CHAPTER FIVE

3 2 0
                                        

CHAPTER FIVE

LUMIPAS ang dalawang buwan, naging magkaibigan kami ni Justin ngunit nung LUMIPAS ang tatlo pang buwan, nagkaroon kami ng relasyon. Relasyong kaming dalawa lang ang nakakaalam. Ang siya niya sa'kin kaya niya raw akong ipakilala sa lahat ng kakilala niya. Pero ako ang may ayaw, hindi dahil sa kinakahiya ko iyon, natatakot lang ako.

Ganoon parin ang pagtatagpo namin, madalas kami sa PR kung saan nag-eensayo ang mga batang mananayaw at kabilang si Justin roon.

"Magsimula na tayong lahat" anunsyo ko lahat ay nakahanda na sa gitna, napapansin ko pa ang pagmumukhang aso ni Justin pacute kumbaga, kaya napapangiti ako.

Magkapares ang lahat ngayon, dahil cha-cha ang sayaw ngayon.

Kitang- kita ko sa gilid ng mata ko ang babaeng kapares ni Justin, wiling wili ang dalaga

Nakita ko pa si Justin na nilingon ako, nakakunot ang noo tila nag-aalala pero ningitian ko na lamang siya.

Nagsimula na kami, abante, lakad ng mabilis na ikalawang beses, lakad patalikod ng dalawang beses, ikot at balik sa dating pwesto.

Nang matapos ay agad nagsiuwian ang lahat, maliban sakin kay Justin at nung kapares niya, nakita ko pang humalik ang dalaga sa pisngi ng kasintahan, bago tuluyang lumisan.

"Emilia" tawag ni Justin, tumingin lang ako sa kanya

"Ang kulit niya, kanina ko pa siya---" hindi niya naituloy anh nais sabihin ng mariin kong halikan ang kanyang mga labi

"Umuwi na tayo" sabi ko, nakangiti.

"Mahal kita" aniya.

HULING KANTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon