SELOSAN!

7 3 0
                                    



Sandy's POV.....

Hapon na kami ng makauwi. Pagod na pagod ako dahil sa dami naming ginawa. Halos nilakad at nilibot namin yong buong city para lang daw may makita naman akong iba.

Pagkarating ng bahay, natulog agad ako, narinig kong may pupuntahan pa sila kaya minabuti kong di na lang sumama dahil na rin sa pagod.

Bago ako tuluyang makatulog ay narinig kong maghahanda pala sila para mamaya. Narinig ko ring birthday pala ni Jin! "Di man lang ako in-inform!? tsk!"-sabi ko sa sarili ko habang naka-taas ang kilay dahil sa pagbabaliwala nito sakin!.

"Maghapon kaming magkasama pero walang sinabi!"-dugtong ko habang tinatanong ang sarili kong ano nya ba ako?.....

Nagising ako, tiningnan ko ang orasan habang inaayos ang sarili. Dahil sa bagong gising at dahil na rin sa likot kong matulog ay gusot ang suot kong damit...

'Ang ingay!'-bulong ko habang papalabas ng kwarto...

Medyo nahihilo pa ako kaya mabagal ang paglalakad ko. Binuksan ko yong kwarto kaya bumungad sakin yong mga bisita!

Marami akong nakitang mga bago sa paningin ko, merong namang familiar sakin, siguro mga kapitbahay o kalapit baryo lamang namin ang mga ito kaya di na bago sakin yong mga mukha nila...

Nakatingin lang sila sakin siguro ay dahil sa bago lang rin ako sa paningin nila. Habang napansin kong papalapit yong lalaking kinaiinisan ko kanina...

Bago pa tuluyang makalapit ito sakin ay napansin ko yong isang familiar na mukha na kasalukuyang nakatingin sakin habang nakangiti. Parang nakita ko na sya pero di ko matandaan. Ngumiti na lamang din ako para naman kagalang-galang ang dating.

"Uy, gising kana pala!"-pambungad nito... 'tumango nalang ako bilang pagtugon sabay balik ang tingin sa lalaking hanggang ngayon ay matamis ang ngiti sa tuwing napapalingon ako sa kanya...

"Kumain kana muna"-dugtong nito sabay hila sa kamay ko papunta sa kusina, di na ako nakasagot kaya naglakad nalang at sinunod ang gusto nito....

Pagdating sa kusina ay mabilis nitong hinanda yong pagkain. Kumuha sya ng dalawang plato, kutsara at tinidor.
'nagtaka ako kung bakit dalawang set yong kinuha nya.'

"Akala ko ba, ako lang ang kakain?"-tanong ko sa kanya habang kumukuha ng pagkain.
"Ah, eh... di parin kasi ako kumakain! kaya sabay na tayo..."-aniya habang nakangiti.

"Nakuha pa talaga ngumiti!!!"-sambit ko sa sarili ko, habang nagtataka sa sarili kung bakit ganito ako maka-react.?

Napansin ko rin na namumula na ito dahil narin siguro sa alak na iniinom nila...

Habang kumakain kami ay nagmumukha akong bata dahil sa ginagawa nito sakin.

"Ito pa! masarap 'to!"-ito yong paulit-ulit nyang sinasabi habang paulit-ulit rin na ina-abot nito ang lahat ng ulam sakin.

"Okay na! tama na..."-sabi ko sabay tanggi sa binibigay nito, busog na kasi ako nang mga oras na 'to. Palapit na rin ng palapit yong mukha nya at naamoy ko na yong hininga nito. Dahil sa kalasingan kaya siguro di na nya napapansin.

Mabilis akong tumayo para kumuha at uminom ng tubig. Huminga ako ng malalim bago nagsalita....

"Matulog kana kaya, mukhang lasing ka na eh."-mabilis at mahinahon kong nasabi sa kanya...

"Aaa-koooo??? H-hin-dii ah.."-pautal-utal nitong tugon. "Sama ka sakin, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko..."-dugtong pa nito.

Sumunod ako sa kanya, Umupo ako sa tabi nito habang nakatingin sa mga taong nag kakasiyahan.

"si Sandy, sya yong kinukwento ko sa inyo."-panimula nito.

Pinagmamasdan ko lang lahat ng kasama nito. Mukha namang mababait ang mga ito kaya okay lang na makipag-kaibigan sa kanila.

Pinapakinggan ko lang si Jin habang nagkukwento ito.

Marami pa syang sinabi pero di ko na pinansin. Gusto ko na kasing pumunta ng kwarto para mapag-isa. Marami silang tanong, si Jin naman ang nagpapaliwag sa bawat pagtanong nila.

"Pupunta lang akong cr"-paalam ko sa kanya. Tumayo ako sa kina-uupuan ko para pumunta ng banyo.

Bago ako makatayo ay napansin ko yong isang babae sa harapan namin na malagkit ang tingin sa katabi ko.

'Di ko nalang pinansin at tumuloy na sa banyo.'

Naghilamos ako nang mukha ko. Inaayos ang sarili bago lumabas para bumalik.

'Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan. Yong babae kanina ay kasalukuyang nakapatong sa mga hita ni Jin habang unti-unting naglalapit ang mga mukha nilang dalawa.'

Naghihiyawan ang iba nilang kasama. "Ginawa pa talaga nilang kasiyahan yong ganyang bagay!"-mahina kong sabi habang kanina pang kinikimkim yong pagka-inis na nararamdaman.

"Ah, Ganon ah???"-sambit ko sa sarili habang papalapit sa dating inuupuan ng malanding babae na nasa harapan ko.

Sakto naman na yong lalaki kanina ang nakatabi ko.

Nakatingin ito sakin habang nakangiti. "Bakit laging nakangiwi ang mga labi nito!?"-tanong ko sa isip ko.

Inabot nito ang kanang kamay nya sabay.... "Yohan, Yohan po pangalan ko, you can call me.... Han."-sunod-sunod nitong sabi. "Di naman kasi bagay pag Yo ang itatawag mo sakin"-aniya sabay tawa ng mahina.

"Eheemmmmmmm......"-malakas na mahabang sabi ng lalaking nasa tabi ni Yohan.

Kasalukuyang nasa aming dalawa ang atensyon ng lahat kaya natuwa ako....
"Ahhhh.... ganon ba??? okay H-HANNNNN...."-malakas kong pagbigkas sabay bigay ng isang matamis na ngiti kay Yohan sabay abot ng kamay nito.

Napansin kong umalis na yong malanding babae sa kandungan ni Jin, agad ko namang nakita yong naging reaction nito. 'naka-kunot ang noo, habang masama ang tingin sakin.'

Naghihiyawan yong mga kasama namin dahil sa nangyari.

Tuwang-tuwa ako sa nasaksihan. "Akala mo ah!"-sambit ko sa sarili.

Muling bumalik ang inis ko nang makitang sinusubuan ng higad si Jin.

"Ahhhhh... mahabang sabi nito habang hawak-hawak ang snacks na ginagawang pulutan ng magkakaibigan.

Lalong tumindi ang inis ko ng tinanggap nito ang paglalanding inaalay sa kanya.

Tuwang-tuwa ito habang nakatingin at naka-killer smile sakin. Iniinis talaga ako nito.

Di naman ako nagpatalo at kumuha rin ng snacks para isubo kay Yohan. Sa mga oras na to, mas ginalingan ko...

Sunod-sunod ko syang sinubuan. Nang mapuno ang bibig nito ay pinagalitan ko.

"Ano ba yan Han?! bilisan mo naman"-paglalambing ko sa kanya sabay hawak sa balikat nito....


Napansin kong tumatayo si Jin sa kanyang inuupuan habang walang suot na reaction ang mukha nito.

Tumayo ako para sundan ito....

Tragic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon