HINALA

4 1 0
                                    


Hussien's POV....

Natapos kaming kumain na may halong pagtataka at kaba akong nararamdaman. Unti-unting nagbabago ang pakikitungo samin ni Sandy. Mas lalo silang naging close ng mga kapatid ko, lagi silang nag kukwentuhan at nagtatawanan. Marami na rin syang tanong sakin, mas lalong naging interesado ito sa buhay ko at pamilyo ko. Pakiramdam ko nga ay nagbago ito ng pagkatao.

Masaya ako para sa kanya pero may halong kaba na baka maalala na nya ang lahat....

Agad akong naligo pagkatapos kumain. Nagbihis at inayos lahat ang mga dadalhin ko papuntang bayan... Cellphone pera at mga requirements para sa pagbabarko ko...

Napag-desisyunan ko nang mag barko. Di na kasi kayang tustusan ng pangingisda ang mga gastusin sa pag-aaral ng mga kapatid ko at gastusin sa bahay. Tutal, nandito naman si Sandy para sa kanila....

Hindi pa ako nakakalayo sa bahay nang tumunog ang phone ko. "Okay ka lang po ba? Gusto mo bang ipasundo na kita? Kailangan ka namin."-nagulat ako sa nabasa ko! unknown ang numero kaya di ko alam kung saan at kanino galing.

Lalo akong kinabahan sa nakita ko sa mga recent calls. Yong numerong sinasabing wrong number ni Sandy ay ang numerong pinang-galingan ng mensahe.

Sya rin ang tumawag dito. 'Nagsinungaling sya sakin!'....

Pagkarating ng bahay, nakasalubong ko sya. -niyakap nya ako!'...
Nabigla ako sa ginawa nya pero gustong-gusto ko!...

"Bakit ang tagal mo?"-tanong nito habang mahigpit ang pagkakayakap sakin.

"Eh, kasi mahaba talaga yong proseso kaya natagalan ako"-sagot ko naman sabay yakap ng mahigpit sa kanya...

Unti-unting pumatak ang luha ko dahil sa lungkot na nararamdaman. Takot na baka iwan na nya kami, ako!...

Bago nya pa mapansin ay, mabilis akong tumalikod at pumunta ng banyo.

Inayos ang sarili bago lumabas.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tragic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon