V03 | alangan

56 7 8
                                    

"P*TA naman, oh! Bwiset na Venice 'yan!" sigaw ni Ethan habang itinatabi muli sa bulsa ang cellphone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"P*TA naman, oh! Bwiset na Venice 'yan!" sigaw ni Ethan habang itinatabi muli sa bulsa ang cellphone.

Walang tigil ang binata sa pagsuntok sa inuupuang mahabang silya. Walang tigil hangga't hindi siya nakukuntento.

Maihahalintulad ang tagpo nila sa kagubatan. Leon si Venice habang 'di hamak na usa si Ethan. Lubha itong makapangyarihan. Nakayanan nitong paikutin ang tagpo. Ang kaninang nagpupumilit maging matapang, ngayon ay hindi na mapigilang magwala.

Agad hinagod ni Joshua ang likod niya upang pakalmahin. "Utol, huminahon ka! Baka marinig ka ni Mama Tin."

"Paano naman ako hihinahon, utol? Sinasamantala ni Venice ang kahinaan ko. Lahat gagawin niya para lang may mangyari sa 'min," saad ni Ethan.

Nag-iigting na ang panga niya at nagngangalit ang mga ngipin dala ng lubhang panggigigil.

Umiiling na lang siya habang nakasentro ang tingin sa sementadong kalsada na wala nang mababanaagang tao.

"Kung alam ko lang talaga na may balak s'yang ganito, mas pinili ko na lang na ibang lahi ang ka-sexcall ko!"

"Pero pupunta ka ba sa kanila o hindi?" seryosong tanong ni Joshua. Nakatukod pa ang mga kamao nito sa kinauupuan habang nakatitig sa katabi.

"Hindi ko alam, utol," sagot ni Ethan kasabay ang puwersahang pagsabunot sa tuwid na buhok. Kahit nakararamdam ng sakit dahil sa nababanat na anit ay patuloy pa rin dahil doon siya nawiwili.

Itinuwid ni Joshua ang kaliwang binti habang may kinukuha sa maong na pantalon. "Oh! Magyosi tayo habang pinag-uusapan ang problema mo."

Walang pagdadalawang-isip iyong kinuha ni Ethan. Itininapat niya muna sa panindi ng kaibigan ang dulo ng sigarilyo bago idinikit sa labi.

Kakaibang kaginhawaan ang nararamdaman niya nang nararamdaman ang pagdaloy ng usok magmula sa pahabang bagay papasok sa bibig.

"Kung ako ikaw, papayag ako sa kondisyon ni Venice. Panalo ka naman kahit saang anggulo," turan ni Joshua.

Nagmamadaling ibinuga ni Ethan ang naipong usok. "Ha?" kunot-noong sabi niya.

Tiningnan niya rin ang katabi na kalakip ang nakakalokong ngiti. Tila may kung anong kabastusan ang pumapasok sa isip nito.

"Ikaw naman ang masasarapan sa pagse-sex n'yo ni Venice. Hindi ka na kawawa do'n tapos narinig mo naman na pagkatapos no'n, malaya ka na. Tapos ang problema mo." At makailang beses tinaktak ang hawak na yosi bago muling inilagay sa bibig.

Muling bumuga ng usok si Ethan ngunit nakakorte pa iyon na bilog na unti-unting lumalaki habang lumulutang sa ere. Nang tumagal ay kusa na iyong naglaho.

"Ang libog mo talaga, 'no?" natatawang bulalas ni Ethan at itinakip ang buong palad sa maliit na mukha ng nakatatandang kaibigan. "Ayoko kay Venice, sobrang tanda na niya para sa 'kin. Para na nga kaming mag-ina."

vileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon