THE serene familiar scenery of greens and clear blue sky contrast what Solea was feeling at that moment. Imbis na nakakapagpaginhawang pakiramdam ay tila mas nagpabigat pa ang tanawin na kanyang natatanaw. Nangangatog ang kanyang tuhod habang ang kanyang mga braso ay nakayakap sa sarili.
She was back at the tower and the scene in front of her was the last scene she remembered before her time turned upside down.
Idagdag pa ang presensiya sa likod niya sa hindi mapalagay na damdamin. That if she turns to whatever was behind her, the scene she saw from before would be the same scene she would see now.
Pero, mukhang kahit hindi niya harapin ang presensiya sa kanyang likod ay ito na mismo ang gumawa nang paraan. Ang hindi maipaliwanag na nakakasulasok na amoy ay napalitan nang halimuyak nang bulaklak na bagamat pamilyar ay hindi niya mapangalanan. Tila rin may yumakap sa kanya mula sa kanyang likod dahil sa malamig na simoy nang hangin na bumalot sa kanya.
"Ano ang kailangan mo sa akin?"
Bigo siyang makakuha nang sagot mula sa presensiya.
Sumunod doon ay natagpuan na lamang niya ang sarili na nakatayo sa gilid nang makitid na daan na sa tingin niya ay mukhang shortcut. Lampas tao rin ang mga talahib sa magkabilang gilid nang daan. Maliwanag pa ngunit tantiya niya ay palubog na ang araw sa oras na iyon.Maya-maya pa ay bumibigat na ang presensiya na nakalukob sa kanya. Sigaw nang isang babae ang umalingawngaw na gumambala sa katahimikan nang paligid. Hindi na nasundan pa ang sigaw na iyon. Nais man niyang hanapin ang pinanggalingan nang sigaw ay halos hindi naman niya maitapak ang mga paa upang makapaglakad. Pinipigilan siya nang presensiya sa kanyang likod. Na para ba at mismong ito ay hindi nais na harapin ang gusto niyang matuklasan.
Ilang minuto na tila siya tuod na nakatayo sa gilid nang makitid na daan, naghihintay nang susunod na pangyayari.
"Bakit mo ako dinala rito kung mismong ikaw ang pumipigil sa akin?" Ang nalilitong tanong niya. Tulad nang nauna ay wala siyang narinig na sagot.
Tulong ang gusto mo, hindi ba? Subok niya muli sa pagkausap dito. Iyon naman lagi ang dahilan nang mga presensiya na tulad nang nadarama niya ngayon. Kaya pinagtatakhan niya ito. Kaiba ito sa lahat nang naranasan niya. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na naka-engkwentro siya nang ganitong klase nang presensiya.
Nawala na ang atensiyon niya sa presensiyang nakalukob sa kanya nang mula sa dulo nang kanyang kanang paningin ay may lumitaw na pigura. Agad na napalingon siya roon at natigilan.
Una niyang napansin ang buhok nito na magulo at wala na sa ayos na sa tingin niya ay dating nakapusod. Nakayuko ito habang naglalakad kaya hindi niya lubos na makita ang mukha nito. Litaw rin ang kaliwang balikat nito sa suot na baro na may bakas nang gusot, ganoon din ang saya nito. Hawak nito ang sa tingin niya tila balabal sa kanang kamay.
Halatang wala ito sa sarili habang paika-ika sa paglalakad.
Wala siyang nagawa kung hindi ang pagmasdan lamang ito hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin. May nabuong hinala sa kanyang isipan na nakapanlumo sa kanya nang dumako ang paningin sa makitid na daan.
"Soledad, tama ba ang hinala ko?" Lakas loob niyang tanong sa kawalan.
At sa unang pagkakataon, bagamat bulong lamang sa hangin, ay nakarinig siya ng sagot.
Si.
Habol ang paghinga nang awtomatikong napamulat nang mga mata si Solea. Madilim pa ang paligid na pagtagal ay nakasanayan na rin nang kanyang paningin.

BINABASA MO ANG
Soledad
Historische RomaneEver since she was a kid, Solea Sta. Ana was fascinated with the only surviving American era house built in early 1900s in their town. Kaya naman nang magkayayaan ang kanyang mga kaklase na libutin ang nasabing bahay na kilalang-kilala sa kanilang m...