Kabanata 1

174 15 22
                                    

“Spanky!” Tawag ko sa aso saka tumakbo habang tumatawa.

Nagtago ako sa likod ng punong mangga at sinilip ang asong kumakawag ang buntot habang may hinahanap. Nakita nito kung nasaan ako ngunit tumahol lang at hindi lumapit. Akma akong lalapit sa kinaroroonan ng aso nang marinig ko ang sigaw ni Lola.

“Faerie, ‘wag ka ng magpawis dahil madudungisan ang toga mo!” Sumimangot ako at nilagpasan ang aso, dumiretso sa balkonahe ng bahay. Hindi ako magpapawis kung hindi s’ya mabagal mag-ayos. Psh. Pumasok ako’t naupo sa sala, pinanood na maglagay ng pulbo ang matanda.

“Dapat ay hindi ka na naglalaro dahil g-graduate ka na! Hayskul ka na kaya!” I made a face but was so shocked to see my grandmother looking at my reflection in the mirror.

Agad akong tumakbo palabas ng bahay at narinig nanaman ang nakaririnding sigaw ni Lola. Sa loob ng isang araw, hindi na ata mabilang sa daliri kung ilang beses n’yang isigaw ang pangalan ko.

“Faerie! Aba’t sutil ka talaga! Hindi ka na dapat nangyuyuga-yuga dahil dalaga ka na! Wag kang isip bata ha!” Aba! Paanong ‘wag akong isip bata eh bata pa naman talaga ako!? Ang tagal naman kasi naming umalis. Bored na bored na ako. Siguradong kanina pa nasa school ang mga classmates ko habang ako, nandito pa rin at nakikipaglaro sa aso.

“Bakit ka nakaupo d’yan sa hagdan?! Tumayo ka’t madudumihan ang toga mo!” Umirap ako’t tumayo.

Mahal na mahal ko talaga si Lola, lalo na kapag tulog s’ya. Haaay. Pinagpag ko ang duming kumapit sa suot na toga at sumunod palabas ng bakuran kay Lola. Siguradong sa may Plaza nag-aabang si Uncle Nardo, sa tricycle n’ya kami sasakay. Pagdating ng school ay dali-dali kong hinanap ang pila ng aming klase. Nang matanaw si Marvi ay pumunta na ako sa pwesto nila’t iniwan si Lola na nakikipagchismisan pa sa ilang kakilala.

“Bakit ang tagal mo? Malapit ng magmartsa!” Bungad ng kaibigan. Hinawi ko ang buhok ko at nilingon si Lola na papunta na rin sa pwesto namin.

“Si Lola ang matagal, hindi ako.” Tiningnan n’ya ako nang may nanliliit na mata. Tila hindi makapaniwala sa sagot ko.

“Tsaka bakit ba nagtatanong ka pa? Kailan ba kami dumating nang maaga?” Mahaba kong dagdag. Hindi early bird si Lola, pero hindi din naman late.

“Sila Marvi kasi isang oras atang tumunganga rito. Excited masyado.” Nang-aasar na baling sa 'min ni Saldrin. Tumawa ako’t nilingon si Marvi.

“Kaya pala.....” Nambibitin kong sabi. Tumatango-tango pa. Pakaba lang.

“Ano?!” Mataray n’yang tanong.

Pikon.

“Kaya pala hulas na ‘yang make-up mo.” Seryoso kong sagot. Ninanamnam ang unti-unti n’yang pagsimangot.

Pikon talaga.

“Hahahahaha! Bawal ang pikon! Kapag nag-away tayo ngayon, magha-high school kang mag-isa. Gusto mo yon? Ha? Gusto mo yon?” Sapaw ni Saldrin. Nang-asar pa lalo.

“Tse! Nagfade na ba talaga? Pahiram salamin dali!” Nag-iinarteng ani ni Marvi. Psh. Akala mo talaga. Arte, wala pa namang dede.

“Wala akong salamin. Wala akong kahit anong dal----” Naputol ang sasabihin ko nang marinig ang tugtog para sa martsa.

“Wag ka ng maarte start na!” Bulong ni Saldrin kay Marvi at umayos ng pila.

Nilingon ko si Lola nang kalabitin n’ya ako para kabitan ng pin ang toga. Sumilip ako sa unahan at pinanood mag martsa ang mga guro. Muli lang akong umayos nang tayo noong kami na ang susunod. Nagmartsa kami kasama ang magulang at humihinto lang saglit para makuhanan ng litrato. We remained standing until the last student finished the march. No one dared to talk when we reached our designated places. Everyone’s attention is in the program.

Point of Safe Return (Crossroads Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon