We're now allowed to join clubs, kaya sa unang linggo ng pasukan iyon ang pinagkaabalahan namin ni Marvi. We are allowed to join maximum of three clubs, but on situations like this conflict of schedules is the common problem.
It's a five-day event. After class, all clubs are open for members. Although some are subject to availability of slots, and your slot will depend if you pass the audition.
"Ano bang sasalihan mo?" I asked Vi. Kanina pa kami naglalakad sa school quadrangle pero hindi pa nakakapagpalista sa kahit anong club.
"Naghahanap nga ako ng club na walang audition!" She answered while looking at a booth in front of us.
"Sipnayan? Ayaw mo?" Dahil academic clubs naman ang madalas na walang auditions
"Tss. Bobo ako sa math!"
"Kaya nga! Join the club para matulungan ka nila." I laughed.
"Tss. Nerds ang mga sumasali do'n. You know? Those mathematicians who plays rubik's cubes and sudoku." She complained. Kaya nagdududa na ako sa totoong hanap n'ya sa club na gustong salihan
"Gago ka. Club na madaming gwapo ang totoong hanap mo, 'no?" Pinaningkitan ko s'ya ng mata.
"Hahahahaha! Pa'no ka gaganahang umattend ng club meetings kung walang gwapo?" She laughed. Aminado.
"E 'di humanap ka ng booth na may gwapong senior tapos palista ka na! Gusto ko ng umuwi." Sinabi ko iyon saka luminga-linga na rin para maghanap ng booth na may gwapo at nang makauwi na kami!
"Huh? Wala ka pang sasalihan?" Lito n'yang tanong. Napatigil pa sa paglalakad.
"Hindi pa ako nakakapag decide. Bukas siguro." I answered. Naghahanap pa rin ng booth na may gwapo para sa kan'ya.
"Join the music club! Para makatambay ako sa inyo tuwing may club meetings kayo. Isa pa, you want to learn drums, 'di ba? The school band can help you!" My dear friend who's obviously up for something negotiated.
"At bakit ka naman tatambay sa club meetings namin?" Tanong ko. Nagtataray na.
"Nando'n si Rael! Doon ko nga sana gusto kaya lang may auditions!" Ngumuso s'ya. Tss. Who would want to join a club because of a guy? Oh god.
"Doon ka na lang kaya sa club nila Diego? You play volleyball, papasa ka sa try outs." I suggested.
Nanlaki ang mata n'ya at napahawak sa balikat ko. "Sports club! Madaming gwapo do'n! Ang galing mo, Faerie Elysia!" Pagkatapos ay kiladkad n'ya na ako papunta sa kung saan nakapwesto ang booth ng sports club.
Hindi pa man nakakalapit ay natanaw ko na si Diego, wearing his maroon jersey uniform while holding a basketball. They always do that, ibabalandra sa booth ang magaganda at gwapong club members. Mabenta kapag naka costume pa.
Nang masulyapan n'ya kami ay lumaki agad ang ngiti n'ya. He dribbled the ball and then walked towards us.
"Hey hey hey! Nakikita ko na ang future face of the club." He said it using a very weird tone. This guy, really.
"Ako ang sasali, Deigo. Leche ka." Marvi spoked. Tumawa ako at inalis ang pagkakaakbay ni Deigo sa balikat ko.
"Ay? Ikaw lang? What about, Faerie?" Pagkatapos ay inakbayan n'ya ako ulit. Iritado na, muli kong inalis ang braso n'ya.
"Stop it! You're sweaty." Reklamo ko.
Marvi ignored us. Umiiling s'yang dumiretso sa desk kung saan magpapalista.
![](https://img.wattpad.com/cover/205832030-288-k527127.jpg)
BINABASA MO ANG
Point of Safe Return (Crossroads Series #1)
Teen FictionFaerie Elysia had it all figured out: school, self-love, talent, family, friendship, career, and love. She already thought through how she wanted her days to go and mapped out how she wanted to build a career of her own. She knew what she wanted, h...