Summer after grade school has been peaceful. Bihira akong sigawan ni Lola. Siguro ay dahil busy din sa practice at hindi na talaga ako lumalabas ng bahay para makipaglaro. Hindi n'ya na ako kailangang sunduin kung saan-saan nang may dalang pamalo. I chuckled at my thought.
Walang rehearsal ngayon at si Spanky lang ang kasama ko rito sa bahay. Nilingon ko ang asong lawit ang dilang nakatingala sa aming gate. Nasa bukid sina Lola, kasama si Chayen. Summer kasi at kailangan magpatubig para sa mga tanim. Irigasyon ang isa sa problema rito. May mga makina lang kasi kami para sa patubig, ikinakabit iyon sa mga poso na halos pinaglumaan na ng panahon. Minsan ay wala ng nasisipsip galing sa mga iyon, lalo na kapag ganitong tag-tuyot.
Sa sobrang pagkabagot ay nagtungo akong ilog, sa may likod ng bahay. Ilang Linggo rin akong hindi nagpunta rito. Busy sa ensayo.
Sa isang buwan na lumipas, natuyo rin ang ilog. Wala ng tubig. Puro tuyong dahon lang ang nakikita ko at ilang mga shells ng hindi ko kilalang species. Tahong lang ata ang alam ko sa mga 'yon. Nagpadausdos ako pababa at saka pinagpag ang puwitan ng suot kong sport shorts. Matagal-tagal na rin simula no'ng huli akong nabutasan ng shorts, lagot na naman ako kay lola kung sakali.
Naglakad ako sa tuyong ilog at tinungo ang tulay. Ilang sandali pa, I heard a strum of guitar. May tao sa tulay?
Nagmadali ako upang makumpirma ang narinig. But the moment I saw who's sitting on the bridge while playing a guitar, wearing a black t-shirt, dark blue maong pants and a boots, I wanted to back out. Ngunit dahil sa mga tuyong dahon ay napalingon agad s'ya sa langitngit ng una kong hakbang paatras. Kita ang gulat sa kan'yang mga mata ngunit nang makabawi ay itinabi rin ang gitara, saka ako muling nilingon.
"Hey..." Nakangiti n'yang bati.
Tumango lang ako at dumeretso ng lakad. Patungo sa kinaroroonan n'ya. Kaya lang ay nasa tulay s'ya samantalang nasa ibaba ako, kailangan kong umakyat.
Buti nalang din at hindi ako naka bestida. Kaya lang ay madulas paakyat dahil sa lumot, wala namang hagdan pa akyat ng tulay. May semeto lang na naka pa-slant at 'yon ang madalas naming dinadaanan paakyat at pababa, lalo na tuwing naliligo sa ilog.
"Shit!" Malutong akong napamura nang mapigtas ang tsenelas dahil muling nadulas. Mabuti nalang at napakapit na ako sa tulay.
"Damn. Be careful." Nilingon ko ang kamay na humawak sa aking braso, tinutulungan akong makaakyat.
Agad akong naupo para matingnan ang tuhod. Hindi na ako nagulat nang makita ang sugat doon dahil nararamdaman ko ng mahapdi kanina.
"Let's get you home now. Shit. Nasugat ka." Raja said worriedly but I just rolled my eyes, OA.
Lumingon ako sa paligid at tumayo nang makita ang puno ng bayabas sa kabilang dulo ng tulay. Raja stalked behind me. Nang marating ang dulo ay nagdahan-dahan ako. Hindi na iyon sementado at isang tsinelas lang ang suot ko dahil napigtas ang kapares. Baka mabubog ako.
Pumitas ako ng dahon at hinipan iyon. Ilang beses ko pang pinagpag para matanggal ang dumi, saka ko isinubo at nginuya.
"What the fuck?! Bakit mo kinakain 'yang dahon?" Muntik na akong mabulunan ng dahon ng bayabas nang marinig iyon kay Raja. Umubo pa ako nang kaunti saka iyon inulawa.
Kunot noo kong nilingon ang lalaking nasa gilid ko. "Ano? Rich kid. Psh." I murmured.
Naupo ako sa dulo ng tulay at marahang itinapal ang nginuyang dahon ng bayabas sa sugat na nasa tuhod.
"Is that even safe?" Makulit na namang tanong ni Raja.
"Kulit mo. Palibhasa laking betadine ka eh." Sinabi ko iyon nang hindi s'ya nililingon. Nasa sugat pa rin ang buong atensyon.
BINABASA MO ANG
Point of Safe Return (Crossroads Series #1)
Teen FictionFaerie Elysia had it all figured out: school, self-love, talent, family, friendship, career, and love. She already thought through how she wanted her days to go and mapped out how she wanted to build a career of her own. She knew what she wanted, h...