CHAPTER SEVEN

2 2 0
                                        

CHAPTER SEVEN

TILA isang nakakabinging katahimikan ang namamagitan sa amin ngayon kasabay ang hindi mapangalanang tensyon. Kita sa mukha ng kanyang ina na hindi niya gusto ang nakikita, para bang isang napakalaking kasalanan ang nagawa ng anak.

Tahimik lang ang lahat hanggang sa magsalita muli si Justin.

"M-mom?? This is em---" hindi niya natuloy ang dapat na sabihin ng bigla siyang sinampal ng ina

"I've heard enough, SON!" sigaw pa nito sa anak, nagliliyab ang mga mata sa galit. At sa gilid ako'y napayuko.

Tila isang sanggol na sisiw kakalabas lamang sa kapipisang itlog ang sitwasyon ko ngayon dito, gusto ng mga paa kung tumakbo pero pinipigilan ako ng takot na nararamdaman ko.

"Son" sabi ng kanya ina, nakatingin sa akin. "ANONG KAHIHIYAN ITO, ANAK?! GIRLFRIEND? FOR PETE'S SAKE! SHE LOOKS LIKE YOUR MOTHER!" hasik niya sa kanyang anak tsaka bumaling sa akin "At ikaw? Hindi ka na nahiya?! Pumatol ka pa talaga sa anak ko?! Anak kung ilang dekada ang agwat sayo?!" Nanggagalaiti sa galit niyang sigaw

Ngunit wala akong nagawa ni hindi ko kayang depensahan ang sarili ko, dahil sa nakikita ko ngayon? Mali ang nagawa ko. Tumayo ako at humarap sa kanilang mag-ina

"Aalis na po ako, paumanhin at nasira ko ang inyong araw" sinserong sabi ko ngunit pinigilan ako ni Justin

"Mom-- You love me right?! Then please! Respect my decision! Since this girl right in front of you! Is the girl whom I WANT to spend my whole life with!" si justin habang hawak- hawak ang aking kamay.

HULING KANTAOù les histoires vivent. Découvrez maintenant