CHAPTER TWO
MAAGA akong nagtungo sa sayawan o PR kung tawagin namin, at laking gulat ko ng madatnan doon ang binata! Ang akala ko ay ako lamang mag-isa.
Agad siyang napatayo sa pagkakaupo sa harapan ng pintuan ng makita ako
"Ang aga mo yata?" Tanong ko pa. Pinagpag niya pa muna ang puwetan bago sumagot
"I don't wanna be late, not anymore" nakangiting tugon nito
Tumango lang ako bilang sagot at pumwesto na sa harapan ng pintuan tsaka naghalungkat sa dalang bag, hinahanap anh susi.
"You finding something?" Tanong niya pa
Sasagot na sana ako sa tanong niya pero sakto ring nakapa ko na ang susi
"wala" sagot ko, ipinasok ko ang susi sa may buksanan ng pinto ng mahulog ito
Dali-dali akong yumuko para pulutin ang susi at kamalas-malasang ganoon din ang ginawa ng binata kaya nagkapatong ang aming kamay
Napatingin ako sa kanya, pero laking gulat ko ng makitang nakatitig na ito sa'kin.
Iniba ko ang aking paningin at agad na hinablot ang susi, dahil sa hindi malaman na dahilan bigla akong nakaramdam ng kakaibang pagkailang.
"I'm JUSTIN CURTIS, Emilia" pagpapakilala niya, nakalahad pa ang kamau pero isa lang ang ikinagulat ko
Wala siyang respeto. Sa isip ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
HULING KANTA
Nonfiksi𝗘𝗠𝗜𝗟𝗜𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗩𝗔𝗗𝗢𝗥, ipinanganak noong Oktobre 4,1984 isang propesyonal na mananayaw sa kasalukuyang panahon ngayong 2019 at isang hindi inaasahang tao ang gugulo sa nananahimik niyang mundo. Kahit saang anggulo mo tignan, at kung mapanghu...