Isang malakas na hampas ng alon at napakalamig na hangin ang pumukaw sa halos patay ko nang katawan. Nahihirapan akong tumayo, puno ng sugat ang aking katawan. Di ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko na lamang ay nasa dalampasigan ako at pilit kinakaya ang sakit na nararamdaman mula sa mga sugat na nasa katawan ko. Pumapatak ang mga luha sa aking mga mata, hindi ko alam kung bakit. Di ko alam ang nangyari, Di ko alam kung bakit ako basang basang ngayon at giniginaw. Pinilit kong tumayo upang maghanap ng tulong.Hussien's POV...
Jake!, halika kana! mapapagalitan tayo ni tatay sa ginagawa mo!- pasigaw kong tawag sa bunso kong kapatid. "kuya, nasayo na ba ang lambat?"- tanong nito. "oo, wag ka nang marami pang sinasabi jan! basta, sumunod kana lang."
'Ako si Hussien Jin Riego (Hyu-shen),24 years old, nakapagtapos ako at isa nang marino pero di ako makapag-barko kasi walang katulong ang aking ama sa pangingisda. Pinili ko na lang na tulungan sya upang di na ito mahirapan sa pagtatrabaho. Simple lang ang buhay namin, maagang nawala ang aking ina kaya walang nang pwede pang magbantay sa dalawa ko pang natitirang kapatid.
Malapit na kami sa bangka ng biglang sumigaw si itay, "Jinnn... halika!"-pasigaw nitong tawag sakin.(Jin kasi ang tawag nila sakin sa lugar namin). Habang papalapit kami kay itay, naaaninag ko na ang mukha ng kasama nito. Isang napaka-puting babae, mukhang mayaman pero mukhang hinang-hina at puno ng sugat ang katawan nito.
"Tay, sino po sya?"-mabilis na tanong ni bunso. "Ah, ehhh... hindi ko rin alam eh. tinatanong ko pero hindi makasagot"-sagot nito.
"Kuya, tulungan mo! namatay na ata."-sambit ni Jake nang bigla itong natumba... 'Habang binubuhat ko sya, mas nasilayan ko yong mukha nito. Ang kinis ng mukha, matangos ang ilong at masasabi mo talagang napaka-ganda at halatang galing sa marangyang buhay'. Nagtataka man, pero pinili ko parin tong dinala sa bahay upang gamutin.
Binuhat ko lang ito kasi wala namang sasakyan sa lugar namin. Pagdating sa bahay, tinawag ko si Jane(kapatid ko) upang kumuha ng warm na tubig upang ipang-linis sa mabuhangin nitong katawan. Dahan dahan lang ang pagpunas ko sa katawan nito, baka kasi magasgasan at magbayad pa ako. Si Jane na ang nagbihis sa kanya. Pinahiram ko na lamang sya ng t-shirt ko at mukha namang bagay sa kanya, sa totoo lang kahit ano naman siguro ang suot nito maganda parin...Kumakain kami at nagtatawanan nang magising ito na may halong pagtataka sa maamo nitong mukha. "Ate, gising kana pala!"- sabi ng makulit naming bunso. "Ate?"- pagtataka nitong tanong... "Ahh, Eh... nakita kasi kitang hinang-hina sa baybay kaya dinala ka muna namin dito para makapagpahinga ka."- pagpapaliwanag ni itay...
"Ahm, kumain ka kaya muna." -pagputol ko sa usapan nila. " Dito kana maupo"-mabilis ko pang pagtugon.
Nagtataka man pero umupo ito sa tabi ko... "Di ko kasi alam kung anong kinakain mo kaya pinagluto kita ng iba"-dagdag ko pa.
Inabot ko sa kanya yong isang buong inihaw na isda, sawsawan tsaka kanin...Inabot nya naman ito tsaka nagsimulang kumain. 'Gutom na gutom talaga sya... San kaya ito galing?' -pagtatanong ko sa sarili ko.
"Kuyaaaa!"-pasigaw na tawag ni Jake. "H...hhh...ha?"-pautal-utal kong sabi, natigil ang pagkakatitig ko sa katabi ko nang marining ko ang malakas na boses nito.
"Alam mo bang kumakain din ako nyan!"-pasigaw na may halong pagtatampo na sambit nito.
"Ahhh... Eh... mamaya pagluluto kita nyan."-tugon ko sa kanya sabay tingin sa katabi ko na kasalukuyang nakatingin sakin...
Nginitian ko lang sya at ganon din ang pagtugon nito. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at piniling sa labas nalang ng bahay magmasid.
Patuloy ang tawanan nila habang nakikinig na lamang ako at si...
'Sino nga ba talaga 'to?'-pagtatanong ko sa hangin...