CHAPTER EIGHT

2 2 0
                                        

CHAPTER EIGHT.

HUMAGULHOL ang kanyang ina, hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin, ang gusto ko lamang ay ang makaalis na dito dahil bukod sa sobrang sakit ng mga salita ang ibinabato ng kanyang ina sa akin, ay labis ring kahihiyaan ang natamasa dito.

"Mom-- mom, please!" Si justin habang hawak hawak ang ina sa magkabilang braso

Hindi ko na kaya ang nakikita ko ngayon, dahil kahit ilagay ko ang posisyon ko sa ina niya. Ganito rin ang mararamdaman ko.

Wala sa sariling naglakad na ako paalis, palabas sa kanilang mansion na tahanan. At ng makalabas ay doon nilabas lahat ng hinanakit na kanina pa gustong sumabog.

"Hindi sumagi sa isip ko, na magiging ganito ka lupit ang mundo pag nagmahal ako ng tulad niyang, hindi ayon sa edad ko" bulong sa sarili habang nakahinto sa kanilang pinto

Buong lakas akong naglakad, papalayo sa kanilang tahanan. Labis na nasasaktan ngunit mas nasaktan ako nung walang justin na sumunod sa likod ko.

Akala ko ba mahal mo ako? Sa isip ko.

Tuloy-tuloy ang pag agos ng aking luha, nakarating na ako malapit sa destinasyon na gusto kong marating ang PR ngunit ang inaasahan kung lalaking susunod sa akin ay ni anino wala.

"Hindi ka na nahiya! Pumatol ka sa anak ko?! Sa anak ko na ilang dekada ang agwat sayo!"

"Hindi ka na nahiya! Pumatol ka sa anak ko?! Sa anak ko na ilang dekada ang agwat sayo!"

"Hindi ka na nahiya! Pumatol ka sa anak ko?! Sa anak ko na ilang dekada ang agwat sayo!"

Ilang ulit, nag paulit-ulit iyon sa pandinig ko hanggang sa may nabuong decision sa isip ko, decisiong alam kong kahahantungan namin pag nalaman ng buong mundo ang relasyon ng isang binata at isang matanda na tulad ko . . . . .

HULING KANTAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz