CHAPTER NINE

2 2 0
                                        

CHAPTER NINE

LUMIPAS ng tatlong araw, hindi kami nagkita ni Justin. Wala akong nakuhang balita sa kanya sa loob ng tatlong araw na iyon. Tatlong araw rin siyang hindi pumapasok sa PR kung saan palagi akong naroroon.

"Okay, Makinig ang lahat!!!!!!" Masigla pa kunwaring sigaw ko

"Magkakaroon ng patimpalak sa sayawan at isa ang grupo natin sa naimbintahan kaya maghanda ang lahat" dagdag ko pa

Lahat ay naging abala sa kanilang pagsasayaw, hanggang sa may isang estudyante pa ang dumating. Estudyanteng hindi namin alam, wala kaming ka ede-edeya na may balak pa palang maparito.

Ang lungkot ng tingin nito sa'kin, bigla itong pumunta sa'kin at hinila ako palabas ng PR

Nang makarating sa labas, ay mahigpit niya akong niyakap, iyong yakap na puno ng pananabik. Puno ng pagmamahal.

"I'm sorry, for that past three days. Emilia" pamauna niya, nalito ako.

Nakayakap parin ito sakin, sobrang higpit tila ayaw na akong bitawan. Pero naalala ko ang ang mga desisyon ko. Desisyon kong makakapag tama sa lahat ng ito. Upang iwasan na mahirapan kami.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya, at tignan siya sa mata.

"Justin, naiintindihan ko ang iyong ina..,"

"What are you trying to say?" Kumunot ang kanyang noo, nalilito.

"Tama ang iyon ina, halos isang dekada ang agwat ko sayo. At isa itong kahihiyan"

"No, no, no, you can't do this to me!"

"justin para sayo at para sakin to"

"Emilia, please! Get straight to the point!" Bakas ang lungkot at sakit sa tono ng kanyang pananalita

"Palayain na natin ang isa't-isa, itigil na natin ang kalokohang ito" seryosong ani ko

Tuluyan na siyang naluha, kahit ako man ay naluluha narin pero. Ayokong maging mahina sa oras na ito, dahil kailangan kong maging malakas sa mga mata niya. Dahil sa oras na ito. Seryoso ako at wala ng balak na bawiin ang kung ano man ang nasabi na.

HULING KANTAHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin