Hussien's POV...Tumayo ako sa kinauupuan ko para lumabas, di ko alam kung bakit parang naiinis ako sa nakikita ko!
Bago ako makalabas ng pinto ay napansin kung sumunod si Sandy. Di ko pinansin at tuluyan na akong lumabas.
Ilang segundo lang ay narinig ko ang pag bagsak nito sa sahig! "S-s-sandy!"-pasigaw na sabi ni Yohan na agad tinulungan ito.
Mabilis akong bumalik sa loob para tingnan ang nangyari. Wala itong malay. Siguro dahil lasing na ito kaya di na kinaya.
Binuhat ko ito papunta sa kwarto ko na sinasabi nyang sa kanya. Inihiga ko saglit na pinagmasdan ang maamo nitong mukha. "Sino ka ba talaga?"-tanong ko sa sarili ko habang pinapanalanging hindi na ito umalis sa pamilya namin.
Bumalik ako sa labas at muli silang dinamayan sa pag-inom. "Okay lang ba sya?"-bungad na tanong ni Yohan na akala mo sino kung makapag-alala. "Ah, okay lang, nag papahinga na"- maikli kung sagot sa kanya sabay inom ng alak.
Mahaba yong kasiyahan, umabot na kami ng umaga dahil sa pag-iinom. Naging maingay yong buong bahay dahil sa tawanan at kalukuhan ng mga kaibigan at kapitbahay namin.
Maaga akong nagising, di ko alam kung paano natapos ang kasiyahan. Bumangon ako sa pagkakahiga sa sahig. Wala na ring tao sa loob. Pumunta ako sa cr para umihi at para narin makapag-hilamos ng mukha.
Agad kong naiisip ang kalagayan ni Sandy kaya pumunta ako sa kwarto nito. Bago ako makapasok ay narinig kong may kausap ito. Hindi ko alam kung sino kaya pumasok ako.
"Ah, okay po, wag kayong mag-alala"-narinig kong usapan nila sa cellphone ko. "S-s-sino yon?"-mabilis kong tanong sa kanya. "Ah-eh-wala! maling number daw"-matagal nitong tugon habang nauutal. "Halika ka na! kain na tayo, nagugutom na ako eh!"-masigla nitong salubong sakin habang hinila ako palabas ng kwarto. Nagtataka naman akong sumunod sa kanya.