SEA FOODS

26 5 6
                                    


"Jane, ikaw na ang bahala kay Jake, aalis na kami."-pagkatapos nito umalis na kami kasama ko kung sino man tong babae na 'to. Papunta kami ngayon sa clinic sa bayan. Malayo ang bayan dito samin kaya mahihirapan ka lalo na kung hindi ka sanay. Habang naglalakad papuntang highway para makasakay ng jeep, pinapakiramdaman ko na lamang sya. Napakabagal nyang maglakad pero hindi naman sya nagrereklamo sakin.
Napaka-tahimik lang naming dalawa, walang kibo, parang mag-isa lang ako. Nang makarating kami sa daanan ng mga sasakyan papuntang bayan, napansin ko na napapagod ito. Napapansin ko rin na panay himas ito sa tuhod nya, nasasaktan siguro kasi malayo-layo rin ang bahay mula rito.

Maraming ini-reseta sa kanya ng doctor kaya malaki rin ang gastos ko. Inipon ko yong ginamit ko para sa mga gamot nya, "Haysttt, bakit ko ba 'to tinutulungan?, mamaya ipahamak pa ako nito!" -tanong ko sa sarili ko. Tumingin lang ito sakin, kaya parang na-guilty ako sa naisip ko, nakakaawa naman kasi ang kalagayan nya kung iisipin.

Bago kami umuwi ay dumaan pa kami sa palengke. Bibili na rin kasi ako ng ulam para sa  kanya. Pumipili ako ng mga gulay ng bigla nitong i-abot sa akin ang isang piraso ng alimango.  "Sea foods..."-sambit nito sabay ngiti...
Natuwa ako kasi ito ang pangalawang beses nyang magsalita.
"Mahilig rin ako sa Sea food"-sambit ko rin habang nakangiti. Kumuha pa sya nang marami klase ng nito kaya kinabahan ako na baka kulangin ang dala kong pera, Di ko naman kase masabi na 'tama na!".

Napaka-dami naming dala, di ko aakalain na aabot ang pera ko. Inipon ko pa kasi to para sa mga requirements ko para makapagbarko na sa susunod na taon. Di na rin kasi kaya ni itay ang mga gastusin lalo na't lumalaki na ang mga kapatid ko.

Siksikan na sa sakayan at isa na lang ang jeep papuntang baryo kung saan kami nakatira, pinilit na lang namin na sumakay para lang makauwi.
Ako ang umupo sa upaan kaya sa hita ko nalang sya umupo. Sa una, napapansin kong di talaga sya umu-upo sa hita ko kundi pumapatong lamang sya, nahihiya siguro. "Okay lang, umupo kana para di sumakit mga sugat mo."-mahinahon kung sabi sa kanya...
Di naman sya nagsalita at umupo na nang tuluyan. Nagsisisi man ako sa naging desisyon ko ay pinilit ko nalang kahit nangangawit na ang mga paa ko.

Tragic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon