Hussien's POV
'Ang hirap pala pag marami kang inaasikaso sa buhay. Dumagdag pa kasi sa iniisip ko itong babaeng ito. Di ko man lang alam kung ilang taon na sya, saan ba talaga sya galing at kung ano ba talaga pangalan nya'. Ito kasi yong patuloy na tumatakbo sa utak ko.
Hindi ko rin kasi matanong yong mga bagay na gusto kong itanong sa kanya kasi sa tuwing magtatanong ako, sumasakit lang ulo nito na parang walang alam sa tunay nyang pagkatao.Kakatapos ko lang magluto para sa tanghalian ng mapansin kong nakatulala ito sa labas ng bahay habang malayo ang tingin kaya sinubukan kong kausapin.
"Jin! kalma, wag kang kabahan."- sabi ko sa sarili ko habang papalapit sa kanya "
Okay ka lang ba?"-tanong ko habang tumabi ako sa inu-upuan nito sa labas. Tumingin lang ito sa sakin at tumango. 'Alam kong hindi sya okay, napaka-lungkot kasi ng mata nito.'
"Sorry."-ito ang sumunod na salitang binitawan ng mga labi ko. Tumingin ito sakin pero walang halong emosiyon.
"Ahmmm... Sorry kasi wala akong magawa para tulungan ka."- pagpapaliwanag ko. Di ko rin kasi alam kung bakit ko nasabi yon!, siguro dahil wala naman talaga akong magawa para ipaalala sa kanya ang lahat. Ngumiti naman ito bilang tugon.
"Salamat"... Di ko na tinanong kung bakit ito nagpapasalamat kaya sinabi ko na lang na kakain na bilang pagputol nang usapan naming dalawa.
'Ang lambing nang boses nya.'-sabi ko sa sarili ko sabay bahagyang pagngiti.Natutuwa na lang ako kasi habang kumakain kami ay panay na ang tawanan ng mga kapatid ko kasawa sya. Di na rin ito masyadong na-iilang samin kaya pagkatapos na pagkatapos ng tanghalian dinala ko sya sa paborito kong lugar samin.
Naglalakad kami papunta sa lugar na ipinag-mamalaki ko sa kanya. Kanina ko pa kasi sinasabi na magugustuhan nya don...
Marami pa akong kinuwento sa kanya, ayuko namang kainin kami ng katahimikan habang naglalakad. Medyo malayo kasi yong tambayan ko mula sa bahay... "Nandito na tayo."-pangbungad kong salita nang makarating na kami. Agad ko namang nakita yong mga ngiti nitong kakaiba sa lahat, tumingin ito sa akin ng mabilisan sabay balik sa magandang tanawin na nasa harapan ko.
Tumalikod ako sa kanya para hindi nito mapansin ang naging reaction ko dahil sa mga ngiti nito. Pakiramdam ko kasi ay unti-unting kumakapal ang mga pisngi ko dahil sa kanya.Sinamahan ko syang umupo sa ilalim ng malaki at madahong puno. Mainit kasi kaya minabuti naming magpahinga muna.
""
""
""
........................matagal-tagal din bago nabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa... "Nanaginip ako kagabi".-pagsisimula nya. 'Humarap ako sa kanya bilang tugon.
Pagkatapos nito ay biglang pumatak ang mga luha nya... Nabigla ako sa nangyari. Di ko alam ang gagawin kaya niyakap ko sya. Gusto kong iparamdam na nandito lang ako.
"Di kita pinipilit na magkwento sakin,. kaya, tama na, wag ka nang umiyak"-mahinahom ang pagbigkas ko. Naaawa ako pero wala akong magawa.
Wala akong maisip na paraan para tuluyan na syang tumigil kaya nag joke ako.
"Alam mo ba ang tawag pag ako ay naging pampalasa?"-tanong ko sa kanya. Tinaas nito ang ulo nya sabay tingin sakin, wala naman itong sinabi kaya ako na ulit ang nagsalita.
"edi-JINger(ginger)..." Wala itong naging reaction kaya napahiya ako.
Namumula na ata ang mukha ko dahil sa kahihiyan ng mga oras na yon!. 'Gusto ko lang namang makatulong, pero bakit parang ako pa ang napahamak?, bakit ba kasi walang pakiramdam ang babae na 'to!?"-tanong ko sa sarili ko pilit kinakalimutan ang nangyari.
"HAHAHAHA"-ako na lang ang tumawa para mabawasan ang kahihiyan... Pinasandal ko na ulit ang ulo nito sa balikat ko...
"Ahmm..Okay ka na ba?"- muli kong pagtanong to ...
Tumango lang ito bilang tugon sa tanong ko."Ah, Eh, Sandy..."-pautal-utal kong pagbigkas... "Nandito lang ako palagi kung kailan mo nang tulong."-sunod-sunod kong pagbigkas.
Akma na sana itong tatayo ng pigilan ko sya at niyakap ng tuluyan. "Oo, simula ngayon, yan na ang pangalan mo"...