Sandy's POV...Nagtataka man, naguguluhan, di ko man kilala ang sarili ko, wala man akong alam tungkol sa pagkatao ko pero alam kung masaya ako sa kung anong meron sakin ngayon...
'Mahigit tatlong linggo na rin ako sa lugar na 'to'. Mababait ang tao lalo na pagdating sakin, masayahin at napaka-buti...
Kasalukuyan kong pinag-mamasdan yong lalaking masasabi kong pinaka importanteng tao sa buhay ko na meron ako sa ngayon. Inaayos nito ang bangka na ginagamit namin sa pangingisda, madalas na rin kasi akong sumama sa kanila tuwing pumapalaot ito, Pagkatapos idadala namin sa palengke para maibenta... Simpleng buhay pero masaya, Buhay na siguradong di ko naranasan sa kung anong buhay ang meron ako dati...
Maamo ang mukha nito, hindi maputi pero hindi rin maitim. Kayumanggi ang kulay, siguro dala na rin na taga-probinsya ito. Matangkad, mahinahon pagdating sa pamilya pati na rin sakin.
Nagulat ako nang bigla itong magsalita.
'Di ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya'....
"Alam kong gwapo ako, kaya naiintindihan kita kung sakaling nahuhulog kana sakin".-taas kilay nitong sinabi... Nagulat ako sa sinabi nya, "Hhhh...Haaaa?, mmm...may sakit ka bbbaaaa?"-pautal utal kong pagtanong sa kanya na walang halong emosyon. Poker face lang para di nya mahalatang kinakabahan ako...
"Ahh, HAHA. wala wala!."-tugon nito bago nawala ang matamis nyang ngiti. 'sarap tingnan ng mga ngipin nitong mapuputi at pantay-pantay habang tumatawa...
'tumalikod na lamang ako sa kanya at tuluyan nang pumasok sa loob. Pakiramdam ko kasi namumula na ako.'... Sinarado ko yong pinto sabay sandal rito. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumunta sa kusina, nagugutom kasi ako...Hussien's POV....
Pagkatapos kong ayusin yong mga lambat sa bangka, naligo ako.
Pupunta kasi kami ng bayan, Wala na kasing magamit itong si Sandy. Gusto kong bilhan ito nang mga damit para naman di na rin maubos mga gamit ko. Binilhan na ito nina Jane ng gamit pero hindi ko alam kung bakit mga damit ko parin ang ginagamit nya. Wala na tuloy akong masuot. Minsan naka-sando na nga lang ako...Natapos ako sa paliligo, kasalukuyan akong naka-tuwalya lang papasok sa kuwarto ko nang makita ko syang kinakalkal ang cabinet ko!...
Sigaw ito ng sigaw! pilit na pinapaalis ako sa sarili kong kwarto. "Ano ka ba!? anong ginagawa mo dito!!!"-malakas nitong pagbulyaw na sakin.
'Di ko alam kung bakit ako lumabas na parang ako pa ang may kasalanan.'
"Nakakainis naman ang reaction ng babaeng 'to!, di naman sya lugi ah"-sabi ko sa sarili ko sabay himas sa mga abs ko... "Di nya ba alam na maraming may gusto nito!. tsk!!!"-medyo malakas yong pagkakabigkas ko pero alam kong di naman nya ito maririnig...Matagal-tagal pa ako ito nakalabas ng kwarto ko, Nakataas ang kilay nito na parang matandang dalaga. Suot nya yong puting plain ko na t-shirt habang naka-short na maong, Ito yong short na binili ni Jane para sa kanya...
Tuloy tuloy lang ito sa paglalakad. Di man lang ako pinansin, kahit manlang humingi ng paumanhin wala!...Pero kahit ganon ang ganda nya...
Nakangiti lang ako sa kanya kahit ang sungit ng mukha nito. 'kahit kasi naka-sungit mode ay bagay na bagay sa kanya'...