Kabanata 9

37 6 0
                                    

"Lola..." I called my grandmother softly, tulala sa pagkaing nasa harapan.

Hindi naman sumagot ang matanda at nilingon lang ako, nakataas ang dalawang kilay.

"Mag s-swimming po kami ngayon. Celebration po sa pagkapanalo." I think I've grown so much, or maybe somehow. Nagpapaalam na ngayon samantalang noon ay biglang nawawala nang walang pasabi, laging tumatakas at kinukonsumi si Lola.

"Nasabi na ng Ninong mo." Tumango s'ya bago humigop ng kape. Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita na ulit s'ya, hawak pa rin ang tasa pero pinanliliitan ako ng mata. "Maligo ka muna! Hindi porket swimming ang agenda n'yo eh hindi ka maliligo bago gumayak!"

"Yuck! Maliligo ako, Lola!" Maarte kong sagot. Inilingan lang ako ni Lola at nagpatuloy sa pagkain.

Today, I woke up feeling gloomy. But I feel like the reason is petty and I'm just over thinking.

Tingin ko talaga ay iniiwasan ako ni Raja. After a month of hanging out almost everyday, paano nangyaring bigla nalang akong walang balita sa kan'ya? Isn't it strange and unusual that I haven't heard anything from him for the past eight days?

I sighed thinking about it. I'd rather enjoy this outing and stop over thinking.

While preparing my essentials for the outing, Chayen entered my room, bitbit ang tumbler na s'ya ring dala n'ya sa kompetisyon kahapon.

"Magbaon ka raw ng tubig, Fae."

I nodded and accepted the tumbler.

"Gusto mong sumama?" Nakangiti kong tanong. She's been working for us for almost two years now. Tuwing summer lang, pero kapag may eskwela ay dumadalaw pa rin s'ya para tulungan at kamustahin si Lola.

"Hindi na. Sasamahan ko pa si Lola sa bukid, kailangan ulit naming magpatubig."

"You're always working, Yen. Minsan ay kailangan mo ring gumala. Magpapasukan na kaya." Today is the first day of June at sa makalawa ay pasukan na. She should chill out, kahit bago man lang magsimula ang klase.

"Gagala, Fae, kapag may pasok na. Hindi taga rito ang mga kaibigan ko." Mahinhin n'yang sabi. Nakaambang lumabas ng silid ko kaya inirapan ko nalang.

"Psh. That's why you should make friends here." Sinabi ko iyon habang sumesenyas na umalis na s'ya gamit ang kamay ko, dismissing her. Chayen, on the other hand, just chuckled on my remark. Umirap na ako bago pa s'ya mawala sa paningin ko.

Kapitan, my Ninong, volunteered to take us to the resort. May malaki s'yang kuliglig- an improvised vehicle composed of two-wheeled tractor on front and two-wheeled trailer at the end. It is an open vehicle kaya maingay, pero ayos din dahil langhap ang sariwang hangin ng probinsya.

Eight ang call time namin para sa outing ngayong araw. Heading my way to the main road, hindi ko pa man nararating ang kanto ng lugar namin ay rinig ko na ang malakas na tawanan. Nakangiti akong nagpatuloy sa paglalakad.

Unang susunduin ni Kapitan 'yong mga nakatira sa bandang dulo ng barangay, sunod ay ang mga nasa bandang school dahil nasa gitna iyon, pagkatapos ay kaming mga nakatira rito sa bungad. Kaya narito kami sa malaking waiting shed, maingay na naghihintay.

"Oy andito na si Faerie!" My co-dancers announced.

"Good morning!" I greeted them to help my mood light up. I should enjoy today.

Marvi was already there but I was so shocked to see the man beside her. Sabit na naman sa outing.

"Hoy Diego! Hindi ka kasama sa premyo ha?! Anong ginagawa mo rito?" Nang-aasar kong tanong, nakapamewang sa harap n'ya.

Point of Safe Return (Crossroads Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon