong lumakas ang hagulgol nito. Ang sakit sakit dahil kung kailan maigagaling na ang karamdaman nito, saka pa ito kinuha ng nasa taas.
Nagulat si Ryn sa narinig mula sa tiyahin ng minamahal. He can be cure?! Iyon ba ang gustong sabihin ng binata sa kanya kaninang umaga?
Tumayo siya para i-comfort ang ginang ngunit ng tumayo siya biglang sumakit ang kanyang ulo, at nang tignan niya ang mukha ng binata nakangiti ito.
He's smiling, mukhang tanggap na nito ang pag kamatay. Napa-kapit siya sa hamba ng higaan. Napahawak siya sa kumikirot na ulo, nandidilim na ang kanyang paningin, hindi na rin niya marinig ang pinag-uusapan ng ginang at pulis.
"Ryn are you alright?". "Ryn-- Ryn!" Iyon ang huli niyang narinig bago mawalan ng malay.
"Mas maigi po kung iiwas niyo siya sa stress, hindi po maganda ang lagay niya lalo na't wala pa siya sa first semester ng pag bubuntis" aniya ng doktor sa anty ni Haru.
Nagulat ang ginang sa nalaman. Ryn's pregnant! How can she handle herself when everything is a mess? I need to help her. It's Haru's after all. Haru's remaining is their child.
Nagising si Ryn na nakahiga na sa isang hospital bed, sa tabi niya ang ginang na nakatitig sa kanya na may nakapaskil na maliit na ngiti sa labi.
"What happened? Haru! Si Haru.." uupo na sana ito ngunit pinigilan siya ng ginang.
"You shouldn't stress yourself Ryn, dalawa na kayong nag mamay-ari ng katawan mo" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng ginang. Dalawa na kaming nag mamay-ari sa katawan ko? Ibig sabihin..
"Yes Ryn you're pregnant, although we're not quite sure so after a week you have to recheck it using a PT" hindi pa rin siya makapaniwala na nabuntis siya.
Napangiti siya dahil sa sobrang galak, Haru did left her but at least he left her with a remembrance of their love.
Hinawakan niya ang tiyan. I'll love you with all my might, wala man si daddy ngunit sisiguraduhin kong hindi ako mag kukulang. If he's still alive I know he'll be happy.
Somehow nabawasan ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa anghel na dumating sa buhay niya.
Tinitigan niya ang kuwintas na hawak. Haru died because of this.. he protected this so he can give it to me. Mapait siyang napangiti, then I should cherish this just like how he cherished it.
A month had passed. May kaunting umbok na ang tiyan ni Ryn, Gabby would always visit her to check on her. She live with her Dad, unti unti ay naayos na nila ang relasyon nila.
Nahimatay pa ang ama nang malamang buntis siya, at kamamatay lang ng ama. It was hard for her to send her beloved sweetheart off, she blames herself, but she knew it won't do anything good.
If she was just brave enough that time to stop Haru, edi sana buhay pa ito. Sana inaalagaan siya nito ngayong buntis siya.
"Ryn!" Napatingin siya sa kaibigang nakatayo sa tabi niya ngayon sa asotea.
"Sorry, I was thinking" napatingin siya sa palubog na araw. It's stunning. Napayuko siya't tinitigan ang mga nakabukang kamay, akala niya umuulan dahil may tumutulog tubig sa kanyang mga palad, but then she realized its her tears, flowing endlessly.
Niyakap siya ng kaibigan mula sa likod. "Still thinking about him? Hm" tumango siya sa tanong ng kaibigan.
"Come to think of it, I don't even have a single picture of him.. he's just a vivid memory of my past. A memory that I will never forget, now he only exist in my memory, and in my heart" tuloy tuloy ang pag ragasa ng mga luha mula sa kanyang mga namumugtong mata.
"Love is indeed unpredictable, don't worry I will always stay by your side 'till you move on and start a new beginning happily" napangiti siya sa sinabi ni Gabby. She's thankful that she still have her best friend beside her.
You will always be my first and last, I love you Haru, hindi ko man ito nasabi sa iyo ng harapan pero sana ay naramdaman mo ang pag ma-mahal ko para sa 'yo.
It was worth it having you by my side for a short time, you are worth loving, ah.. I miss you so much.
Hello, Goodbye. Sweetheart
-RedInKnight14 🌙🌹
Epilogue ang susunod! Yes patapos ko naaaa yaaayyy. Ahmm.. baka next week or next next week irerevise ko yung chapter 9-10 so yeah HAHAHAHA labyu mwuah. Dalwang linggo akong nawala sa wattpad dahil busy akong mag basa ng Yaoi ah.. I love Yaoi so much, so yep sorry lame ang chapter 10 masyadong mabilis ang pangyayari pero iyan palang ang kaya ko ngayon dahil drained ako, don't worry irerevise ko naman iyan.
Enjoy! ❤️ And nung monday birthday ko, I was supposed to post this chapter that day but nah my broke ass can't afford load so yep ngayon lang HAHAHAHA.
HABA NA NG AUTHOR'S NOTE HAHAHA BABUSH MWUAH LOVE YOU GUYS, STAY SAFE❤️
YOU ARE READING
Hello, Goodbye. Sweetheart (Completed)
Short Story"You're my favorite hello and my hardest goodbye" -Haru💛🍡 Ryn Liane Diego is a girl who live in her past, she can't forget the first man who makes her heart flutter for the first time, the man whom she ever first loved. She want to forget, she wan...