Hussien's POV.....Maaga kaming nakarating ng bayan pero ang awkward kasi di kami nagpapansinan. Habang naglalakad kami papunta sa mall kung saan kami mamimili, napansin kong ang likot ng ulo nito. Ang daming tinitignan, nagmumukha tuloy syang taong walang alam sa buhay syudad...
"Wooowwwww...!"-ito ang palagi nyang sinabi sa tuwing may madadaanan kaming magagandang park, fountains, bulaklak at kung ano-ano pa...
'totoo ba 'to? ngayon lang ba sya nakakita nyan? haystttttt...'-mahina kong sabi..."Mauuna na ako ah! bahala kana r!!!"-malakas kong bigkas habang ina-amoy nito yong mga bulaklak na nadaanan namin...
Pagkarinig nito, mabilis itong naglakad papunta sakin. Nakataas ang mga kilay nito na para bang may nagawa akong kasalanan sa kanya!...
Napahinga na lang ako ng malalim sa inasta nito!...'Sa mga rack ng damit ito unang pumunta... Hindi nya talaga ako pinapansin! parang wala syang kasama!... Di na ako sumunod sa kanya at hinayaan ko na lang syang mamili. Nakakainis lang kasi mas close pa silang tignan ng lalaking salesman na uma-asikaso sa kanya.
Tinitignan ko lang sya habang nakikipag-usap sa mukhang pagong na kasama nito. Ang laki pa nang ngiti nitong gago! parang ngayon lang nakakita ng magandang babae!...
Matagal tagal din silang nagpapalitan ng salita, aakalain mong nakikipag-negotiate sa isat-isa. Nang matapos itong mamili ng mga damit, lumapit ako.
Habang papalapit ako di parin sila tapos sa pinag-uusapan nila, parang pinag-uusapan na nila kung kailan sila ikakasal sa sobrang tagal nilang mag-usap at parang kilalang kilala na nila ang isat-isa...
"Okay na. Bumalik kana sa pwesto mo!!!"-inis kong sabi sa salesman na hanggang ngayon ay sumusunod parin sa babaeng nasa harapan ko. 'Agad naman itong nagpaalam kay Buhangin habang nakangiti'... Tiningnan ko naman sya at 'aba! naka-ngiti rin ito! gustong gusto nya talagang makipaglandian sa harapan ko!.
Di ko na sya pinatapos sa pagsasalita at agad ko na itong hinila para matapos na kami sa pamimili. 'naka-busangot ang mukha nito pero di ko pinansin dahil naiinis na ako sa mga oras na to!..
"Di man lang nya ginalang yong taong magbabayad sa mga pinamili nya! tsk."-sabi ko sa sarili ko.
Matagal-tagal pa akong naghintay na matapos sya sa pamimili. Ang daming luho pero walang paki-alam sakin.
Kasalukuyan kaming papunta sa counter para bayaran yong mga pinamili pero wala parin itong imik. Tiningnan ko yong mga pinamili nya, nabigla ako kasi ang konti lang nito, karamihan sa mga ito ay pang-ibaba lang....
"Parang kanina lang ang dami nyang kinuha ah! nagbago na ba ang isip nito?"-tanong ko sa sarili ko sabay tingin sa kanya. Hindi na sya masungit tingnan sa mga oras na 'to kaya natuwa ako....
Binayaran ko yong pinamili nya bago kami lumabas ng mall... Pagkatapos nito ay kumain muna kami sa pinakamalapit na fast food chain dito sa lugar namin.
"Ahmm..... nagugutom kana ba?"-mahinahon kong tanong.
"Ahhh, ehhhh...Oo ehhhh."-mahina nitong sagot habang nakangiti....
Ngumiti nalang din ako sa kanya habang 'nagtataka kung bakit ang bilis mag swing back ng ugali nito.'
Um-order ako ang sya na ang naghanap ng pwesto para sa aming dalawa... Nang matapos akong um-order ay hinanap ko sya kung saan ito nakahanap ng mauupuan namin, agad ko naman syang nakita kasi hindi naman ganon karami ang tao sa mga oras na 'to....
Nagulat ako pagka-upo ko sa pwestong nahanap nya, kasi bigla itong nagsalita... "Thank you". -maikli nitong sabi habang kinuha nito yong pagkaing para sa kanya... "Thank you ulit"-muli nitong sabi...
"Bakit parang sobra naman yong pa-thank you mo. kailangan ba dalawa?"-tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo...
"Eh, kasi yong una, para yon sa pagbayad ng mga pinamili ko. Tapos yong isa para sa panlilibre sakin ng pagkain."- sagot nito habang sinisimulan nang kumain...
"Ah, ganon ba? parang di naman kailangan kasi konti lang naman 'tong mga to?"-ani ko habang nakatingin lang sa kanya at pinapanood kung paano sya kumain.
Tumingin ito sakin at sabing... "Di naman kasi kailangan eh. Marami pa naman akong damit sa bahay nyo. Isang cabinet pa kaya yon!" -sagot nito habang puno ang bibig nito ng pagkain...
Natuwa na lang ako sa sinabi nito kaya hinayaan ko na lang sya na isiping damit nya yong mga damit ko!!!
Hapon na ng makarating kami ng bahay.Marami pa kasi kaming pinuntahan. Sinamantala ko na rin kasi yong pagkakataon para i-gala si Sandy...Pagkatapos nito bumili na rin ako ng pasalubong para sa mga makukulit kong kapatid....