CHAPTER THREE
NAKAKUNOT ang aking noo, at binalewala ang presensiya niya at agad na pumasok sa loob. Natuwa naman ako ng magdatingan na ang ilan sa mga kasama niya.
Naghintay pa ako ng halos kalahating oras, bago sila makumpleto at agad narin kaming nagsimula.
"Ngayon, gusto kong makita ang mga hinanda niyong maikling sayaw" panimula ko
Nakangiti ang lahat, maliban kay J-Justin na para bang hindi inaasahan ang inanunsiyo ko eh sinabi ko na iyon noong isang araw
"Ms. Emilia, paano po itong newbie?" Tanong ng isa sa mga estudyante ko
Oo nga pala, wala siya nung inanunsiyo ko iyon. Sa isip ko, natampal pa ang noo.
Magsasalita na sana ako, ng umeksena na naman ang binata. Tumayo ito at naglakad papunta sa gitna ng lahat, kung saan kitang-kita ang iyong bawat pag-galaw.
"I'll go first" mayabang pang ani nito pero tango lang ang sinagot ko't pumunta sa may gilid upang tignan ito.
"Anong kanta ang gusto mo?" Tanong ko ngumiti ito
"You know k-pop? I want HOME by k-pop Group Seventeen" ani nito at labis akong naguluhan, at mas naguluhan pa ako ng bigla itong tumawa
Bumalik siya doon sa pwesto niya at kinuha ang cellphone niya, may pinagpipipindot at maya-maya nalang ay may kakaiba akong musika na narinig, kakaiba sa musikang nakasanayan ng aking pandinig. Musikang iba ang lenggwahe.

YOU ARE READING
HULING KANTA
Non-Fiction𝗘𝗠𝗜𝗟𝗜𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗩𝗔𝗗𝗢𝗥, ipinanganak noong Oktobre 4,1984 isang propesyonal na mananayaw sa kasalukuyang panahon ngayong 2019 at isang hindi inaasahang tao ang gugulo sa nananahimik niyang mundo. Kahit saang anggulo mo tignan, at kung mapanghu...