Chapter 5

16 3 0
                                    

"So... You accept my offer whole heartedly?" Tanong sakanya ng binata. Haru is leaning on the door while she's standing in front of him.

Tinanguan niya ang binata at pumasok na nang silid-aralan. Narinig niya ang masayang hiyaw ni Haru mula sa likod na ikinangiti niya.

Gabby saw it all and she feel so happy. Happy for her friend, and for Haru. She heard it all, Haru and Ryn's first conversation in the garden.

She knew all about the offer and about Haru's counted days in this world.

"Uyy~ ano 'yon ha?" Nanunudyong tanong ng kaibigan. Nangingiting umupo si Ryn sa kanyang upuan.

"Wala 'yon! 'kaw talaga kung ano anong iniisip" umiiling itong sambit sa kaibigan.

" Aysus! Nahiya ka pa, nasa'n na ang 'I'm not interested' na sinasabi mo?" Sinamaan ni Ryn ng tingin ang kaibigang tumatawa.

" Ay ewan ko sa 'yo!" Hindi na niya pinansin si Gabby na tawa pa rin ng tawa.

'you received a message from unknown number'

Nangunot ang kanyang noo sa mensaheng natanggap.

'meet me at the rooftop, 6 pm sharp'

And who the hell is this? Isiniwalang bahala na lamang niya ang mensahe at umayos na ng upo dahil dumating na ang kanilang guro.

"RYN! Sabay na tayong kumain" nilingon niya ang binatang hinihingal. Haru.

" Hm.. sure" kumibit balikat na lamang siya't naglakad ng muli. Nasa tabi niya na ngayon si Haru na kanina pa panay ang sulyap sakanya.

Huminga siya ng malalim bago huminto't hinarap ang lalaki. "What do you want?"  Nakataas ang kanyang kaliwang kilay habang nakapameywang.

"Uhm.. nothing! N-Nothing at all" namumula ang binata habang iniiwas ang kanyang mga mapagdudang mga titig.

Pinaningkit niya ang kanyang mga mata at lumapit siya rito sabay tingkayad dahil mas matangkad si Haru kaysa sa kanya. "Hmm.." duda pa rin siyang nakatingin dito.

"Ryn! Haru! Let's go! Ano pang ginagawa niyo diyan?!" Sigaw ni Gabby mula sa malayo. Nakalayo na pala ito sakanila dahil huminto sila.

Tumuwid siya ng tayo't tinalikuran si Haru. Ngingiting sumunod si Haru kay Ryn mula sa likod. 'ah.. my adorable sweetheart'

Nang makarating sa cafeteria ay hindi pa rin maalis ang ngiti ni Haru. "Alam mo ang creepy mo na, kanina ka pa ngiti ng ngiti eh" ani Gabby habang kumakain ng carbonara. Tumango-tango naman si Ryn bilang pag sang ayon.

"Ang cute kasi ng sweetheart ko" nakangiting ani ni Haru habang naka-pangalumbabang nakatingin kay Ryn. Nabilaukan naman ang dalawa sa sinabi ng binata. Dali dali silang uminom ng tubig at sinamaan ng tingin si Haru.

"Ihh! Ang cheesy, kainis!" Inirapan ni Gabby si Haru na nangiti pa rin.

"Kumain ka na nga lang Haru! Tse!" Inirapan niya rin si Haru na ikinatawa lang ng lalaki.

MATAPOS kumain ng lunch ay dumiretso sila agad sa klase. Puro discussion lang tungkol sa ekonomiya ng bansa, calculus at literature ang nangyari buong hapon.

5 pm natapos ang klase nila't kailangan niya pang pumunta ng library dahil siya ang naka-quotang mag linis at mag ayos ng mga libro roon.

Tinatamad siyang naglalakad papuntang library. Maingay ang corridor dahil uwian na, kanya kanyang hintay sila sa mga kaklaseng nag kaklase pa, o kaya naman nag lilinis pa.

Habang siya, iniwan na ng kaibigan dahil may date pala ang isang iyon, si Haru naman hindi niya mahagilap. Nag-aalala siya baka atakihin ng sakit si Haru at walang aalalay sa kanya. Kaso matigas talaga bungo ng isang iyon eh. Ayaw makinig!

Hello, Goodbye. Sweetheart (Completed)Where stories live. Discover now