Kabanata 14

52 5 0
                                    


After that humiliation, I went straight home. Sa sobrang sama ng loob ay hindi na ako nakapunta sa gym para magpaalam kay Marvi. Sabay dapat kaming uuwi.

I left her a message bago mag-abang ng masasakyan. I am in so much rage because of Rael. I know it's my fault that I am late, but he doesn't have to do that... and go that far! And it's not just me having a crush on him! I'm not even heartbroken! It was my ego that's hurt. Tangina n'ya.

I felt like a bomb that finally exploded. Pagkatapos balewalain ang lahat, he's treatment and attitude towards me since that summer, and now that I am in eighth grade, punong-puno na ako.

If he's an asshole to me, I can be an asshole to him, too! Sirang-sira ang buong araw ko. I did not even use my phone the rest of the night.

"Ano ba't nakabusangot ka r'yan?" Lola asked in the middle of our dinner.

"I'm not in the mood." Umirap ako.

"Oo! At pag ako ang nawala sa mood wala kang makikitang pagkain d'yan!" She answered in sarcasm.

Hindi na ako sumagot pa at umirap nalang. I am seriously not in the mood. Tingin ko nga rin ay buong taon ko na ang sira.

On monday, pumasok akong busangot pa rin ang mukha. I swear to all the gods, if Roxanne start me with her bullshits this early, wala na akong sasabihin at susuntukin ko nalang s'ya.

I walk past the hallway where the bulletin board for announcements are, madaming tao ang nagsisiksikan. Kunot noo akong tumayo sa likod at pilit tinatanaw ang announcement.

Clubs to ah? Ang bilis naman?

But as much as I want to see whether I passed the auditions for the dance club, wala ako sa mood para makipagsiksikan kaya dumeretso na ako sa classroom. Mamaya ko nalang titignan.

"Huy!" Salubong sa 'kin ni Marvi papasok ng classroom. "Sinigawan ka daw ni Rael no'ng audition?"

And me remembering how pissed and humiliated I was last Friday, tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko s'ya.

"Sinong may sabi n'yan?" Kunot noo kong tanong.

"Narinig ko lang. Pinag-uusapan nila Rox. Totoo ba? Nag-away kayo?" Sunod-sunod n'ya pa ring tanong, nakasunod papunta sa pwesto ko.

I looked towards Roxanne and her friends, nang lingunin n'ya ako ay agad ko s'yang inirapan.

Bumuntong hininga ako.

"Hindi. Pinagsabihan lang dahil late ako." Naupo na ako at nagsalpak ng earphones sa tenga.

I don't want to socialize much today dahil badtrip pa rin talaga ako. Titignan ko nalang kung nakapasok akong dance club, tapos ay uuwi na at mag-aaral sa bahay.

Just the usual discussion inside our class, ilang oras lang ay lunch break na. I went to the canteen with Marvi, walang ganang kumain kaya snacks lang ang binili. But Marvi needs to eat properly because she have trainings after class, kaya pumwesto pa rin kami at sinabayan ko s'ya.

We we're having our peaceful lunch when we overheard a group of girls talking.

"Si Faerie hindi nag-audition pero pasok ng music club?"

"Di ba pinagalitan 'yon ni Rael?"

"Unfair 'yon sa mga on time na nga dumating, nakapag audition pa. Ang alam ko kasi umalis na s'ya pagkatapos pagsabihan ni Stefanca, eh."

Nagkatinginan kami ni Marvi. Kunot ang noo n'ya at padabog kong inilapag ang kinakain ko.

Padabog ulit akong tumayo at naglakad papunta sa bulletin board. I checked the club announcements and looked for the Dance Club.

Point of Safe Return (Crossroads Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon