Kabanata 24

12.8K 406 91
                                    

Kabanata 24:
Obliged

"Yes I'm the heroine pero bakit inaako mo sa akin lahat? You're still the father here! Bakit sa akin mo pinapasa ang responsibilidad? Are you really my father? You should thinking of a way to get money, pero anong naisip mo ipagkanulo ako sa isang kasal? I can't believe you!" I spat at Papa. Nabitawan ko na si Soren dahil natatakot ako na baka humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya.

Hindi ko alam kung mas mabuti pang narito si Papa. I need his moral support. Ang dami nang nangyayari sa akin pero ang lagi niyang ginagawa ay ang dagdagan at dagdagan iyon. Halos hindi na ako makalakad sa bigat na nasa balikat ko.

"Masuwerte ka pa nga na pumayag siya na mapagkasundo sayo kahit na ganito ang estado natin!" he countered.

"Muntik na akong maniwala na nagbago ka na Pa! Pero sa ginagawa mo ngayon? Gusto kong pagsisihan iyon. You never change! You're still the evil man that Mama married! I hate you!" I yelled and I gasped when his huge hand landed on my cheeks.

My mind went black for minutes.

My vision spin a bit and I hold the side of the bed. Muntik na akong matumba sa ginawa niya. I gasped. Ramdam ko ang hapdi sa pisngi ko at nalalasahan ko rin ang pait sa labi ko. Tumawa ako ng pagak.

"How dare you raised my voice to me! Ama mo pa rin ako! Wala kang utang na loob!"

"Utang na loob?" napamaang ako. "Sa tingin niyo meron pa ako noon sa lahat ng nagawa niyo sa amin? Akala ko huminto ka na noon pero ito ka na naman ngayon! Hindi mo ako mapipilit na ipakasal kay Joaquim. Hahanap ako ng ibang paraan!"

"Ano? Lalapit ka sa Zaldariaga na iyon! Hinding hindi ko matatanggap ang lalaki na 'yon para sayo! Gagawin ko ang lahat para hindi maging kayo! Sinusumpa ko!"

"Bakit Papa?! Ano namang pakulo mo 'to? Mahal ko si Khalil at wala kang magagawa para pigilan kami!" sigaw ko. Nakalimutan ko na ang kapatid kong natutulog.

"Because that man's fucking father is your mother's first love! His father is the man who Seira truly loves!" my eyes widen in complete shock. His voice thundered through dimensions. Na naalimpungatan si Pancho at kinusot ang mga mata.

"W-What?" nanginig ang tinig ko. Hindi makapaniwala sa siniwalat niya. My whole world shake on that. I can't even really absorb it.

"Hindi ko hahayang maging kayo ng anak ng Kyiel na iyon! Hinding hindi ako matatahimik hangga't hindi nalalayo sa iyo ang anak niya! Hindi kayo magkakatuluyan!" banta ni Papa at tumalim ang tingin ko sa kanya.

Realization dawned on me and it was like I was enlightened. Naiintindihan ko na, kaya ganoon na lang ang gulat ng ama ni Khalil nang unang beses na makita ako sa bahay nila. He was shock because he thought I was Mama!

I inherent all my features to my mother kaya siguro akala niya ako si Mama pero nang mapagtanto na hindi, he recognized me as Seira's daughter!

But then Khalil's father didn't say anything!

I sucked a breath harshly.

Magkamukhang magkamukha kami ni Mama. When I saw her teen pictures, I was in awe and chills run down my spine. I feel like I'm looking at my old photo. We have the same skin complexion before. It's also like a milk. But she was pale when she was diagnosed on Leukemia.

Bukod roon ang tanging kaibahan niya lang sa akin ay ang kulay itim sa ilalim ng mga mata niya at ang katawan niya na sobrang payat dahil sa sobrang pagtratrabaho at puyat para sa amin noong mga panahon na wala si Papa at nasa iba niyang babae.

I can't believe this!

"You're not my father anymore if you try to do that!" I threatened too. Nanlalabo ang mata ko dahil sa pag-agos ng luha.

When A Heroine Has Fallen (Zaldariaga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon