Kabanata 3

17K 643 278
                                    

Kabanata 3:
Manager

Khalil Zaldariaga delete his nickname. Khalil Zaldariaga delete your nickname.

Napanguso ako sa bumungad sa akin pagkauwi ko sa dorm. Hindi masyadong mabigat ang nangyari sa unang araw ng school. Sinusuyod ko ang bawat lugar na madadaanan ko pero hindi ko nakita si Khalil. Kahit na dumaan muli ako doon sa silid nila ay hindi ko na siya muling nakita. Ibang seksiyon na ang naroon. Napanguso ako. Tapos ito pa ang bubungad sa akin.

Mukhang hindi pa tapos ang klase ni Raycel. Pagkabukas ko ng dorm ay si Amara lang ang nakita ko na may sinusulat sa kuwaderno. We made a three seconds eye contact and she immediately tore off her gaze on me.

"Hi." bati ko sa kanya habang naglalakad patungo sa kama ko pero hindi siya nagsalita. Nilapag ko ang bag sa upuan na nasa side table. Hindi ko na rin naman pinilit na kausapin pa siya at bumagsak na ako sa kama. Mukhang hindi pa rin siguro tapos ang klase ni Therese.  Huminga ako ng malalim at nag-tipa muna ng mensahe kay Khalil bago ako magbihis.

Suli Hallarces: :'(

Suli Hallarces: Bakit mo binura?

Suli Hallarces: Ayaw mo ba?

Nagulat ako ng makitang online na ang icon niya. Napakagat labi ako.

Khalil Zaldariaga: You're not my baby so don't put it as your nickname.

Suli Hallarces: Aw. Gusto mo ba totohanin natin?

Khalil Zaldariaga: What the hell!

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang paghagikhik pero may mga ilan na kumawala. Napansin kong sumulyap sa puwesto ko si Amara. Nahiya ako na baka nag-aaral pala siya at mukhang maiisturbo ko sa ingay ko. Kaya tumalikod ako at tinakpan ang bibig ng unan.

Suli Hallarces: You home?

Hindi siya nagreply sa chat na iyon. Napanguso muli ako at huminga ng malalim.

Suli Hallarces: What strand are you in?

Suli Hallarces: Or you have a basketball practice after class?

Khalil Zaldariaga: Why are you asking?

Suli Hallarces: You may not answer all of them if you don't want. :-)

Khalil Zaldariaga: I told you I have a girlfriend.

Psh, gagawin niya na naman palusot 'to. The one he's calling girlfriend is not even existing. Hindi naman gagana ang ganyan sa akin!

Suli Hallarces: Sobrang gwapo mo, deserve mo ng dalawang girlfriend.

Pigil ang hagikhik ko ng makita niya na ang message ko. Nakakahiya kung makakaisturbo ko pa si Amara. Hindi siya nagreply hanggang sa mag offline na lang siya. Napanguso ako pero sumisilay ang ngisi sa akin.

Suli Hallarces: Just kidding.

Iyong huling banat ko kahit naseen, hindi masakit. Pakiramdam ko hindi ako talo at siya ang dehado kapag hindi nagreply. Iniwan ko na muna ang phone para makapagpalit sa suot ko pang uniform. Alas tres na ng tignan ko ang orasan. Gusto ko sanang gumawa ng kahit anong meryenda para sa aming apat. Naisip ko na sandwich na lang since marami pang bread sa stock namin.

"Uh, tatanong ko lang sana kung gusto mo ng sandwich as a snack?" tanong ko kay Amara. Dinahan dahan ko iyon dahil baka mamaya ay mawala siya sa konsentrasyon sa inaaral niya. Mukhang busy ang strand na napili niya. May ginagawa na agad sila kahit first day of school pa lang.

Bumaling siya sa akin gamit ang seryosong mga mata.

"I'm fine." she said coldly and she turned her attention back to her notebook.

When A Heroine Has Fallen (Zaldariaga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon