"Bibili na tayo ng gamit mo sa school pagkatapos ng laban n'yo ng Festival Dance." Ani ni lola habang nagmemeryenda kami sa balkonahe.
"Po? Bakit? Hindi sila mommy ang bibili?" Nalilito kong tanong.
Madalas kasi ay sila mommy talaga ang bumibili ng mga kakailanganin ko sa school at ipinapadala nalang. Hindi ko kasi gusto iyong mga nasa bayan dahil puro mukha ng artista. Kaya sa Maynila pa talaga galing ang mga gamit ko.
"First time mo daw sa high school kaya gusto nilang ikaw naman ang mamili ng mga gamit na gusto mo. Pupunta nalang tayong SM dahil doon may National Bookstore." Mahabang paliwanag ng matanda.
Tumango lang ako't hindi na sumagot dahil ayos lang naman at wala na akong iba pang sasabihin.
Ala una pa lang pero nagmemeryenda na kami dahil alas tres mamaya ang ensayo. Sakto lang para makapagpahinga ako nang saglit bago gumayak. May libre namang meryenda at hapunan tuwing praktis kaya kung tutuusin, wala ng dapat problemahin.
Hindi na ako nag-abalang magtawag kay Marvi dahil natanaw ko agad s'yang palabas ng gate nila. Kinawayan n'ya ako't naglakad na papunta sa akin.
Sa aming tatlong magkakaibigan, mas close talaga kami ni Marvi dahil magkalapit ang bahay namin. Magkalaro din kami mula pa noong bata. Hindi katulad ni Saldrin na halos sa eskwela lang talaga namin nakakasama, hindi naman iyon dumadayo sa gawi namin dahil medyo malayo at madilim kapag ginabi na. Ang alam ko ay wala rin s'yang ibang kasa-kasama sa lugar nila dahil hindi naman iyon pala labas ng bahay at karamihan ng mga babae doon ay kalaro ni Roxanne.
"Hindi ba't kapag niregla ay dalaga na?" Tanong n'ya habang naglalakad.
Parang tanga lang, ewan ko ba. Hindi rin naman ako nag-abalang sumagot pa.
"Tingin mo papayagan na tayong mag boyfriend?" Dagdag pa n'ya.
Nilingon ko s'ya nang hindi makapaniwala. Parang tanga kasi.
"Kung ako, tingin ko naman papayagan ako. Pero kung ikaw, ewan ko lang kung papayagan ka." Sagot ko na kunwari ay seryoso. Ewan ko ba dito kay Marvi, parang gago.
"Ha? Bakit naman hindi ako papayagan?" Nalilito n'yang tanong.
"Eh kasi wala pa namang malalamas sa 'yo. Anong gagawin n'yo ng boyfriend mo?" Sagot ko pagkatapos ay humagalpak ako nang tawa.
"Hoy! Gago ka! Ang dumi-dumi mo, Faerie Elysia!" Gulat na gulat n'yang sabi. Namumula pa ang gaga.
"Anong madumi do'n? Nagsabi lang ng totoo, madumi na?" Humagalpak ulit ako't tuluyan nang napahawak sa tiyan. Hirap na hirap magpigil ng tawa.
Ngunit napawi rin ang kanina'y hindi mapigilang tawa nang matanaw ko ang pamilyar na motor at pamilyar na pigura ng katawan. Nang masiguro ko kung sino iyon ay agad kong binawi ang tingin at nagpatuloy sa paglalakad na parang wala lang. Hindi rin nagtagal ay naabutan kami nito at bumusina. Huminto kami sa paglalakad dahil huminto ang motor sa aming tapat.
Mayabang.
Inaalog-alog ako ng aking kasama. Kumurot pa ng isa pagkatapos ay bumulong ng "Si Rael!"
Gusto ko s'yang sabunutan at sagutin ng "Alam ko! Nakikita ko! May mata rin ako at magkasama tayo!" pero hindi na ako nag-abala pa. Hindi magandang tignan na sa tuwing dumadating s'ya ay nag-iiba ang aking timpla.
"Papunta kayong plaza? Sabay na kayo." Nakangiti n'yang tanong. Iyon lang naman ang sinabi n'ya pero bakit para sa akin, ang yabang-yabang ng dating?
"Hala? Nakakahiya naman..." Pabebeng ani ni Marvi. Kunwari pa. Umirap ako't hinatak s'ya para makaangkas na. "H-huy! Sasabay ba talaga tayo?" Habol n'yang hindi makapaniwala.
![](https://img.wattpad.com/cover/205832030-288-k527127.jpg)
BINABASA MO ANG
Point of Safe Return (Crossroads Series #1)
Teen FictionFaerie Elysia had it all figured out: school, self-love, talent, family, friendship, career, and love. She already thought through how she wanted her days to go and mapped out how she wanted to build a career of her own. She knew what she wanted, h...